KABANATA 14

2.1K 43 22
                                    

Sobrang bigat ng pakiramdam ko nang imulat ko ang aking mga mata. Nahihilo rin ako, pakiramdam ko ay kasasakay ko lang sa roller coaster. Medyo malabo rin ang paningin ko kung kaya't hindi ko makita kung nasaan ako.

"Gising ka na pala" saad ng hindi pamilyar na boses.

"Bumaba narin ang lagnat mo, inaapoy ka ng lagnat kahapon"  muling saad niya. Naaninaw kong may kinuha ito sa katabing mesa kung saan ako nakahiga.

"Ano po ba ang nangyari?" naguguluhan kong tanong. Ngayon ko pa lang napagtanto na wala ako sa hacienda Montecarlos, hindi rin ako pamilyar sa kwarto.

Bago pa makasagot ang matanda sa'kin ay biglang pumasok ang isang lalaki, "Mabuti naman at gising ka na." Agad naman akong napalingon sa nagsalita at gulat siyang tiningnan.

"Marco?!"

"Ano bang nangyari at anong ginagawa mo rito?" sunod-sunod kong tanong. Nagtataka ako kung bakit siya ang nandito at hindi si Theresita. Si Theresita ang natatandaan kong huli kong kasama at sa pagkakaalam ko ay nasa pagamutan pa dapat si Marco ngayon.

Nilapag naman nito ang mga dala niya sa isang lamesa tsaka tiningnan ako habang nakangiti. Meron din siyang benda sa kaliwa niyang braso.

"Binibini, hindi ba dapat sa iyong sarili mo 'yan tinatanong?" sagot nito habang natatawa. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Narito ka ngayon sa pagamutan binibining Carmelita, nawalan ka ng malay sa bayan. Mabuti na lang at nasa bayan  din ako noong oras na 'yon kung kaya't nang makita kong nawalan ka ng malay ay agad kitang dinala dito" pagpapaliwanag niya sa'kin.

Ah! Oo nga pala. Nawalan ako ng malay sa kalagitnaan ng paglalakad namin ni Theresita sa bayan. At natatandaan ko rin na bago ako tuluyang mawalan ng malay, nakita ko ang isang babae na papalapit sa'kin at may hawak ito... Ang talaarawan!

"M-maraming salamat" tanging saad ko. Hindi ko maiwasang kabahan, pakiramdam ko ay nagsisimula na ulit magparamdam si Carmelita.

"Ilang araw pala akong nawalan ng malay?" tanong ko sa kanila.

"Dalawang araw lang naman... T-teka, mag tatatlong araw pala" sagot ni Marco habang tinatanaw ang labas mula sa bintana. "Sa loob ng mahigit tatlong araw ay natutulog ka lang. Marahil ay labis kang napagod dahilan upang makatulog ka ng ganoon katagal" muli niyang saad tsaka tumingin sa'kin.

Hindi naman ako nakapagsalita. Kahit papaano ay kampante ako na hindi nagamit ni Carmelita ang katawan ko.

"B-bakit nga pala nasa bayan ka noong oras na 'yon? Ang pagkakatanda ko ay sa susunod na linggo ka pa dapat makakalabas ng pagamutan" pag-iiba ko ng usapan.

"Tumakas siya" seryosong sagot ng matandang babae bago pa man makasagot si Marco.

Napakamot naman ito sa ulo niya tsaka bahagyang natawa, "Ako'y nababagot sa pagamutan" napailing naman ang matanda sa sinabi niya.

"Ngunit hindi na ako mababagot ngayon sapagkat kasama ko na si binibining Carmelita" dugtong niya sabay ngiti. Pinanlakihan ko naman siya ng mata para sabihing tumigil siya sa mga kalokohan niya.

"Parang noong mga nakaraang araw lang ay ako ang binabantayan mo sa pagamutan. Ngayon ay ako naman ang nagbabantay sa'yo" saad niya habang tumatawa-tawa pa.

"Anong pinagsasabi mong bata ka?! Bumalik ka sa iyong silid! Hindi mo maaaring bantayan si binibining Carmelita, wala ka pang pahintulot kay Doktor Gomez na maaari ka ng lumabas at magpagala-gala!" suway ng matandang babae na kasama namin ngayon. Napatakbo naman si Marco sa pintuan nang akmang hahabulin siya ng matanda.

"Manang Sitang, hindi naman paa ko ang may problema---"

"AT MAGDADAHILAN KA PA? BALIK!!!" sigaw ni Manang Sitang. Animo'y naging inahing tigre siya at sino mang makakarinig sa kaniya at tiyak na babalutin ng takot.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon