FOUR

22 2 0
                                    

[ un-edited ]

_ _ _ _ _

FORGET ME NOT AVERY

jaijairey

[ AVERY POV ]

Nahihiya kung saad. Napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang pagkalito sa mukha niya.

"Huh? Anong wala kang hiling?"

"You even made a wish earlier and that's the reason why you summoned me here to your world."

Ang tigas naman ng ngala-ngala ng lalaking 'to. Di ko nga alam kung bakit ko hiniling 'yon e. Tsaka kasalanan ko ba na ugali kung mag summon ng mga demonyo gago ah.

"Naririnig ko mga pinagsasabi mo Master. For your information hindi ako demonyo."

Dapat ayusin ko na mga pananalita ko kasi naririnig niya ako. Wala na akong privacy nito ngayon kasi naririnig niya na mga pinagsasabi ko.

"Wala nga akong wish! kung sana meron edi kanina pa ako humiling diba?"

Stress niyang nilagay ang dalawang kamay niya sa bewang niya at napabuga nalang siya ng hangin.

Bahala ka na nga diyan.

Inirapan ko nalang siya at umalis na ako sa harapan niya. Bahagya ko pang binangga ang balikat niya. Sa halip na siya ang masaktan, ako ang nasaktan.

Gago ang tigas! Parang pader ang binangga ko ma.

Hindi ko pinahalata na nasaktan ako. Naglakad lang ako na parang walang nangyari palabas ng Library. Ipapasa ko na 'to kay Miss Mohado. Salamat nalang sa kanya kasi napadali ang pagtapos ko sa punyetang quiz na 'to.

"Seryoso talaga na wala kang wish? Pwede ka naman mag wish ng kahit ano."

Punyeta. sinunda pala ako ng demonyo.

"Tulad nalang na sana may one million cash ka na ngayon or kung ano ang digits na lalabas sa lotto or gumanda ka."

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

Gago?

"Pakyu anong gumanda? Gago ka ba? Maganda na ako since birth so bakit ko pa ihihiling na gumanda ako?!"

Inis kung saad sa kanya. Napaatras siya sa sinabi ko at napatitig sakin. Bahagyang tumagilid ang ulo niya at kinilatis niya ako mula ulo hanggang paa.

Minamaliit niya ba kagandahan ko? gago to ha.

"Saang banda ang maganda? Hindi ko makita master e." Napakurap ako sa mata dahil sa sinabi niya.

"Tanginamo! Umalis ka nga sa harapan ko. Gago kumukulo dugo ko sayo."

"Ikaw naman master, 'di ka naman mabiro. What I mean is pwede mo ihiling na 'MAS' gumanda ka. Di ko naman sinabi na pangit ka noh."

"Sige na, mag wish ka nalang ng kahit ano. Gusto ko na umuwi sa'min. Baka nasunog na yung bahay ko. Nakalimutan kung ioff ang kalan."

Pinagdikit niya ang dalawang palad niya at nagmamakaawa sa'kin.

Aba manigas ka diyan! Kasalanan ko ba na nakalimutan mong ioff kalan mo.

Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Kung totoo nga na genie siya aba pwes, dapat pag-isipan ko ng mabuti mga wish ko noh! Sayang kaya yun kung mag wiwish nalang ako ng mga bagay na hindi naman importante.

Pagkatapos kung ipasa ang papel ko. Dumiretso na agad ako sa City Library. Ramdam ko ang presensya niya sa likod. Kanina pa siya nakasunod sa'kin.

Hinayaan ko na siya kasi baka trip niya lang talaga maging buntot ko. Tsaka ayaw ko din siya kausapin kasi naalala ko yung sinabi niya kanina na hindi siya nakikita ng iba. Ako lang ang bukod tanging nakakakita sa kanya.

Baka tawagin akong baliw ng mga nakasalubong ko kung magsasalita lang ako mag-isa.

Habang tumutulong ako sa kay Mrs Salanap, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Nakaupo lang siya sa ibabaw ng lamesa. Nakatungtong ang dalawa niyang paa sa mesa.

Pasalamat nalang talaga siya na hindi siya nakikita ni Mrs Salanap.

Nagtama ang mga paningin namin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Binigyan niya ako ng namamakaawang tingin.

Seryoso talaga na naiwan niyang nakabukas ang kalan niya? Parang hindi kapani-paniwala e'. Umiwas ako ng tingin ng tawagin ako ni Mrs Salanap.

Bahala na nga siya diyan. Choice niya kung iiwan niya ako dito or umalis siya. Hindi ko naman siya pinipilit na mag stay.

Wala masyadong tao dito sa library ngayon, kaya hindi kami busy. Napagpasyahan kung pumunta sa pinakadulo at nilabas ko ang phone ko. Hindi kasi pwede na magphone ako sa harapan ni Mrs Salanap, lalo na't work hours ko pa.

Nag scroll lang ako sa news feed ko sa facebook. Ngayon ko lang ulit to nabuksan. Simula kasi noong nag break kami ni Brax. Hindi ko na binuksan ang account ko.

Oo, naging kami ni Brax. We've been together for 4 years. Niligawan niya ako noong 2nd year highschool palang kami. Miyembro siya sa banda sa school namin. Crush ko lang talaga siya noon, pero di ko talaga aakalain na mutual ang nararamdaman namin sa isa't-isa, lalo na't simple lang naman akong babae.

Everything was perfect. Nangarap kami ng magkasama. He was also the one who influenced me to sing.

nag-aaway kami minsan pero nagbabati din naman kami. Pero yung akala kung perfect at strong naming relationship hindi pala. Nakipag break siya sakin noong grade 11 na kami at sa birthday ko pa mismo.

Hindi ko alam kung ano ang rason niya. Hindi ko nagawang itanong sa kanya kung bakit kasi palagi akong pinangungunahan ng takot. Biglaan ang lahat. Kahit ako, hindi ko napaghandaan ang araw na 'yun. Hindi man lang siya nag bigay ng signs na ayaw niya na.

He cut everything all of the sudden.

Habang nag s-scroll ako nakita ko na may pinost si Brax.

May kasama siyang babae. Yung babaeng nagbigay sa kanya ng paper bag.

Bagay sila.

Napailing nalang ako ng mapansin ko na tinitigan ko na pala ng matagal ang picture nila.

"Lungkot naman ng story mo Master." Napatingin agad ako sa taong nagsalita.

Bwesit, nakalimutan kung naririnig niya pala ako. Pero teka nga..

Susundan niya nalang ba ako palagi?

"Oo, susundan kita palagi hanggang sa matapos na ang mission ko. Sige na mag wish kana para wala ng susunod sayo."

"Sabing ayaw ko nga e'. Wala pa akong maisip na wish." Inis kung saad. Napatitig siya sakin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

Ugali niya ba talaga tumitig ng ganito? Kanina ko pa kasi siya napapansin e'.

"You can wish for him.... just like before."

Lito ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya. Gago nahihibang na ba talaga siya?

"Sige Master, bibigyan kita ng panahon para pag-isipan kung ano ang wish mo. I'll explain to you nalang kung ano ang mga pwede at hindi pwedeng ihiling."

Mas mabuti nga yan, 'di yung prine-pressure mo akong humiling.


Forget Me, Not AveryWhere stories live. Discover now