SIX

15 0 0
                                    


[ un-edited ]

_ _ _ _ _ _

FORGET ME NOT AVERY
j

aijairey

[ JENE POV ]


Pagkatapos ng shift ni Master, umuwi na agad siya. Nakasunod lang ako sa kanya. Hindi pa kasi ako makakauwi sa amin lalo na't hindi pa tapos ang misyon ko.

Huminto siya sa paglalakad kaya naman huminto din ako. Nilingon niya ako at nakita ko agad ang nakakunot ang noo.

"Hoy saan ka matutulog ngayon? diba hindi ka makakauwi hangga't hindi matapos ang misyon mo?" tanong niya sa'kin habang tumitingin-tingin sa paligid.

(mapapatay ako ni mama kapag nalaman niyang may sinama akong lalaki sa bahay.. tsaka wala ng vacant room sa bahay! dalawa lang room namin noh)

(ay bwesit baka tawagin akong weirdo ng mga tao nito ngayon lalo na't nagsasalita ako dito mag-isa.)

tsk. Ingay niya talaga. Hindi nauubusan ng sasabihin.

Minsan 'di ko talaga maintindihan iniisip niya. Ayaw niyang matawag na weirdo pero kinakausap niya parin ako.

"Hindi kami nakakatulog dito sa mundo niyo."

Nababahid sa mukha niya ang pagkalito sa sinabi ko.

"huh? paki explain nga."

Naglakad na ako kaya naman sumunod na siya sa'kin. Magkatabi na kaming naglalakad papunta sa sakayan.

"Kung nandito kami sa mundo niyo hindi kami nakakaramdam ng antok at pagod. Maliban nalang pag nagtagal kami dito. Diyan na namin mararamdaman ang mga yan." paliwanag ko sa kanya.

"Huh? seryoso? Ano kayo kapre para di matulog?"

Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya.

Kanina demonyo ngayon kapre na naman. Kung 'di ko lang talaga to master siguro kanina ko pa to binara.

Hindi ko nalang siya sinagot kaya naman tumahimik na din siya pero naririnig ko parin mga pinagsasabi niya sa isipan niya.

(Suplado naman ng demonyong 'to. Hindi man lang nakisabay sa joke ko. Pangit ka bonding ampots.)

"Pero hoy seryoso, saan ka mag s-stay ngayon? Bindi ka kasi pwede sa bahay e. Baka may gawin kang masama habang natutulog kami. Jusko baka nga jinojoke time mo ako na genie ka e." tumigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

Huh? Seryoso? Hindi pa ba sapat yung ginawa ko kanina?

"Ano pa ba ang dapat kung gawin para maniwala kang genie ako?"

(one million at house and lot ngayon na agad.)

"Sure ka na sa wish na yan? Sige sabihin mo na ang magic word. Tutuparin ko agad ang 1 million at house and lot na gusto mo.."

Nanglaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Joke lang! Hago ikaw talaga alam mo naman na medyo tatanga tanga ako. Pero pag-iisipan ko muna kung worth it ba ang hiling na yan."

Worth it yan. Yan kaya ang kadalasan na hinihiling ng mga kauri niyo.

Money and Fame.

They prefer to wish for the things that they want rather than on what they need. They're selfish and blinded to material things.

It's sad to hear na ganito ang mundo nila. They forgot the importance of hardships and willingness to achieve something. Mas ginugusto nalang nila ang mas madaling paraan.

"Okay." saad ko. Naglakad na ulit ako at iniwan ko na siyang nakatayo doon.

"Wait! Hindi mo pa sinasagot tanong ko kanina. Saan ka mag s-stay hoy?!"

"Hoy!"

Hindi ko siya nilingon. Narinig ko ang paglalakad niya at halata na malaking hakbang ang ginagawa niya.

(Jusko nakaka stress ang demonyong 'to ah.)

"Naririnig kita Master." saad ko ng nakatabi na siya sa'kin.

"Pake ko. Saan ka nga kasi mag s---"

"Sa bahay niyo. 'Di naman ako makikita ng mga magulang mo. Kaya okay lang. Tsaka 'di rin ako dadagdag palamunin. 'di ako kumain ng mga pagkain niyo e."

"Gago ang lungkot ng buhay mo! Walang ka thrill thrill."

Napatakip siya sa bibig niya ng makita niyang nakatingin sa kanya ang lalaking nakasalubong namin.

Nahuli pa nga. Ang daldal kasi.

(tangina.)

Kinalkal niya ang bag niya at inilabas niya ang telepono niya. Nilagay niya sa tenga niya ang telepono kaya nagmumukha na siya may katawag.

"Tsaka 'di ka ba nagugutom? Jusko ako nga e', normal na student lang ako pero nagugutom rin ako. Ano ka pa kaya na wishgranter."

Ang totoo kasi niyan, wala akong panlasa sa mga pagkain nila. Kahit na marami akong kakainin, hindi ko pa rin nalalasahan ang pagkain.

"Hindi ako nagugutom at higit aa lahat wala kaming panlasa kaya 'di namin malalaman ang lasa ng pagkain niyo."

Ito ang isa sa mga bagay na kinaiinisan ko. Marami akong gustong tikman na pagkain ng mga humans pero hindi ko magawa kasi useless lang kapag kakain ako dahil wala akong panlasa.

Noong una akong nakapunta dito sa mundo nila, sobrang saya ko noon kasi akala ko makakatikim na ako ng mga pagkain nila pero nadismaya lang ako.

"Baka makita ka nila mama. Wala ka bang ibang mapuntahan?" she bit her nails at nahihiya siyang umiwas ng tingin sa'kin.

"Okay. I'll go somewhere else nalang. Just call me if you have already decided what you want to wish for."

After that I vanished in-front of her. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa park. Hindi ako sigurado kung saang park ito. Umupo ako sa may puno at doon na ako sumandal.

Nakatingin lang ako sa mga bituin.

Na miss ko na ang caliban. Na miss ko na ang higaan ko. Ang mga kauri kung genie, kahit na hindi naman kami masyadong nag-uusap.

Ang tahimik ngayon pero naririnig ko parin ang mga sinasabi ng mga tao sa isipan nila.

'Nakakatangina ang buhay na 'to, puro nalang malas.'

'Bwesit talaga ang lalaking yun. Ang daming pinapagawa, Mababa naman ang sinasahod.'

'Sana mamatay ka nalang.'

Isa yan sa mga naririnig ko. Kahit anong pilit kung takpan ang tenga ko naririnig ko parin sila. Noong una natatakot ako, pero patagal ng patagal nasanay na ako. Hindi ko naman sila naririnig kapag kasama ko ang current master ko. Kailangan kasi naka focus lang kami sa master namin.

Minsan hindi ko maintindihan ang mundo ng mga tao. Minsan tahimik, minsan din hindi. Ilang beses na akong nakapunta sa mundo ng mga tao.

Noong pabalik balik lang ako sa caliban at mundo ng mga tao. Kapag kasi na assign ako sa isang tao, hindi umabot ng ilang araw ang stay ko sa kanila. Kasi tuwing sinasabi ko na genie ako may mga hiling na agad sila na sinasabi. Kaya nanibago ako ngayon sa Master ko.

Siya lang ang bukod tangi na hindi sigurado kung ano ang ihihiling niya.

Napabuga nalang ako ng hangin at pinikit ko na ang mga mata ko.

Hihintayin ko nalang kung kailan siya sigurado sa lahat. Diyan naman kami magaling e'.

Magaling kami maghintay kahit na walang kasiguraduhan ang lahat. Ginawa lang kami para pasayahin ang mga tao.

Forget Me, Not AveryWhere stories live. Discover now