02

3.4K 99 15
                                    

Chapter two
-

"Ano naman ginawa ko sayo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong akong ang problema ng isang 'to.

Naka-ambang susugod ulit siya ng gumitna yung babaeng kausap ko kanina.

"Tumigil na nga kayo." Sabi ng babae

"Anong tumigil!? ITO BA HA? SIYA BA YUNG BAGO MONG KALANDIAN HA!" malakas na sigaw niya sa babae at galit na tumitingin sa 'kin.

"Pwede ba Kyle wag ka rito manggulo!" Lumapit yung babae sa kaniya at hinihila na siya palabas.

Nakaka-agaw na kami ng atensyon. Pati nga yung malakas na music na pinapatugtog biglang humina.

"ANONG AKO! KAYO ANG UMAYOS. NAKIKIPAGLANDIAN KA SA KANYA KAHIT NA TAYO PA!" Wala paring pagod na sigaw niya. Gusto talaga makaagaw ng pansin.

"Hindi ako nakikipaglandian jan sa girlfriend mo." Singit na sambit ko at seryosong tumingin sa kaniya.

May mga lumalapit na sa 'ming mga chismosa at chismoso.

Napansin ko pa ang paglapit ni Anthony sa gilid ko. Nasa harapan ko kasi si James nakaharang para hindi rin ako masugod.

Kainis. Kabadtrip!

"Anong nangyari?" Boses ni Andrei na nasa likos ko na pala.

"Nagkaroon lang na hindi pagkakaintindihan Pre." Si James ang sumagot. Sumasakit ang ulo ko.

"Sa labas nalang tayo mag-usap please!" Nagsalita yung babae. Pinipilit na hinihila yung lalaki. Ano nga ulit pangalan niya? Kylie? Kyle? Whatever!

"Hindi pa kami tapos ng lalaking 'to!" Galit na pagkasabi niya.

Nanaman!? Ako na nga yung nasapak galit parin siya? Ibang klase. Tsk!

"Please tama na! Malalagot ka pagpinatulan mo siya." sambit ng babae.

"Bakit sino ba yan ha?"

"Hindi mo na kailangan malaman." Ewan ko kung anong samagi sakin bakit ko pa sinabi yun. Mukhang nayabangan ata.

Tinaasan ako ng kilay ng babae at ganon rin ang lalaki na masama parin ang tingin. Ngayon ko lang napagtanto bagay nga sila.

Parehong pa-epal.

"Bakit sino ka ba ha? Magpakilala ka nga. Para naman bigyan kita ng pagbati!" Mayabang na sambit niya at handang handa sa paghahamon.

"Anak siya ni Mayor Alston." Bumaling yung lalaki do'n sa babae ng ito ang sumagot sa tanong niya.

Pati ba naman rito naririnig ko ang pangalan ng tatay ko.

Hindi ako mahilig makipag-away pero lagi ako nasasangkot lalo na pagnakakasama ko tong tropa ni Anthony.

Pag nakikita o may nakakakilala sa 'kin at alam nila na mabuting mayor ang tatay ko grabeng pagkukumpara nila. Nakakasawa na!

Pagnalaman ni Daddy ang mga nagyayari sa 'kin ngayon mag-aaway na naman kami nun. Panigurado.

Baka nga malapit na ako ipatapon nun sa ibang bansa. Na ayaw kong mangyari dahil baka 'di ko na mapupuntahan si Mama at lalo magiging masaya yung asawa niyang bruha pag nangyari 'yon.

"Anak siya ng walang kwentang mayor na yon. Alam ko may bagong asawa yun diba?" sambit ng lalaki.

Hindi nga naman kasi pribado ang kasal ng tatay ko at ng asawa niya ngayon. Bida bida kasi yung babae gusto yung maraming nakakaalam at bongga.

"Pre ayaw namin ng gulo." si James ang nagsalita.

"Wala akong pake!" Nangiinis pa nitong sambit.

"Ano bang trip mo? Kung about jan sa gf mo, sinabi ko nasayo wala akong ginagawa sa kaniya. Siya yung lumapit sakin." Nababanas ko ng sambit at seryosong binigyan siya ng masamang tingin. Pati narin yung babae.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon