Nilalaman

29.9K 218 13
                                    

Batid ni Carmela na tapos na ang misyon na kaniyang dapat gampanan sa panahong 1892.

Kailangan niya nang lisanin ang lugar ng San Alfonso, ang pamilya Montecarlos, ang mga taong kaniyang nakilala sa lugar na iyon, ang mga alaalang kaniyang binuo maging ang binatang kaniyang iniibig, si Juanito.

Handa  na siyang lumisan at handa na rin niyang tanggapin ang kaniyang kapalaran sa kaniyang pagbalik sa kaniyang tunay na pinagmulan.

Masaya na siyang malamang natapos niya ang kaniyang misyon at nailigtas niya ang buhay ng lalaking kaniyang minamahal.

Ngunit sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay tila naging magulong muli ang lahat. Ang inaakala niyang paglisan sa lugar na yaon ay tila naantala. Pilit niyang iniisip ang dahilan kung bakit hindi niya nilisan ang panahong iyon.

Wala na siyang matatakbuhan upang masagot ang kaniyang katanungan, wala na si Madam Olivia. Wala nang makakasagot sa mga bagay na hindi niya maipaliwanag.

Ano kayang dahilan ng pananatili ni Carmela sa panahong 1892? Hindi kaya't hindi pa rin natatapos ang kaniyang misyon at nananatiling nasa panganib pa rin ang buhay ni Juanito?

Ngunit gayon pa man ay kaniyang ipinangako sa sariling hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa binata.

Gagamitin niya na rin ang pagkakataong ito upang bumuo ng mga masasayang ala-ala kasama ang mga taong malapit sa kaniya sa panahong ito.

*****
ILYS1892: 19TH CENTURY

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon