Chapter 1

282 20 0
                                    

THIRD SUMMATIVE TEST

We all have a dream, but our school keeps us away from those dreams by giving us a lot of test in order for our school to be a top school. We just wish na sana magunaw na ang mundo para lang matigil sa ganitong set up ng buhay namin lalo na at 18 years old na kami.

Sa bawat tunog ng orasan na naririnig ko ay syang kabog ng dibdib ko. Marami samin ang umiiyak habang nagte-take ng test. Pangatlong summative test na toh ngayong third grading.

"Times up! Finished or not pass your paper!" announce ng teacher namin kaya napababa ang balikat ko, "5 more minutes Sir! Andami ko pa pong bakanteng sagot!" pag mamakaawa ng isa kong kaklase kaya nakuha niya ang atensyon ni Sir Lopez aka Grim Reaper. Yan ang nickname namin para sakanya.

Sobrang strikto kasi nya. Isang maling kilos mo lang dadalhin ka agad nya sa guidance, "Finished or not PASS YOUR PAPER!!" nagulat kami ng hampasin niya ang table kaya't dali dali naming ipinasa ang mga test paper namin

"ANG GAGALING NYO PAG SA GANYAN! BAKIT HINDI NYO NALANG GALINGAN! GUMAYA KAYO KAY GIA!" napapikit nalang ako sa sermon nya. Hay ewan nakakapagod! Sana masunog nalang tong school

"I had a meeting with the principal. May isang management ang nagconduct ng survey at pang 98 ang school natin. As principal said we need to aim higher. Mag kakaroon tayo ng 4th summative test after 2 weeks"

"SIR!"
"ANO BA YAN!"
"NANAMAN?!"
"NAKAKAPAGOD NA!"

Reklamo ng mga kaklase ko. Gustuhin ko man din na magreklamo pero wala namang mangyayari. Lalo na at kasura sura ang ugali ng principal namin.

"Enough! Thats it for today, mag review kayo!" announce ni Grim Reaper bago umalis ng room.

"Kainis naman! Hindi ba sila napapagod gumawa ng test?! Kasi ako napapagod na sagutan ang mga test nila!" Rinig kong reklamo ng kaklase ko pagkalabas ng teacher namin

"Sela! Takbo na! Lunch time na!" agad akong napatayo sa kinauupuan ko at agad na tumakbo sa cafeteria. Kailangan kong mauna!

Dali dali akong tumakbo kasabay ang madaming estudyante patungo sa cafeteria, "Success!" nakangiti kong bigkas kahit hingal na hingal dahil ako ang kaunahan sa pila kasunod ang bestfriend kong si Belle

"Okay next. Juniors. Rank 1-10, simula kay Gia kayo ang mauna" napanganga nalang ako sa sinabi ni Grim Reaper, "Ano ba yan!" Reklamo ko tsaka tumingin kina Gia kasunod ang ilan sa mga high ranked students sa classroom namin

"Swerte nyo naman" bigkas ni Belle, "Sorry" nakangiting sabi ni Gia tsaka binati si Grim Reaper bago naunang kumuha ng pagkain kasunod ang ibang high ranked students.

"Uy konti lang kainin mo ah" Si Gia kasi ang president ng classroom namin at sya lang din naman ang top 1 sa buong klase. Compare samin ni Belle na parehong magkasunod sa bandang huli lang naman hehehe

"Ano nga ba ulit yung rank ko?" bigkas ko tsaka umalis sa pwesto ko at nagsimulang maglakad papuntang likuran, "Ano ba yan! Kelan ba matatapos tong discrimination na toh! Kailangan ba talaga i-base sa grades ang pagkain natin?" reklamo ko habang patuloy kami sa paglalakad ni Belle 

Ilang minuto din ang inintay namin ni Belle bago kami makakuha ng pagkain ng biglang may sumingit samin, "Ano ba yan! Lagi nalang ba talaga sya may special treatment?!" Reklamo ko sa taong biglang sumingit at walang pakeng nauna samin. Dire diretso lang sya ng lakad patungo sa mga plato at agad na sumingit para kumuha ng pagkain kasama ang kaibigan nya, "Hayaan mo na, anak kasi ng chief of director netong school. Kahit nga teachers walang masabi sakanya eh" rinig kong sabi ni Belle.

Nakasunod lang ang mga mata namin kay Abby hanggang sa nakita namin na binigyan pa talaga sya ng fried egg.

"Unfair!"
"Unfair!"

Sabay naming bigkas ni Belle, "Teka! May lumpia sila! Sana hindi tayo maubusan" agad naman akong napasilip sa mga pagkain na nakahain, "Pare-pareho lang naman tayo ng binabayaran pero bakit ang unfair ng serving nila?" bulong ko kay Belle ng makakuha kami ng pagkain

"Teka!?" nanlaki ang mata ko ng mahawakan ko ang cellphone ko, "Oh- bakit?!" nag aalalang tanong ni Belle kaya napatayo siya sa pagkakaupo nya

"Bilog na bilog yung mukha ko!" frustrated kong sabi tsaka inipit ang dalawa kong pisngi, "Parang tanga naman toh! Akala ko kung ano! Hindi naman bilog ang mukha mo noh!" agad akong napangiti sa sinabi ni Belle tsaka naupo at humarap sakanya

"Pasquare kasi ang mukha mo" napaface palm nalang ako sa sinabi niya, "Mukha ba kong character sa minecraft ha?!" inis kong sabi sakanya na agad niyang sinang ayunan. Isang basag trip pa neto. Mabibigwasan ko ng wala sa oras toh

"Anyways! Ang mga gusto kasi ni Kuya Nate yung mga masexy na babae, i need diet and work out" napanganga si Belle sa sinabi ko at hindi naisubo ang lumpia na nasa tinidor na hawak nya, "Dont tell me mag cut ka nanaman ng class?"

GENERAL POV

Palihim na lumabas ng building si Sela at tumapat sa may bintana, "Belle!" marahang sigaw nito para hindi mahuli. Agad namang binuksan ni Belle ang bintana at dumungaw sa kaibigan, "Sigurado ka bang ipapahagis mo ang bag mo?" Tanong nito na agad na sinang-ayunan ni Sela

"One....two....three!" inihagis ni Belle ang bag ni Sela ngunit nalimutan niyang nakabukas pala ang zipper nito kaya't kumalay ang mga flyers na nasa bag ni Sella

"Bwisit ka talaga Belle!" inis na nagdabog si Sela at agad pinulot ang mga flyers, "S-sorry, ayun sa may gilid pa oh" sabi ni Belle tsaka itinuro ang ilang mga flyers sa gilid

"Dapat di na ko nagtiwala sayo!" Inis paring sambit ni Sela habang patuloy sa pagpulo ng mga flyers, "Sorry na nga ih"

"Oh- mag cut ka ng class for work?" Agad na napa-angat ang ulo ni Sela at napatingin sa taong dumating, "Class Pres! May mas importante pa kong pupuntahan eh" gulat nyang banggit. Agad syang tinulungan nito sa pagpupulot ng flyers

"Ako na bahalang mag reason out sa teacher natin kapag hinanap ka" nakangiting inibot ni Gia ang mga flyers nga kay Sela, "Talaga ba? Nako! Maasahan talaga kita Gia" masayang inilagay ni Sela ang mga flyers niya sa bag agad na tumakbo paalis

Agad na nagtungo si Sela sa may likuran na parte ng kanilang school at agad na binuksan ang bag upang kunin ang pang retouch niya sa mukha

"Tama na kakahampas sa mukha, nagmumukha kanang espasol" napatigil si Sela sa paglalagay ng polbo sa mukha at agad na lumingon sa nagsalita, "Huy! Mag cut ka din ng class?"

"Ano ba satingin mo? Pumunta ako dito para kitain ka?" napapikit naman si Sela na parang problemado, "Ano ba yan!? Magiging obvious na wala tayo sa klase nyan!" reklamo ni Sela tsaka isinara ang bag niya

"Hindi naman nila mahahalata na wala ka, lalo na at nasa bandang huli ka ng rank" napakuyom ang kamay ni Sela at napatawa ng bahagya sa sinabi ni Abby, "Tinetest mo ba ang temper ko ha? Tsaka hoy! Mas ahead nga ako sayo ng lima sa ranking" napailing nalang si Abby at agad na sumakay sa big bike nito

"Hoy t-teka! Mamaya mo na buksan ang makina! Maririnig ng teachers natin!" nag aalalang sabi ni Sela ngunit hindi siya nito pinakinggan sa halip ay agad nitong binuksan ang makita at walang pakeng umalis

"Lintik ka talaga Abby!" dali daling kinuha ni Sela ang bike niya at agad na lumabas ng school

——

Start of YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon