Chapter 2

12.2K 250 18
                                    

A/N: Hello ❤️ I named the character Amanda Celine because i used to love that kid🥰


Amanda Celine's Point of View



"Mag take responsibility rin daw ako sa Tatay, if ever," sambit ko kay Charmee na ka-video call ko ngayon. Gabi na at nasa loob na ako ang kwarto ko, wala pa akong ganang kumain kaya naman binabasa ko na lang ang mga kaso na nasa akin. "Ay, bakit? Pag gwapo, go ka lang!"







Napa irap ako, "He is gwapo, hindi ko naman itatanggi. Pero, he's the Judge, Charmee! Ang bunsong kapatid ni Judge Marco," sagot ko sa kaniya. "And, so?" naka tikwas ang kilay niya.






"Baka kung anong isipin niya!" sagot ko, "Girl, bakit iniisip mo ang sasabihin niya? Friends kayo! So, baka matuwa pa siya if ever!" sagot niya. "Ewan ko sayo," sabi ko. Bumuntong hininga na lang ako at nag focus sa binabasa ko, "Anong sasabihin mo sa grandparents mo kapag buntis ka nga?" tanong niya biglaan.






"Hindi ko alam, pinag iisipan ko pa. Si Keallan, sinabi na daw niya sa parents niya kahit hindi pa naman sigurado kung may laman nga. Next month pa naman ako mag papa-check up," sagot ko. "Ay ang bilis! Grabe," gulat na sabi niya.






Nagulat ako ng tumunog ang doorbell, may tao ng ganitong oras?





"Wait lang," sambit ko atsaka ako umalis. Wala kasi ang grandparents ko ngayong araw, nasa Dinner sila. Wedding Anniversary nila ngayong araw, hindi na ako nakasama dahil binibigyan ko sila ng time together. Atsaka kasama naman nila ang driver at yaya nila.







Pagka bukas ko ng gate ay bumungad sa akin si Kaellan, may dala dala niyang tatlong maleta at isang travelling bag at isang bag pack. "Anong ginagawa mo dito?" pansin ko rin ay wakang kotse sa likuran niya.






"Pwede ba akong tumira dito?" deretsahan na tanong niya, looking at him hindi siya katulad ng kanina. "Pumasok ka na muna," sambit ko, atsaka ko kinuha ang dalawang maleta na dala niya. Mukha siyang stress na stress, seryosong seryoso din.






Nang makapasok siya sa kwarto ko ay sinigurado kong walang mga taong nakakita sa amin, "Bakit ka nandito, talaga?" tanong ko sa kaniya. Ibinaba niya ang travelling bag na nakasukbit sa balikat niya, "Pinalayas ako ni Mommy," sagot niya.






"Ano? Bakit?" gulat na tanong ko sa kaniya, "Sabi ko nakabuntis ako eh—" hindi ko na siya pinatapos. "Bakit mo naman sinabi iyon?!" hindi ko na napigilan na pag taasan siya ng boses, sa pag titig ko sa mata niya ay napansin ko ang pag kislap ng mga mata niya. Nanggigilid ang mga luha niya.






What the fuck?!






"Pinalayas na nga ako samin, tapos papagalitan mo pa rin ako," tumutulo ang mga luha niya, "Bakit ba umiiyak ka?" gulat na tanong ko sa kaniya. "Eh, naiiyak ako eh! Anong magagawa ko?" pilit niyang pinupunasan ang luha niya pero pilit pa ring tumutulo iyon.






Iminuwestra ko ang kama ko, buti na lang at malaki iyon. Magkakasya kaming dalawa, "Magpahinga ka na, kakausapin na lang kita bukas," sambit ko. "Maliligo muna ako," sambit niya. Tinuro ko naman ang bathroom ko, "There, also place your things in there. We can share the bed naman, buti medyo malaki," sabi ko atsaka ako bumalik sa Study Table ko.







"Oh, fuck you! Fuck you ka talaga, Charmee!" tili ko dahil naka on pa pala ang call!







"BAWAL akong lumabas ng kwarto mo?" tanong niya, naka patay na ang ilaw at nakahiga na kami parehas. "Hindi pwedeng malaman ng grandparents ko, dahil kapag nagkataon...patay tayo parehas," sagot ko. "Okay, sige," sagot niya. "You better sleep, may hearing ka pa bukas hindi ba?" sabi ko.






"Meron nga," sagot niya. "Pinalayas ka talaga sa inyo?" tanong ko sa kaniya. "Yep," sagot niya. "Bata pa daw ako tapos, nakabuntis na ako. Pero, nasa right age naman na ako. For pete's sake, I'm twenty seven!"







"Damn, I'm twenty five! Malamang sa parehas na tayong dalawa na walang matitirahan," tawa ko. Nakakainis siya, pero maybe it's okay to be friends with him naman. "Binawalan ako ng Mommy ko na tumira sa Condo na niregalo niya sa akin noong seventeen ako," bida niya.







"Sabi niya sumama daw ako sayo, binawalan din niya sila Kuya at ang mga friends ko na kupkupin ko," dagdag niya pa. "That's... kinda harsh, i think?"






"Sabi niya favorite niya akong anak eh, tapos pinalayas niya ako. Grabe," sumisinghot singhot na siya. "Bakit ang tapang tapang mo kanina? Tas iyakin ka naman pala," tanong ko sa kaniya, sobrang na curious lang ako.







"Stop," natawa ako.






"Matulog ka na, huwag ka ng umiyak. May readings pa ko eh, tsaka hearing tomorrow. Sabay na lang tayong umuwi if ever," sagot ko. "Why are you so nice to me?" tanong niya na ikinagulat ko, "Well, I'm indeed nice. Nagmana kasi ako sa Mommy ko," sagot ko.







"I need to do something, dito ka na lang muna, also huwag na huwag kang lalabas. Babalik na lang ako mamaya," bumangon ako atsaka ko kinuha ang laptop at ng gabundok na papel. Balak ko ng tapusin ngayon iyon, "Amanda, sorry ha? Promise, once na makahanap na ako ng tirahan.... aalis na rin ako dito," nginitian ko na lang siya.







"Lalabas na lang muna ako, Kaellan," sambit ko.








"Okay, matutulog na lang muna ako,"








HABANG nag ta-trabaho ako ay biglang bumukas ang pintuan, napangiti ako ng makita ko si Lolo at Lola na pumasok. Magka holding hands pa silang dalawa at talagang ngiting ngiti, "Good evening, Apo..."






"Good evening po! How's your dinner?" nakangiting sabi ko, "All good, nag dinner ka na ba?" sagot ng Lola. Iniabot naman ng lolo sa akin ang isang paperbag, "Siya ay umakyat ka na sa taas, bakit ba gabi na ay nagtatrabaho ka pa?"







"Kailangan na po ito sa isang araw eh," sagot ko. "Doon ka na sa kwarto mo," sabi ni Lola, tumango naman ako atsaka ko kinuha ang gamit ko. Humalik ako sa pisngi nila bago nagpa alam na aalis na ako, ano kayang binili nila para sa akin?







"Kaellan," niyugyog ko siya dahil gusto ko ng may kahati sa pagkain, ni hindi ko nga sure kung kumain na itong lalaking ito. "Amanda, bakit?" tanong niya, "Tara, kain tayo," nakangiting sabi ko.









HABANG kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya, hindi na niya binibitawan ang teddy bear ko. Iyon ang niyayakap niya kaninang natutulog siya.






"Masarap ba?" tanong ko, ang pasalubong kasi ng lolo at lola ay chicken wings at siomai. Kumuha ako sa baba ng rice na isinangag ko sa chicken oil, kasi hindi ako kumakain ng chicken kapag walang rice.







Tumango siya, "It's good, masarap siya. Especially, this garlic parmesan," sagot niya. Napangiti ako, "Kain ka pa," inilapit ko sa kaniya ang bowl ng chicken parmesan gayun rin ang favorite ko na siomai.








"Ayaw mo ba?" tumingin siya sa akin, "Meron naman na ako," sagot ko. "Dapat kumain ka pa, kasi sayo naman ito hindi ba?"







"Kumain ka na lang, Kaellan," nakangiting sabi ko atsaka ako tumingin sa laptop ko, "Dapat hindi ka na nag ga-gadgets kapag kumakain," sabi niya. Napangiti ako atsaka ko isinara ang laptop ko.







"Okay, kain na lang tayo."






"About sa nangyari sa atin noong nakaraan," biglang sabi niya. "....kailan kaya natin malalaman yung results?" dagdag pa niya.







"In a month," sagot ko. "Sana meron nga,"






"Huh?" gulat na tanong ko. Umiling siya ay nginitian lang ako, "Kain ka na lang, Amanda,"





Anong 'sana meron nga' ? Mababaliw na yata ang isang ito, ay nako!







S W E E T D E N


Claimed By The Judge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon