01

3.4K 73 4
                                    

Chapter One
-

"AYDEN!"

muntik na ako mapatalon sa gulat ng may sumigaw na napakalakas sa pangalan ko. Mukhang aatakehin ako sa puso sa sobrang gulat, galing ang tinig na iyon sa bandang likod ko. Lumingon ako at may papalapit nga sa aking babaeng lukaret. Ang aking nagiisang maharot at walang katulad na si Zandaya. The maingay girl.

"What?" Tinaasan ko siya ng kilay at inis na tumingin. Pati tuloy mga tao sa paligid namin napalingon sa kaniya. Agaw atensyon ang babaeta, ngumisi ito sa 'kin pagkalapit at hindi pinansin ang mga nakatingin sa kaniya, inabot niya ang isang invitation card. Napatingin tuloy ako ron, kulay black ang labas tapos may nakasulat rito na 'welcome party'.

"Para saan naman ito?" Tanong ko sabay kuha sa kaniya ng card at tinignan ang loob nun.

To Ms. Cruz:

You are Invited Zandaya Ria Cruz for the welcome home party of Yisreal & Yavin Alston, on Saturday, February 26 at 5-8pm. Subdivision of Alston House

Basa ko sa nakasulat don sa card.

"Binigay sa 'kin ni ate Ara yan kanina lang," masaya niyang sabi at inagaw sa 'kin yung card.

"Umuwi na pala ang apo ng dating mayor rito sa lungsod," tumango tango pa ako sa kaniya. Kilala ang pamilya Alston rito sa bayan ng bantayan dahil narin sa kanilang mga ari-arian at pagiging opisyal na namumuno rito dati.

"Oo, nung isang araw pa daw. At alam mo ba narinig ko sa mga college students dito rin mag-aaral ang magkapatid na 'yon." Pagke-kwento niya, chismosa talaga.

"Galing mo naman makasagap ng balita," nginitian niya ako at taas noong pinagyabang yung hawak niyang card. Tsk ibang klase.

"Ako pa ba."

"Ewan ko sayo, tara na nga. May klase pa tayo." nasabi ko nalang sa kaniya at nauna ng maglakad.

Sa parehong school lang kami nag-aaral pero hindi kami mag-classmate. Nasa 1st yrs college bsba major hr (human resources management) ako at siya naman ay nasa bsed major in filipino. Maggu-guro pero ang harot.

"Hoy saglit!"

Pagkarating ko sa room may kaniya kaniyang usapan ang mga kaklase ko at ang pinakatopic ng karamihan ay ang party na gaganapin sa sabado. Marami rin pala ang invited para don. Bakit kaya hindi ako nabigyan ng invitation card?

Binanggit kanina sa akin ni Zandaya na kailangan daw ng invitation card pagpupunta sa party dahil hindi nagpapapasok ang pamilya alston pagwalang patunay na imbitado ka. Saklap sa katulad kong hindi na imbitahan

Umupo ako sa madalas kong pagpwestuhan dito sa bandang dulo yung malayo sa mga kaklase kong maingay at kung ano ano ginagawa.

Wala pa yung 2nd prof namin para sa subject ngayon. Gusto ko pa sana tumambay sa library para lang maki-connect sa wifi at upang makahanap ng online jop na available sa status ko ngayon. Alam ko mahirap ang maging working student pero pagkaya mo talaga at gusto magagawan mo ng paraan para kumita at mag-aaral ng sabay.

Pagkatapos kasi ng klase namin ng first subject, mayroon kaming 45minutes para sa break. Sa canteen kasi ako tumambay kanina.

Hindi kaya ng budget ko ngayon ang magpaload. Kaya kailangan ko makahanap ng pansamantalang trabaho para makabayad ako sa kailangan ko bayaran.

Ano ba namang buhay 'to masyadong tighirap ang dating. Kaloka

"Ayden?" tawag ng isang mahinhin na boses. Napabaling ako sa harap at nakatingin siyang nagtataka sa 'kin.

"Oh, bakit?" Ngumiti ako sa kaniya at umayos ng upo.

"Tulala ka kasi. Kanina pa kita tinatawag hindi mo naman ako pinansin," tumawa siya ng mahinhin na paraan. Sh*t ang cute niya.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon