ONE

75 4 0
                                    

[ un-edited ]

_ _ _ _ _ _

Forget me, not Avery

jaijairey

[ Avery POV ]

"hoy babaita! pinapatawag ka ni Sir Mark." bungad agad ni Bea sakin ng makapasok na siya sa classroom.

"bakit daw?" tanong ko habang humihikab.

Wala naman akong ginawa ha, so bakit ako pinapatawag ni Sir Mark? tsaka aish, ang laking disturbo naman! kitang pagod ako e'.

Puyat kasi ako ngayon. Late na ako nakauwi kagabi kasi umextra pa ako sa shop nila Auntie Beth. Need ko kasi ng pera ngayon e', gusto ko kasi magpa enroll sa voice lesson class, pero di ko magawa kasi wala akong pera at nahihiya din ako humingi ng pera sa mga magulang ko.

Walang wala na nga kami tapos hihingi pa ako sa kanila. Ang bastos ko naman na anak sa lagay na 'yun.

"aba ewan ko. basta sinabi niya lang sakin na papuntahin ka daw doon." sagot niya habang may kinakalkal sa bag niya.

Mag re-retouch na naman ang gaga.

"katamad naman."

"Huwag ka tamarin teh. Pumunta ka na doon, baka may bagsak ka."

Kinabahan agad ako sa sinabi niya, lalo na't nitong mga dumaang araw hindi na ako masyadong nag-aaral. Dumi-dipendi nalang ako sa stock knowledge. Tumayo na agad ako at nagmamadali agad akong tumakbo papuntang faculty.

Bonak ayaw kung bumagsak! ibagsak niyo na lahat basta huwag lang grade ko. Dagdag purwesyo lang 'yon kung babagsak ako. Ayaw ko din umulit ng grade 12 noh! Nakakahiya na kila Mama at Papa. Hindi ko pa nasusuklian yung mga binigay nila sakin, puro lang sakit sa ulo yung binibigay ko sakanila.

Nang makarating na ako sa faculty. Nakatayo lang ako sa labas, tinatanaw ko kung nasaan si Sir Mark.

Wala kasi siya sa table niya, tsaka hindi rin kasi kami pwedeng pumasok sa faculty without the teachers permission.

"Sir!" sigaw ko ng makita ko siyang lumabas sa office ni Sister Jessica.

Kumaway ako sakanya ng mapatingin ito sa'kin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya naman binaba ko agad ang nakataas kung kamay ay umayos na sa pagtayo.

mukhang bad mood si Sir.

Kunot noo itong lumapit sakin. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya ng makita niya ang suot ko.

"Why are you wearing your p.e uniform? as far as I remember hindi naman Wednesday ngayon."

tangina.

paano na 'to? Hindi kasi natuyo kagabi yung uniform ko, magdamag kasing umulan kahapon e. Tapos dalawa lang kasi uniform ko e' alangan naman suotin ko yung basa.

"Basa pa po kasi yung uniform ko Sir. Hindi natuyo kasi magdamag na umulan kagabi."

Napabuga nalang siya ng hangin at tumango.

"Hay, ano pa nga ba. Same reason na naman ulit. Sige na, gumawa ka nalang ng letter para ma permahan ko."

Mabait din naman si Sir Mark, pero minsan kasi masungit din siya. Daig pa ang babaeng nasa menopausal stage.

"Opo. Sabi po pala ni Bea na pinapatawag niyo daw po ako. Ano po kailangan niyo?"

Tumabi kami ng may dumaang teacher.

"ahh yes, I called you kasi narinig kung kailangan mo ng part time job ngayon."

Ang bilis naman kumalat ng chismis. Sasapakin ko talaga 'yun si Bea kung siya ang nagsabi kay Sir. Wala namang ibang nakakaalam kung di siya.

Forget Me, Not AveryWhere stories live. Discover now