Chapter 7

6.1K 145 3
                                    

Amanda Celine's Point of View

AFTER many weeks, lumabas na ang resulta ng pregnancy test. And confirmed, i am carrying my very first kid. I'm so happy that i ate a lot today, si Kaellan ang naiistress sa akin dahil binawalan ako ng Doctor ko sa maaalat na pagkain.



Ang takaw takaw ko pa naman sa ilog na pula/ itlog na maalat atsaka sa maalat na fried chicken.



"Kaellan," dinunggol ko siya, naka harap siya sa laptop niya at nag ta-trabaho. Pang asar na ngumiti ako bago ako dumamba ng yakap sa kaniya, "Kaellan...." malambing na tawag ko sa kaniya. He chuckles as he put his laptop on the bed side table, he hugged me and that made me smile.




Pregnancy makes me clingy. Like, really clingy to everyone! But, mostly on Kaellan. We're on his house that's why free na free akong maging makulit, ayaw kong masyadong mag lalapit kila lola dahil hindi pa ako ready na sabihin sa kanila. Kaya naman madalas ay nandito ako sa bahay ni Kaellan, hindi naman din kasi siya nag rereklamo.



Hindi pa naman maumbok ang tiyan ko, dahilan siguro iyon ng pagiging petite ko. Mukha lang kasi akong nawalan ng abs, tapos nag g-gain ako ng weight sa bandang boobs ko lang dahil napapansin ko na lumalaki iyon.




"Anong gusto?" napangiti ako, he's voice is everything! Very manly, wow!!!





"Chicken, please?"



Nawala ang ngiti niya, "No more chicken, Amanda Celine. Nag usap na tayong dalawa tungkol dito hindi ba? Bawal nga sayo yung  maalat," ngumuso ako atsaka ako umalis sa pagkakadamba ko sa kaniya, tinalikuran ko siya ng higa.




Knowing Kaellan Visxious Hidalgo, hindi niya ako natitiis. Hopefully, gumana pa 'to. Pero, gagana naman siguro. I mean, sana gumana...





Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi niya pa rin ako nilalambing, kusa ng tumutulo ang mga luha ko. So, natitiis na niya ako ngayon?! Ano bang magagawa ko kung gusto ng anak niya ng maalat na chicken?!



Nag dadabog na tumayo ako at umalis sa kwarto niya dito sa bahay niya, padabog ko ring isinara ang pintuan niya. "Sana hindi ka na lang nag anak!" hiyaw ko bago ako umalis at bumalik sa bahay ng grandparents ko, tumutulo ang mga luha ko habang pumapanik ako sa kwarto ko. Padabog ko rin na isinara ang pintuan atsaka ko ini-lock iyon, isinara ko ang mga bintana atsaka ko pinatay ang ilaw bago ako nahiga.





"C-Chicken lang eh," humahagulgol na niyakap ko ang teddy bear na niyayakap niya noong dito pa siya natutulog, iyong teddy bear kasi na iyon ang huling regalo na naibigay ng Mommy ko bago siya umalis. "Amanda Celine?" rinig ko ang boses ng Lola, nasundan iyon ng boses ng Lolo. "Mandy, apo?"





"La, Lo, mamaya na lang po siguro? Medyo, medyo hindi po maganda ang pakiramdam ko eh," sambit ko, pinipigilan ko rin na mag crack ang boses ko, "Oh siya, sige. Basta nandito lang kami ng Lolo mo sa salas ha? Huwag na huwag kang mahihiya na lumapit sa amin," sabi ni Lola kaya naman mas lalo akong naiyak.




Kinuha ko ang cellphone ko, tinignan ko iyon dahil sunod sunod ang pag vibrate.




From: Kaellan

Amanda, bumalik ka na dito

To: Kaellan

huwag mo akong utusan, gago


Nang tumawag siya ay agad ko iyong idinecline, tinawagan ko agad agad si Charmee. Agad siyang sumagot, "Charm..." umiiyak na tawag ko sa kaniya. "Anong nangyari?!" gulat na tanong niya, "Charm, gusto ko lang naman ng Chicken. Mahirap bang ibigay iyon? Iyon lang naman ang gusto ko," umiiyak na sagot ko.




"Pupunta ako diyan! Bibilhan kita kahit isang buong branch ng nag titinda ng manok, hintayin mo ako ha?!" sambit niya, "Charm, ayaw ko na siya maging tatay ng anak ko—" hindi na ako natapos mag salita ng biglaang narinig ko ang pag sara ng pintuan mula sa balcony.





"Amanda, ang sabi ko sayo bumalik ka doon, bakit ba bigla bigla ka na lang umaalis?" naiyak ako lalo ng marinig ko ang seryosong boses ni Kaellan, "Umalis ka na," humahagulgol na sambit ko. Ramdam ko ang pag lubog ng kabilang side ng kama, anak ng tokwa! Tumabi pa sa akin, gago talaga!




"Mandy—" pinatay ko kaagad ang tawag, i need to deal with this Judge first. Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin, "Hindi ko maintidihan ang pag bubuntis mo, Amanda. Hindi ba napag-usapan naman na natin yung sinabi ng Doctor na bawal ka sa maaalat?" tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin.





"Huwag mo nga akong yakapin," inis na sabi ko ngunit binalik lang rin niya ang pagkakayakap niya sa akin, "Masakit sakin nung sinabi mo na—" sinampal ko siya. "Wala kang kwenta! Simpleng gusto ng anak mo ni hindi mo maibigay!" galit na sabi ko, "Hindi mo naman ako naiintindihan, Kaellan. Hindi mo naman naiintindihan yung pag bubuntis ko kasi hindi mo naman talaga iniintindi," sabi ko.




"Gustong gusto kong ibigay sayo lahat ng gusto mo, pero hindi ko naman ibibigay sayo yung bawal. Kahit ilang beses mo pa akong saktan ngayon dito," sabi niya. "Please lang, bumalik ka na lang sa bahay mo. Ayaw kitang makita," sabi ko.



Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin atsaka ako bumangon, napa hawak ako sa tiyan ko. Agad akong dumiretso sa closet ko at nag hanap ng maisusuot, "Amanda naman, saan ka ba pupunta?" ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko. "Umuwi ka na," yun lang ang tanging nasabi ko bago ko siya iwanan sa loob ng kwarto ko.




From: Kaellan

hihintayin kita dito sa kwarto mo, Amanda


From: Kaellan

gustong gusto ko ibigay sayo yung gusto mo kung alam mo lang, kaya lang hindi talaga pwede

To: Kaellan

umalis ka na diyan, wala ka ng mapapala sa akin.




"GIRL, sana naman hindi mo pa rin sinabihan ng 'walang kwenta' kasi masakit yun!" tinignan ko si Charmee, nasa loob kami ng Condo niya. Dito na muna ako mag ii-stay, ayaw kong makita iying kumag na iyon.



"Huwag na lang natin siyang pag usapan siguro, Charm. Hindi naman iniintindi nun yung mga gusto ko eh, naka stick lang siya sa mga bawal. Kaya, ayoko siyang pag usapan," sagot ko. Ipinag patuloy ko ang pag kain ko ng manok, "Sige na nga," sagot niya atsaka niya pinunasan ang pawis ko.




"Ang ganda ganda mong buntis," sabi niya na ikinanguso ko. "....Babae siguro iyang baby mo," dagdag niya pa, "Kahit anong gender niya, siguradong ang tatay naman niya ang magiging kamukha niya," nang hihina na sabi ko.




"Okay ka lang ba?" tanong niya. "Nahihilo yata ako," napahawak ako sa lamesa, "Mandy?!" rinig kong tawag niya. Umiikot ang paningin ko, at hindi ko na maintindihan ang mga words na lumalabas sa bibig niya.




Hilong-hilo ako to the point na nag dilim na ang paningin ko.







S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon