KABANATA 9

5.7K 113 67
                                    


NAALIMPUNGATAN ako sa pagkatok na nagmumula sa pintuan sa ibaba ng bahay.

Agad naman akong napalingon sa aking tabi. Ako na lang mag-isa ang nakahiga ngayon sa kama. My gosh Carmela! Sinuko mo ang bataan!

Napansin ko naman ang isang sulat na nasa tabi ng gasera. Agad ko iyong kinuha at binasa. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti sa nakasaad sa papel.

Mahal kong Carmela,

Patawad kung hindi na kita ginising upang makapag paalam pa sa iyo. Batid kong pagod ka na at masakit ang iyong katawan.

Sisikapin kong makauwi mamaya mula sa trabaho ng maaga upang maipagluto kita ng paborito mong inihaw.

Huwag kang mabahala, hindi kita minamadali sa iyong kasagutan para sa alok kong kasal. Hihintayin ko ang panahon na maging handa ka nang muli.

Nagmamahal,
-J


Itinago ko ang papel sa ilalim ng aking unan tsaka bumangon na sa aking higaan. Inihanda ko na rin ang aking susuoting baro't saya mamaya. Napansin ko pa ang pulang mantsa sa kama senyales na nakuha na ni Juanito ang aking pinakaiingatan.

Napangiti na lamang ako nang maalalang muli ang aming naging tagpo kagabi.

"Carmela, pakasalan mo ako" saad ni Juanito na may halong pagmamakaawa. Hindi agad ako nakasagot sinabi niya dahil sa labis na pagkabigla.

"Hindi mo pa kailangan sagutin ang alok kong ito. Hihintayin ko ang iyong kasagutan kung kailan ka magiging handa" ngumiti pa siya dahilan upang lumabas ang dimple sa kaniyang pisngi.

"P-paano kung hindi ko tanggapin ang iyong alok?" Nauutal kong tanong.

"Hindi pwede ano! Hindi ako papayag" biro niya na sinabayan niya pa ng pag nguso. Mabilis ko nalang siyang hinalikan sa labi upang hindi na siya magtampo pa sa akin.

"Maghihintay ako" sabi niya ulit.

Naputol yung pag-iisip ko nang marinig ko ang malakas na pag hikbi ni Maria mula sa ibaba. Agad akong nagbihis matapos kong maligo upang magtungo sa unang palapag ng bahay.

"Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong sa kanila. Hindi na matigil sa pag hikbi si Maria.

"S-si Don Alejandro po binibini--" saad ni Theresita. Agad namang nag unahan sa pagkabog ang dibdib ko. Halos wala na ring lumalabas na boses sa bibig ko.

"Tinambangan po ang iyong ama ng mga hindi nakikilalang tao nang patungo siya sa tanggapan ng heneral kagabi" saad ng lalaking nasa pintuan. Siya siguro 'yung kanina pang kumakatok pintuan.

Tila nabuhusan ako ng napakalamig na tubig. Tuluyan na lang nanghina ang katawan ko at bumagsak sa malamig na sahig. Bahagya ring nanlabo ang paningin ko at ang huli ko na lang nasaksihan ay ang unti-unting pagkakagulo nila Theresita, Angelito at Maria upang alalayan ako.


"KAMUSTA na ang kaniyang pakiramdam?"

"Masyado lamang siyang nabigla sa kaniyang nabalitaan"

"Mabuti naman kung ganoon. Mag pahinga ka na rin, ginoo. Sasabihin ko na lamang kay Theresita na siya na ang mag-alaga kay Carmelita"

"Hindi na kailangan. Mas mapapanatag ako kung ako ang mag babantay sa kaniya" rinig kong saad ni Juanito.

"Sige, kung gayon ay mauuna na ako." sagot ni Maria at saka nagpaalam na.

Unti-unti ko nang imunulat ang mga mata ko. Nakita ko mula sa pintuan si Juanito na hinatid sa labas ng aking silid si Maria.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon