TEN

17 1 0
                                    

[ un-edited ]

________

FORGET ME NOT AVERY

jaijairey

[ JENE POV ]

Nakadungaw lang ako sa labas ng bintana. Nakatingin sa mga bituin na kumikislap. Ang ganda talaga nito tignan. Hindi nakakasawa at nakakakalma. These past days palagi lang akong nakatingin sa mga bituin. Wala kasing bituin sa mundo namin. Tanging itim lang ang makikita sa kalangitan tuwing gabi.

I sighed as I stood up. Tumingin ako sa gawi ni Maste na ngayon ay natutulog na.

Kanina pa siya tulog. Hindi na kami nag-usap kanina hanggang sa makatulog siya. Hanggang ngayon tumatak parin sa isipan ko ang sinabi niya.

"Hayaan mo na. Kahit na binigyan kita ng pangalan makakalimutan din naman kita."

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pero ng marinig kung sabihin niya yon kanina parang nawalan ako ng gana. Alam ko namang walang permanente sa mundo nila pero hindi ko parin talaga maiwasang malungkot sa tuwing naririnig ko ang makakalimutan lang nila kami.

Ang sakit sa part naming mga Genie. Kasi sila nakakalimot habang kami naman hindi.

Mananatili lang sa ala-ala namin ang mga memorya na binuo lang ng madaling panahon.

I still cannot get why people can easily forgot about us. Bakit parang ang dali lang nilang sabihin ang mga katagang 'yun. Bakit parang basura lang sa kanila ang mga ala-ala?

Bakit pa ba ako magugulat. Hindi na dapat ako magulat. Ganyan naman ang mga tao e'. Ganyan sila kadali makalimot. Naalala ko na naman tuloy yung mga pinagdaanan ko noon. Yung mga alaala alang pilit kung kinakalimutan.

Nakakatawa kasi kahit na sobrang tagal na non. Nanatili pa rin ito sa puso at utak ko. Hindi mawawala sa memorya ko ang mga pangyayaring iyon. Ang memorya iniingatan ko.

Lumapit ako sa kay Master. Tinitigan ko lang siya. Mukha siyang anghel na natutulog. Sana matulog nalang siya lagi. Syempre joke lang.

Noong unang kita ko palang sa kanya sobrang pamilyar na ng mukha niya. Kamukhang kamukha niya talaga.. Kahit saang anggulo sa mukha niya parang xerox copy niya.

Inalis ko sa mukha niya ang bangs na nakaharang sa noo niya. Bahagya pa akong natigilan ng matitigan ko ng maayos ang mukha niya. Kinilatis ko lang ang mukha niya. I don't know what got into me pero dahan-dahan kung pinadaan sa ilong niya ang hintuturo ko.

Inilayo ko agad ang kamay ko ng gumalaw siya. Akala ko magigising siya pero hindi pala. Mahimbing lang siyang natutulog. I just stared at her. Tila hindi alam kung ano ang gagawin.

"Kamukha niya si Siera noh?"

Napalingon agad ako sa likuran ko nang may narinig akong pamilyar na boses.

"Marid"

Ngumiti siya sa akin. Naglakad siya papalapit sa akin at tinitigan niya din si Master.

"Kuhang-kuha." bulong niya habang umiiling. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Ano ginagawa mo dito?" diretso kung tanong sa kanya. Natawa siya at humarap sa akin.

"Long time no see my dear friend. Hanggang ngayon ang straightforward mo pa rin walang pinagbago. tsk"

Umismid ako sa sinabi niya.

"Wala naman dapat ibago." bulong ko. He looked at me amusingly. He folded his arms to his front.

Parang tanga.

Forget Me, Not AveryWhere stories live. Discover now