Chapter 11

40 3 0
                                    

GENERAL POV

"Maam! Sir! Hindi po ba kayang bigyan pa ng pagkakataon si Sela? Hindi po nya kayang gawin ang mga iyon!" paghingi ng pasensya ng Ina ni Sela, "Kung totoo man po ako na po ang bahala mag parusa sakanya! Parang awa nyo na po!" lumuhod ang Ina ni Sela sa harapan ng mga guro habang umiiyak

Hindi na mapigilan ni Sela ang maiyak ng makita niya ang ina, "Parang awa nyo na Maam! Sir! Kailangan po ng anak ko na makapag tapos! Kailangan nya pong makapasok sa kolehiyo! Parang aw-"

"Ma! Itigil mo na!" umiiyak na sabi ni Sela, "Bakit ka nakaluhod at humihingi ng pasensya!"

"HINDI AKO ANG GUMAWA MA!" iyak na sigaw ni Sela, "HINDI NGA AKO ANG GUMAWA! MAMA!"

Nakaramdam ng guilt ang mga guro habang nakatingin kay Sela habang umiiyak.

"Oh- bakit nakasunod ka pa?" nangingilid na luhang sabi ng ina ni Sela habang palabas ng school, "Ma, uwi nalang ako" tulo luhang sabi ni Sela

"Hindi! Bumalik kana don at mag aral ka ng mabuti ha?" agad na tumalikod ang ina ni Sela dahil hindi na nya napigilan ang luha niya. Ayaw niyang makita ng kanyang anak na siya ay umiiyak

KINAGABIHAN

"Ano bang klaseng guro sila!" galit na galit na sabi ng Ina ni Sela, "M-ma. Ti-tigil nalang po ako. Para matapos na" pagpupumilit ni Sela

"Anong titigil?! Anong gagawin mo?! Magta-trabaho ka?! Hindi mo ba alam na nagpapakahirap ako para lang makapag tapos ka?!" lumabas ng kwarto ang kuya ni Sela ng marinig ang ina, "Anong nangyayari dito Ma?" Tanong nito

"Kuya, wag nalang" nangingilid na sabi ni Sela, "Anong meron sa school mo? Bakit ganyan ang mga sinasabi ni Mama!" inis na sabi ng kuya miguel kaya't walang nagawa si Sela kundi ang humingang malalim 

"Ma, ayoko na talaga pumasok" serysong sabi ni Sela sa ina, "Yung mga kagaya kong mababa ang rank, ni hindi man lang nila matrato na tao" malungkot na sabi nya 

"Edi dapat nag aaral ka ng mabuti!" sagot naman sakanya ng ina, "Ma hindi ih! Pag ganitong wala kang pera, wala kang kapit, wala kang kakayahan na mag invest sa school. Wala! Wala kang karapatan sa lahat!" 

SELA POV 

REQUEST FOR DROP OUT

Hindi ko akalain na magsusulat ako ng ganito. Ang gusto ko lang naman ay magdrawing at matupad ang pangarap ko pero bakit pilit akong pinagsusulat ng school na toh. 

Huminga akong malalim at lakas loob na sinagutan ang papel na hawak ko. Pagkatapos ay nagtungo ako sa faculty room. Bahala na...

Inabot ko ang papel kay Sir Lopez dahil sya ang pinaka head ng faculty, "Maam Mae" rinig kong sabi ni Sir Lopez sabay abot ng papel 

Hindi na ko humarap pa sakanila at dahan dahan na naglakad palabas, "Mas magulo ang buhay sa labas ng school" rinig kong sabi ni Sir Lopez kaya't napatigil ako, "Kaya nga po, pero bakit pilit na pinu-push ng school na toh ang mga bata sa labas kung talagang mas magulo doon? Anong klase school po ba ito?" rinig kong sabi ni Maam Mae

Hindi na ko nakinig pa sa usapan nila at agad na lumabas ng faculty room. 

KINABUKASAN 

"Ang school na ito ay hindi dapat hinahayaan ang mga katulad ng estudyante na si Marsela Guia!" andito kami ngayon sa gym. Nasa unahan ako ng sandamakmak na estudyante ng school na ito. Habang ang principal, ibang guro at pta officers ay nasa stage.

Para akong hinahatulan ng kamatayan

"Si Marsela Guia na may gawa ng mga hindi nakakatuwang prank sa school na ito ay-" napatigil sa pagsasalita ang principal ng may biglang bumagsak na karatula mula sa kisame ng gym

"A-ano yun!?"

"Bakit andyan yung mukha ng principal!"

"Mukhang ewan yung mukha nya HAHAHA"

"ANG GALING HAHAHA!"

"TEKA! EDI IBIG SABIHIN HINDI SI SELA!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang bagay na yun, "BEBE SELA!!!" Sigaw ni Belle tsaka ako niyakap, "You cleared your name!" masayang sabi ni Belle 

"Oh! NASA SECOND FLOOR!" rinig kong sabi ni Sheki kaya't napatingin kami sa second floor. Doon nakita namin ang anino ng salarin. Nakasuot ulit sya ng black na hoodie 

"WHAT ARE YOU DOING! CATCH THE CULPRIT!" sigaw ng principal sa mic kaya't tumakbo sina Sir Lopez para puntahan ang saralin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at agad akong tumakbo para makita kung sino ba talaga ang may gawa 

Nauna akong makaakyat sa second floor at nakita ko sya sa may dulo ng hallway, nakita kong nakita nya ko kaya't sumunod agad ako sakanya 

"Asan na yun!?" hingal na hingal kong sabi hanggang sa may nakita akong gumalaw, "Rooftop!" walang alinlangan akong tumakbo at agad na nagtungo dito 

"E-ecka!? IKAW!?" 

----

Start of YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon