FOURTEEN

47 2 0
                                    

[ JENE POV ]

Dalawang araw ang dumaan simula ang gabing yon. Walang ibang ginawa si Avery matapos siyang ihatid ni Brax kundi ikwento sa akin kung ano ang ginawa nila maghapon. 

I would never forget how her eyes sparkled just by talking about him. She talks about him with full admiration. 

And up until now, hindi parin humihiling si Master. Which kind of confused me.

Ang tagal ko ng namamalagi dito sa mundo nila. Marami na akong natutunan tungkol sa mga tao. Wala akong ibang ginawa habang nandito pa ako kundi ang pagmasdan ang mga tao at si Avery. 

Katulad nalang ngayon. 

Pinagmamasdan ko lang siya habang nag aasikaso siya sa mga humihiram ng libro. Hanggang ngayon tumutulong pa rin siya sa library nila. 

Diba ang hardworking ng Master ko? Minsan na nga nakakainis na siya. Nakakainis kasi pwede niya naman hilingin na umahon sila sa kahirapan or kaya pera pero pinapanindigan niya pa rin paniniwala niya. 

"Jene," pagtawag niya sa akin. 

Lumapit naman agad ako sa kanya. Tinapik niya ang katabing upuan niya. Kaya umupo ako doon at hinintay ang sasabihin niya. 

"Ano?" Pagsusunggit ko sa kanya. 

"Sungit mo naman ngayon."

Napairap nalang ako sa kawalan. 

Sino ba naman ang hindi maiinis kung sapilitan ka niyang pinakain ng lemon! 

Kanina kasi bago kami pumunta dito sa library pinakain niya ako ng lemon. Tapos ako na walang alam kung ano ang lasa noon kinain ko din. Doon ko lang nalaman ang lasa ng lemon. Ang asim ng lemon para akong mamamatay sa sobrang asim. 

Oo, tama ang nabasa niyo. May panlasa na ako. 

Ilang linggo na akong namamalagi dito sa mundo nila at marami na ang nagbago sa akin. Isa na doon ang physical appearance ko. Yung maikli kung buhok naging mahaba na at ramdam ko na din ang pagtanda ko. 

Tangina.

Hindi na ako baby face. Nagkaka wrinkles ako dito sa mundo nila. 

"Bati na kasi tayo. Kala ko kasi hindi mo malalasahan e'. Diba sabi mo before na wala kang panlasa? Bakit may panlasa ka na ngayon." Nakanguso niyang tanong sakin. 

"Noon lang yun. Iba na ngayon. Habang patagal ako ng patagal dito maraming magbabago sa akin."

Sagot ko sa kanya. Tumango naman ito sa akin. May sasabihin pa sana siya pero hindi niya na natuloy kasi may lumapit sa pwesto namin. 

Magjowa ito. Naghaharutan sila sa harapan naming dalawa. Bitbit ng lalaki ang bag at libro ng babae. Nakatingin lang ako sa kanila habang kinakausap ito ni Master. 

Ilang sandali lang umalis na sila sa harapan namin. Umupo ulit si Master at napahalumbaba. 

"Ang sweet nila noh?"

"How I wish ma experience ko rin ang ganun." Sabi niya habang nakatingin sa papalayong magkasintahan. 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at ganun na rin siya.

"Aver—"

Humarap ako sa kanya at ganun na rin siya. Her eyes widened as we stare to each other. Nakabuka ang labi tila natigilan noong napagtanto niya kung ano ang nasabi. 

She unconsciously made a wish. 

"T-Teka h-huwag! Hindi yun ang wish ko?! Mema lang yun teka!"

Taranta niyang pagpipigil sa akin. Inalog-alog niya ako kaya naman umikot ang buong sistema ko.

Forget Me, Not AveryWhere stories live. Discover now