Chapter 6

7K 180 29
                                    




Amanda Celine's Point of View



NAKATUTOK ako sa tv sa kwarto ko dahil nanonood ako ng Law School Kdrama, dahil dito namiss ko tuloy ang Law School. Yung tipong parehas kaming nagpapa tigasan ni Judge- syempre, joke lang! Isa kaya ako sa outstanding students noong nasa law school ako, ikaw ba naman mag aral simula six in the morning hanggang 12 midnight?






From: Kaellan

when are we going to know if u're preggy or not?




Napa kunot ang noo ko, bakit parang biglaan niyang tinanong? Naiinip na kaya siya?




To: Kaellan

don't have any specific date, maybe 2 more weeks from now why?





"Oh my god, iba ka talaga Kang Sol B!" kinikilig na sabi ko, sobrang natutulala ako sa kaniya dahil ang ganda ganda niya! Mas lalo pa akong natutulala kapag sumasagot siya, sobrang cool! Bakit hindi ako ganito noong nasa Law School ako?! Gosh!





From: Kaellan

I'm at the mall and i saw this cute galaxy theme crib it's just perfect also, found a family pajamas it's so cute hihu






"Galaxy Theme Crib? Family Pajamas?" napa kunot ang noo ko atsaka ako nag reply, if ever buntis nga ako hindi pa naman panahon para bumili ng gamit nh baby. Sobrang aga pa, "Ang bilis bilis niya mag isip, ganon ba talaga kapag laking mayaman at spoiled?" bulong ko.






From: Kaellan

should i buy those? it's really cute, like really really cute!






Napa kamot na lang ako sa ulo ko, "Saan na lang niya ilalagay ang binili niyang Crib? Hindi na kasya dito sa kwarto ko," sambit ko.




To: Kaellan

no space left for it, also we're not yet sure!! huwag ka na munang mamili ng gamit haha




Napanguso ako ng biglaan siyang tumawag. Agad ko iyong sinagot, "Like, it's really really cute. Sinend ko sayo iyong picture, this is the last stock and they probably won't have a stock nito since limited edition lang ito," bungad niya, "Wala tayong mapag lalagyan niyang dito," sagot ko.






"Pero, it's really cute. And, it's limited edition, nag iisa na lang. Kapag soon pa tayo bumili, baka wala na tayong makitang ganito..." sabi niya, napa buntong hininga ako. "Saan mo ilalagay yan?" tanong ko, "My house, since hindi na kasya sa kwarto mo," sagot niya, "Oh, may bahay ka naman na pala!"







"Kakabili ko lang, hassle nga eh! Kinailangan ko pang doblehin yung presyo," sagot niya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya, "I bought it for like fourteen million pesos," sagot niya. "Ano?!" napa upo ako, grabe! Bahay ba yun?!







"Of course! It's the house beside your grandparents, so yeah! Bibilhin ko na iyong crib ha? Tsaka yung family pajamas na sinasabi ko kanina," hindi pa ako nakakasagot ay pinatayan na niya ako ng tawag, may ipapabili pa naman ako. Sabagay, uso naman ang messages.






To: Kaellan

Bili ka naman ng blueberry cheesecake sa may Holly's bayaran ko pag uwi mo, salamat.






Kaellan Visxious Hidalgo wants to send you a message.



Kaellan Visxious: uy di kita ma replyan, naubusan ako ng load😭😭😭



Claimed By The Judge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon