Tangatangahan ni Kirsten

70 4 0
                                    

*Kirsten's POV*

"hm! hm! hm!" putek kahit anung gawin ko hindi ako makatulog. ikot dun ikot dito dapa dun harap dito.. anu ba?? haaysss siguro kasi natulog ako kanina..

umupo ako at nag try mag muni muni saglet.. tapos parang may naririnig akong nag uusap sa labas.. aba?? alas dos na may nasa labas pa?? anung peg nila?? pag dungaw ko sa may bintana.. pota!! si Sofia at Louis yun ah?? parang may seryosong pinag uusapan ang dalawa.. pinanood ko lang sila hanggang sa nagulat ako, tangina hinalikan ni Louis Tomlinson si Sofia??!!

as in nanlaki talaga yung mata ko, bukod sa first kiss yun ni Sofia.. 8 hours palang sila nagkakakilala. WTF ang bilis ng happenings!! excited ata si GOD.. i wonder kung ano na nangyayare sa iba??

tapos ayun huminto sila saglet then nag usap ulet, tapos anak ng kalabaw si Sofia naman gumante ng halik!! ang taray ng lola mo!! kinikiss si Louis Tomlinson!!

napaiyak nalang ako sa sobrang kilig as in grabe LOFIA FEVER na ito!! how i wish na ako yung nasa posisyon ni Sofia ngayun.. anu kayang lasa ng lips ni Louis?? hahahaha i'm sure alam na ni Sofia kung ano... i think it taste like cherry?? pero hahahaha conclusion ko lng yun!

peg ko yung mga nag deday dreaming sa tv... nakapangalung baba habang naka ngiti.. hayyss, HANGGANG PANGARAP NLANG

after ilang minuto nag lakad na sila papasok ng bahay. with matching holding hands pa!! edi wow diba?? hahahaha

para kong nanuod ng Romantic Movie!! ayun! nakatulog ako kaka daydream.

*Tumugtog yung steal my girl sa cellphone ni Kirsten*

ay putakte! anong oras naba?? pag tingin ko sa bintana maliwanag na. tinignan ko yung cellphone ko tapos 6:30 na pala!! naku patay!!

nag madali akong tumayo sa kama at kinuha yung towel ko para maligo. nag tooth brush nag shampoo nag sabon, syempre naligo eh!

Kinuha ko yung Uniform ko tapos sinuot ko, yung buhok ko?? pabayaan mo munang magulo sa labas ko nlang aayusin.

pag labas ko ng kwarto ko humahagulgol pa ko.. habang nag lalakad ako sa maliit na corridor namin sinusuot ko yung sapatos ko, mapatid patid pa ko. buti nalang hindi ako tumumba.

pagkalabas ko dun sa corridor...

"Kirsten??" Tinignan nila akong lahat.

ay putek nakalimutan kong ibutones yung blouse ko!! jusko may kasama nga pala kaming mga lalake. kaya eto!! minadali ko nalang takpan yung half naked body ko. ay jusko mag papakita ko sa one direction ng ganito itsura ko..

"Anu ba yang suot mo??" tawa ni Chass.

"Anu bang araw ngayon??" nagtataka kong tanong

"Linggo ngayon walang pasok" sabi ni Sofia.

Tangina oo nga pala, concert nga pala kahapon.. tapos kinidnap kami, susmaryosep.

"What's wrong?" tanong ni Louis.

"She forgot that its sunday today.." Chass said

"Kirsten yung blouse mo." Turo ni Yanina.

tinakpan ko agad yung katawan ko.

"Mag palit ka na nga ng damit."

Tangina todong hiya inabot ko dun ah?? jusko napahiya ako dahil sa katangahang dinulot saken. Linggo nga pala nagyun! at kanina lang nag sink in saken lahat ng nangyare kahapon.. Kirsten, Kirsten... hayss!! Wag ka na ulet lalabas ng kwarto mo na hindi fully clothed!! may kasama na kayong mga lalake ngayon!! i mean kahit na 1D yun, They're still Boys..

5 MONTHS with 1DWhere stories live. Discover now