Chapter 16

4.5K 111 0
                                    

Amanda Celine's Point of View

NAGLALAKAD ako papasok ng bahay para kuhanin ang anak ko, agad agad kaming umuwi hindi ko na pinatapos ang lintek na Lunch Date na yun. Nawalan na ako ng gana, "Amanda? Ang aga nyo—" hindi ko na pinatapos si Marco.




Lumapat na sa mukha niya ang palad ko, "So, all this time totoo nga yung sinabi ng kapatid ko?! Ni hindi mo sinabi sa akin, ni hindi mo kinumpirma! Alam mo kung gaano ako nag iisip, pero pinag sawalang bahala—"




"Babe, huwag naman ganito—" sa mukha naman ng Kaellan ko pinadapo ang kamay ko, kabilaan. "Putangina, Kaellan...." mura ko, nag tutuluan ang mga luha ko. "Tangina, ginagago mo ba ako? Pinagtatanggol kita sa kapatid ko, tapos sa bestfriend ko. Hindi ako naniniwala sa mga pinag sasasabi nila, pero bakit? Tangina, bakit?!"




"Babe, magpapaliwanag ako. Magpapaliwanag ako pangako, please pag usapan na muna natin—" hindi ko na siya pinatapos, "Hindi. Ayoko na, anong kasinungalingan na naman ang sasabihin mo? Anong ugali na naman ipapakita mo? Ano na naman?! Ayoko na, kukunin ko na lang yung anak ko. Ayokong lumaki siya sa bahay na ganito,"





Habang nag lalakad ako papunta sa kusina ay naka sunod lang siya, pilit kong tinatanggal ang pagkaka hawak niya sa kamay ko. "Amanda—" hindi ko na rin pinatapos ang Mommy niya, kinuha ko si Amora. "Sorry po, Tita. Iuuwi ko na muna po sa amin yung anak ko," sambit ko, patuloy ang pag agos ng mga luha ko.






"Babe, pag usapan—"





"Tigilan mo na muna, Kaellan. Ayaw na muna kitang makita, pwede ba? Ayaw ko ng malapit sayo yung bata, nakakatakot ka!" pagka tapos noon ay dumiretso na ako sa bahay ng Lola ko, sobrang thankful ko dahil hindi na siya sumunod. Nananahimik na lang ang pamilya niya.




Pagka pasok ko ng gate ay nakita ko na nakaparada ang kotse ng kapatid ko sa Garahe, hindi pa siya bumabalik sa Manila. Agad akong pumasok sa loob, "Anong nangyari?!" umaalingawngaw ang boses na iyon ng kapatid ko nang makita niya akong umiiyak habang buhat buhat ang anak kong natutulog.




"Amanda?!"





Napalingon ako ng makarinig ako ng mga katok at tawag sa gate, si Kaellan. Si Kuya at Lolo na ang lumabas doon, si Lola naman ay iginiya ako sa kwarto ko. "La, niloloko lang yata ako ng pamilya nila.... La, ayaw ko nun hindi ba? Asawa niya ako, bakit—bakit lahat lahat sinisikreto niya sa akin? La, yung asawa ko.... para siyang si Papa," umiiyak na sabi ko kay Lola.






Kinuha niya si Amora sa akin at maayos na inihiga sa kama ko, mas lalo akong naiyak ng makita ko ang Teddy Bear na niyayakap ni Kaellan noong dito pa siya natutulog. "Mag pahinga ka, Amanda. Hindi ba at buntis ka? Makakasama sayo iyang pag iyak iyak ang pag stress mo sa lahat ng bagay,"




Inihiga ako ni Lola sa kama. "Anong ginawa niyong dalawa? Sinaktan nyo ba?!"


"Hindi ho, pinauwi lang namin ni Lolo. Gago na yun! Bakit ba napangasawa ng kapatid ko yun?! Putangina," si Kuya, "Huwag ka na munang umuwi ng Maynila, August. Dito ka na muna sa kapatid mo," sambit ni Lola. "Oho, La. Sisiguraduhin ko na hindi makakalapit yun sa Kapatid at Pamangkin ko,"






NAGISING ako bandang six thirty, wala na sa tabi ko ang anak ko marahil ay kinuha ng Kuya, Lolo o kaya ng Lola. Tinurn off ko na muna ang cellphone ko, sandamakmak na text at missed calls ang nadoon. Paniguradong lahat galing kay Kaellan.





Naligo ako sandali at nag suot na ng Pajamas bago bumaba sa salas. Medyo kumikirot ang ulo ko at naniningkit ang mata ko dahil sa pag iyak iyak ko, "La? Nasa inyo po ba si Amora?" tanong ko. Napangiti ako kahit papaano dahil tuwang tuwa na nakikipaglaro sa kapatid ko ang anak ko.






Mabuti iyong malilibang siya, para hindi agad hanap hanapin ang Daddy niya. Ramdam ko pa naman ang pagiging Daddy's Girl nitong panganay ko, tiyak anytime soon hahanapin ang ama niya.





"Kain na, Amanda. Sakto, tapos na itong niluluto ko," si Lola iyon,  umupo ako atsaka ko inabot ang anak ko bago ako nag sandok ng kanin at ulam. Adobong Manok, tapos may Sinigang rin. Nagpa kuha ako kay Kuya ng sabaw sa tasa para mahigop ko. Mainam iyon lalo na at bini-breast feed ko itong anak kong panganay.





"Kamusta ka sa Maynila, August?" kumuha ako ng kaunting sabaw atsaka ko hinipan iyon at ng malamig na ay hinihop ko na. "Hmmm," nginitian ko si Amora, kahit pa pakiramdam ko ay tutulo na naman ang mga luha ko. Kamukhang kamukha niya ang Daddy niya.





"Eto yung dede ng Baby," nagpa salamat ako kay Ate Gina. Pinadede ko ang anak ko habang kumakain ako, hindi naman siya pwede sa nga rice rice pa. Kaya i-enjoy na muna niya ang gatas niya, "Amanda, kelan ang Check Up mo? Sasamahan ka ng Kuya mo," si Lolo iyon. "Hindi ko pa ho alam, baka po next month pa yun. Kaka pa-check ko lang noong nakaraang araw," sagot ko.






"Anong balak mo?" tanong ni Lola, "Kasal ka na, anak ko. Dalawa na ang anak mo, kausapin mo kahit papaano ang Asawa mo—" hindi siya pinatapos ni Lolo, "Hay, Amelia! Niloloko na ang apo natin, tapo—" napa iling na lang ako dahil hindi rin siya pinatapos ni Kuya. "Hindi naman nang babae, Lo. Ang problema lang, hindi niya sinabi kay Amanda na siya ang may hawak ng pinaka malaking porsyento ng mga Illegal na gawain sa Maynila,"






Tinignan ko si Amora, "I love you, anak..."





"Parang Papa nyo—alam naman natin kung gaano kagalit doon ang Kapatid mo, siguro nga kailangan nilang mag usap kasi mag asawa sila at iyon naman ang dapat gawin pero, tama nga siguro... Bigyan natin ng oras," sabi ni Lola, "Yep! Samahan ka namin ni Amanda sa Doctor mo bukas, hindi ba schedule ng Laboratory niyo?"






"Sasama ka ba kay Tito, anak?" pang uuto ko sa anak ko, "Sasama yan, syempre!" sabat ni Kuya.






"Mabait na bata si Kaellan, Amanda. Alam kong mali ang ginawa niya, maling mali. Pero, kung pag uusapan niyo ito... Posibleng maayos, at hindi na maapektuhan ang pamilya niyo," napatingin ako kay Lola.





"Wala naman po akong balak na iwanan na lang siya bigla, kakausapin ko rin siya ulit. Pero siguro..."






"Hindi pa muna ngayon,"









S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon