Chapter 5

7.7K 181 8
                                    

A/N: Last update this week🥰



Amanda Celine's Point of View




LUMABAS ako ng banyo ng nakatapis lang ng tuwalya, habang pababa ako ng hagdanan ang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko naman ang presensya ni Kaellan sa likuran ko, "Hindi ka ba muna mag dadamit?" tanong niya. Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon pero iritado ang boses niya.





Napahinto ako ng bigla siyang pumunta sa harapan ko dahilan para mapa hinto ako sa pag lalakad, iniabot niya sa akin ang bistida na kulay dilaw. "Mag damit ka na muna, please?" sambit niya, bumuntong hininga ako atsaka ko kinuha iyon at dumiretso sa toilet sa may kitchen.






Pagka suot ko niyon ay agad agad akong lumabas, nang buksan ko ang main gate ay napa kunot noo ako ng bumungad sa akin si Judge Marco. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya, "Mandy, kausapin mo naman si Charmee..." lumuluha siya at mukhang kaawa-awa.





"Kaellan, pare! Wala na kaming magawa, ayaw talagang magpa-pigil ng Kuya mo. Pasensya na!" napa tingin ako sa lalaking nag salita, this guy is Captain Elleonore David. "Ay, good evening, Attorney Ledezma..." napa yuko siya, "Kaellan," agad naman siyang lumapit sa akin.







"Leo..." bangit ni Kaellan sa pangalan ng lalaki, "Bakit hindi niyo pa iniuuwi si Kuya? Anong oras na, oh?" dagdag niya. Hinila niya ako papunta sa likuran niya, "Kuya—" hindi na siya natapos mag salita ng biglaan na lang lumuhod si Marco sa harapan namin, napa singhap ako.






"Nag sisisi ako, Mandy... H-hindi ko kaya ng wala si Charmee—" hindi ko na siya pinatapos, nilingon ko si Capt. David atsaka ako nagsalita. "Paki uwi na si Judge Marco," sambit ko, "Amanda..." sinamaan ko ng tingin si Kaellan, agad naman siyang natahimik.






"Mandy—" napa hilot ako sa sentido ko, "Masyado ng malalim ang gabi, Marco. Mas mabuti kung uuwi ka na lang muna sa inyo, na ii-stress ako," sagot ko. "Mandy naman," umiiyak na sabi niya, "Wala na akong magagawa kung iyon na ang desisyon niya, kaya please... Huwag niyo na akong idamay pa dito, hangga't maaari ayaw kong ma-stress alam mo naman hindi ba?" sagot ko.






"Uy, pa-chismis!" nilingon ko si Capt. David, "Buntis ako, kaya pwede bang huwag niyo na akong i-stress-in?" malumanay na sabi ko. "Oh my god! Grabe, Kaellan! Kaya naman pala hindi ka namin makita nung nakaraan, magkaka anak ka na pala!" tuwang tuwa na sabi niya. "Ninong ako, Attorney Ledezma ha?!" agad na lang akong tumango.






"Kuya—" hindi na natapos ni Kaellan ang dapat niyang sabihin, "Kaellan, tulungan mo naman ako...." tinignan ko si Kaellan, mukhang wala siyang balak na tanggihan ang kapatid niya. Inis na umalis ako doon, "I-lock mo yang main gate!" hiyaw ko atsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Isinara ko rin ang main door pero hindi ko naman ini-lock, sadyang nag dadabog lang ako.







Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong kinuha ang bed cushion foam for single person, nilagyan ko iyon ng bed cover atsaka ako kumuha ng comforter at dalawang unan sa kwarto nila lola.





Pagkatapos ay pinatay ko ang ilaw atsaka ako nahiga sa kama ko, kinuha ko ang cellphone atsaka ko itinext si Charmee.






From: Charmee

sorry buntis, nadadamay ka pa sa problema namin :( bawi na lang ako sayo pag uwi ko diyan, ha? tulog ka na, bawal sa buntis ang nag pupuyat. i love you!❤️





"Buntis, my ass!" nakangusong sabi ko, hindi pa naman kasi confirmed na buntis ako. Masyado lang silang advance, nang bumukas ang pintuan ay napa irap ako. "Amanda?" tawag niya, "Huwag mo akong kulitin, Kaellan," seryosong sabi ko sa kaniya. "Pero—" hindi ko na siya pinatapos, "Kung kukulitin mo ako dahil gusto mong magkabalikan ang Kuya mo at ang Bestfriend ko, umuwi ka na lang sa inyo," galit na sabi ko atsaka ko siya tinalikuran.






"Tatanungin lang naman kita kung gusto mong kumain,"





Agad akong na guilty, "A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Mayroon kasi akong binili na lugaw kanina, iiinit ko sana..." sagot niya, "Bakit hindi mo agad sinabi?" tanong ko sa kaniya. "Galit ka kaagad eh," sagot niya, "Sino ba namang hindi magagalit sa kapatid mo, Kaellan?" sagot ko.







"Ako lang, siguro?"





"Hindi ka pa sigurado diyan?" tanong ko sa kaniya, "Kapatid ko iyon, pero kailangan ko rin namang respetuhin ang ex niya sa desisyon nito. Atsaka, huwag mo naman akong pauwiin..." sagot niya. "Iinit mo na yung lugaw," sabi ko.





"Yes, Attorney!"





HABANG kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapa-isip, "Hindi dapat ako napupuyat," biglang sabi ko. "Bakit?" tanong niya, nilagyan ko ng paminta, toasted garlic, chilli oil at toppings na siomai at atay ang lugaw niya dahil sobrang plain. Grabe, anong lasa nun?




"Wow,"




"Bawal sa pregnant woman," sagot ko agad na tinignan niya ako, "Dapat ba hindi na kita inayang mag lugaw?" tanong niya na ikinatawa ko ng bahagya. "No, silly. It's okay, pero bukas siguro mag re-rest ako the whole day, you can use my car to run some errands, dito lang naman ako sa bahay," sagot ko.




"I have no work tomorrow, though i will look for apartment for two," sagot niya. Napakunot ang noo ko, "You're moving with who? Your brother? Or maybe, girlfriend?" tanong ko sa kaniya, "I'm moving with you," sagot niya na ikinagulat ko.





"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya, "I'm moving with you. Pakiramdam ko hindi ko na nirerespeto ang grandparents mo, and yung parents mo... I'm here without them knowing," sagot niya. "Seryoso?" gulat na tanong ko, i mean— he's nice.





"Are you coming with me, though? You don't have to worry, hindi kita sasaktan at mas lalong hindi kita pababayaan, promise!" sabi niya, "I think... i can't come with you...." sagot ko.






My grandparents are already aging, i want to spend the rest of my life with them. Hangga't maaari, ayaw na ayaw ko na malalayo ako sa kanila. Kahit pa malaki na ako, hindi ko talaga kayang lumayo sa kanila.





Kita ko ang panlulumo ni Kaellan, agad ko siyang hinawakan sa kamay at tinignan. "Kaellan, you know i grew up with my grandparents. I can't leave them— hindi pa—" he made the 'shh" sign kaya naman naputol na ang sasabihin ko.






"You don't have to explain, Amanda. It's okay, pero puwede bang dito na lang muna ako? I can't leave, even though i feel like I'm disrespecting them...." tinignan niya ang tiyan ko, "Okay, you can stay," sagot ko. "Thank you so much," sagot niya.






Habang nag uusap kami tungkol sa mga bagay-bagay ay hindi niyon maiwasan na pumunta sa topic na 'crush'. Ewan ko ba naman dito kay Kaellan, i mean, he's like a twelve years old in a twenty seven years old body.






"Who's your crush nga?" pangungulit niya, bumuntong hininga ako. "Wala nga," sagot ko, ngumuso siya. "Grabe, wala man lang participation!" sabi niya, "Kumain ka na lang, Kaellan," sagot ko.








"Sabihin mo na muna kasi sa akin kung sino, hindi ko naman ipag kakalat eh! Promise nga kasi," pangungulit niya pa, "Sige, sasabihin ko. Basta ikaw ang mauunang sumagot sa tanong mo na yan, sinong crush mo?" mabilis na sabi ko.







Ngumiti siya.







"Ikaw!"

S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon