THREE

28 1 0
                                    

[ un-edited  ]

_ _ _ _ _

Forget me, not Avery

jaijairey

[ Avery POV ]

Umayos ako sa pagkakaupo at tinignan ang nagsalita. May lalaking nakaupo sa harapan ko. He has a clean cut blonde hair at nakasuot ito ng white polo and a black slacks.

"Sino ka? kilala ba kita" nakataas kilay kung tanong sa kanya.

Aba malay ko ba kung sino siya. Ngayon ko lang kaya nakita pagmumukha niya tsaka hindi rin pamilyar sa akin ang mukha niya.

He smirked and answered.

"I'm your wish granter."

lito ko siyang tinignan dahil sa naging sagot niya.

Wish granter what? nagpapatawa ba siya?

I rolled my eyes at him at binalik ko nalang ang pansin ko sa papel ko.

Wishgranter my ass.

May sayad siguro to sa pag-iisip. Tinatanong ko siya ng maayos tapos ganon ang isasagot niya sa'kin. Dami ko ng problema sa buhay tapos dadagdagan niya pa. Hindi ko na siya pinansin pa, pinagpatuloy ko nalang ang pagsagot sa quiz ko.

"Sungit mo naman Master. Mali naman mga sagot mo."

Napatingin agad ako sa kanya at tinarayan siya.

"Pake mo? 'di ko alam sagot e. Tsaka pwede ba! tigilan mo nga ako. Hindi kita kilala pero kung makabash ka sa'kin parang kilala mo ako ha."

Aminado naman akong mali 'tong mga sagot ko pero kailangan niya ba talaga isampal sa'kin ang mga maling desisyon ko sa buhay? aba gago ha

Inismidan ko siya kaya naman natawa siya.

"You summon me so I assume na kilala mo talaga ako. You know what, I can help you. Just say your wish and I'll grant it right away."

Kinuha niya ang librong nasa kabilang table at nagkunwari siyang nagbabasa. He crossed his legs kaya nagmumukha siyang mahambog sa pormahan niya.

"summon your face. Tumahimik ka nga, kinulang ka siguro sa tulog noh? kung ano-ano na kasi pinagsasabi mo dyan tsaka anong wish? weh? kung sasabihin kung gusto ko ng isang milyon ngayon ibibigay mo ba agad?"

Tumingin siya sakin at tumango.

"Oo, ibibigay ko agad. just say the magic word."

"I wish... and I'll grant your wish right away Master."

nababaliw na nga siya. Imposibleng ibigay niya sakin ang ganun kalaging halaga ng pera. Hindi din kaya halata sa porma niya may pera siya. Mukha nga lang siyang normal na tao e'.

Inirapan ko siya at hindi na ulit pinansin.

"baliw nga."

"And can you please stop calling me master! Baliw"

mas mabuti pa siguro lumipat ako ng upuan. Naiinis na kasi ako sa pagmumukha niya e'. Namomroblema na nga ako kung paano to sagutin ang quiz ko, hindi ako makapag focus kung palagi niya akong dinadaldal.

"Di sasakit ulo mo sa quiz na yan kung iwiwish mo lang na sana may sagot ka na."

aba puta!

lumipat na nga ako ng upuan sumunod parin siya. Nananadya ba ang boang na to?

Forget Me, Not AveryWhere stories live. Discover now