Mysterious Guy

85 8 0
                                    

Yanina's P.O.V.


"Bilis guys! anong oras na!" minadali ko silang apat dahil mag hahapon na


Papunta kasi kami sa SM para bumili ng concert tickets, kaso si Sofia at Chass ayaw sumama, kasi di naman daw sila fan, ay jusko! naka limang oras ata kami ng pilit sa dalawang yan!! kanina pa dapat kami umalis eh! kaya lang dahil sa sumpong nila hindi naachieve ang "11 am" na pag bili ng tickets.

ayan! hapon na tuloy hayyss.


"Teka yung sapatos ko!" habol ni Kirs..


putek ang bagal talaga nitong babaeng to. pag nag mamadali palaging gusto mas tumagal pa.

then finally nakasakay na kaming lahat sa kotse. ayun ako nag drive.. naiinis kasi si Chass dahil sinama namin sya.


"uy, wag ka naman magalit" suyo ko sa kanya kasi nasa tabi ko lang sya.


"hindi naman ako galit eh, nag tatampo lang." tingin nya sa labas ng kotse.


"edi wag ka na mag tampo" ngiti ko.


"Naku, kung hindi lang kita mahal baka nagalit na ko" tawa nya.


ganto lang kami, minsan nag aaway dahil sa mga walang kwentang bagay..

pero after 5 minutes, you'll see us laughing about the shitty things we did, hahaha hindi kasi namin matiis na hindi kausapin ang isa't isa, tapos hindi kami sanay na may alitan kaya ito! Everyday happy.


yung tatlo sa likuran nakaka out of place.. kwentuhan nang kwentuhan tapos tawa ng tawa. jusmiyo mga baliw talaga. but i would tell you the truth dahil sa kabaliwan namin nag kakasundo kami.


nung makarating kami sa mall, nag madali kaming pumunta sa ticket booth.

kaso yung dalawa parang walang pake.


"Uy Sofia, ate Chass" hinila ko sila


"ah oh baket?" tanong ng lumilipad na utak ni Sofia


"Bibili na tayo ng Tickets" sabi ko


"Ha? oh sige na bumili na kayo" parang hindi nila alam sinasabi ko.


"Are you even in to it?" tanong ni Kirsten na atat na atat nang bumili ng tickets.


"Kasi guys..." nag alalangang sambit ni Chass.


"ano?" tanong ko.


naku this isn't a good sign. baka pilitin nanaman nila kami na ayaw nilang sumama.. hayysss sana naman hindi, pagod na ko noh!


"Kasi Ayaw nga namin ehhh" sabi ni Sofia


sabi ko na nga ba eh.


"Oo nga, Wag niyo na kami pilitin" sabi naman ni Chass


"Bilis na kasi guys! magiging masaya to. promise, sumama na kayo!!" pilit ko


"tsaka napagusapan na naten to diba?? eto na eh! bibili na ng Tickets!" singit ni Kirsten. tapos nag tinginan yung dalawa na parang may sinasabi sa isa't isa..


"Fine" sabi ni Sofia


"YESSS" sabi naming tatlo nina Trish at Kirs


FINALLY! pumayag din sila!! OMFG we have to celebrate!! natapos din ang pilitan.. i think??

pagka alis nung nakapila sa harap namin. ITS OUR TURN..


"Ate pabili po ng 5 gold ticket, please?" Excited na sabi ni Trisha


Binigyan na kami nung nagbebenta, tapos nahawakan ko yung ticket. my heart started to race of exitement, GOD thank you!! WE waited for this in 5 years!! finally! naka hawak na kami ng ganto! Tapos sigaw kami sigaw tatlo, habang sina Sofia at Chass poker face lang habang nakatigin sa amin.

Bigla kong naalala, Bibili pa nga pala ako ng damit para sa concert!


"Guys.. bibili muna ako ng damit, hintayin niyo na lang ako sa parking lot, okay lang ba??" tanung ko


"Oo, okay lang, hihintayin ka na lang namin sa labas, bilisan mo ha?" Utos naman ni Kirsten


*Pag Katapos Bumili*


"Thank you, come again Ma'am" sabi sakin nung Cashier at binigay sakin yung mga binili ko.


Pagkalabas ko sa may store.. focused ako dun sa mga binili ko.. tapos inatake ako ng katangahan ko, hindi ko alam may nakabangga akong lalaki.. balot na balot sya tapos naka hoodie siya na black tsaka naka shades, nagka-titigan kami saglit tapos i realized naapakan ko pala yung paa niya. minadali kong tinanggal yun at inayos ang sarili ko.


"Oh My God! I'm so sorry" i apologized


"No, Its okay" sabi ni Kuya tapos ngumiti siya.. huh?? bakit parang kilala ko sya??


Naks may accent pa si kuya, englishero ata siya.. pero teka nga.. parang alam ko yung accent na yun ah.. Liam?? Bigla ko nalang namalayan na wala na si Kuya, ikot ako ng ikot pero wala talaga siya. Sino kaya yun?? Bakit balot na balot siya?? is he a bad person or something??

Eh!! Yani masamang mambintang! baka Foreigner lang si Kuya at ayaw mangitim. ayun! ayun nalang iisipin ko.


pero hindi talaga eh..

5 MONTHS with 1DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon