06

1.5K 51 16
                                    

Chapter Six
-

Lumipas ang dalawang araw na busy ako sa paggawa ng mga assessment task. Hindi ko nga namalayan na bukas kailangan ko ulit dumaan sa students council para asikasuhin ang pinapagawa ni ate Ara.

Napahinto ako sa ginagawang pagsusulat sa notebook ko nang maalala ang sinabi ng lalaking dalawang araw ko ring hindi nakita.

"I can help you if you need."

Tutulungan kaya niya ako? Hindi naman sa umaasa ako pero mapapadali ang trabaho ko kung tutulungan niya nga ako.

Umiling-iling ako. Hindi! Kaya ko naman seguro 'yon. Kinagat ko ang dulo ng ballpen na hawak.

"Bakit ba ako nag-iisip about don!" Bulong ko sa aking sarili. Binitawan ko ang hawak na ballpen at ginulo ang maayos kong buhok. Nabubuang na ba ako? Kainis, Umaayos ako ng upo. Kasalukuyan akong nakatunganga habang tinitignan ang kabuuan ng mini study table ko.

Nagkalat sa lamesa ang mga notebook ko na hindi ko pa tapos sulatan ng lecture. Inabot ko ang cellphone na nakalagay sa gilid. Hindi pa tapos ang na-set kung oras para sa study time ko ngayon gabi. May 13 minutes pa. Tinignan ko kung anong oras na. 11:47pm

Anong oras narin pala. May klase pa ako bukas. Inopen ko ang lockscreen ng phone at hininto ang timer nito. Umalis ako sa pagkakaupo at tinungo ang higaan ko. Pagkahiga, binuksan ko ulit ang screen ng phone. Nag-open ako ng data at tinungo ang app na Facebook. Nag scroll lang ako hanggang sa makita ang post ni Princess. Kanina pa nakaupload yung post dahil mga dalawang oras na mahigit.

Picture nilang dalawa ni Dianne ang nasa post, bali apat na picture ang nasa screen. Syempre nag heart naman ako. Ang daming nag react sa picture. May mga nag comment rin. Binasa ko naman ang iba don.

Comment section:

y/n: Cutieee bestie

y/n: Ganda naman, naurrr

y/n: How to be you po madam princess? HAHAHA

y/n: Oy may pogi sa likod HAHAHAHA

Pogi? Tinignan ko ulit ang post. Sa pangatlong larawan may nahagip nga na pogi sa camera. I mean lalaki na hindi naman talaga kasama sa kukuhanan.

Si Yisreal. Nakaside view ito pero kitang kita siya sa picture. Mukhang napadaan lang. Nai-zoom ko yung picture at tinignan ng maiigi ang itsura ng lalaki. Halata paring ang seryoso nitong awra.

Ang sungit ng dating nito. Bakit kaya siya ganyan? Nabitawan ko bigla ang hawak na cellphone ng may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Nakakagulat naman!

"Denden anak? Gising ka pa ba?" Boses ni mama. Umalis ako sa higaan at tinungo agad ang pintuan, binuksan ko ito at nilakihan ang awang para makapasok siya.

"Oh, buti nalang gising kapa anak. Ito inumin mo para mabilis ka rin makatulog." Inabot nito ang hawak na baso na may lamang gatas. Kinuha ko ito at maingat na nilagay sa study table. Inaayos ko ng bahagya ang mga nakakalat na notebook.

"Bakit gising pa po kayo? Anong oras na oh." Tanong ko, pagkatapos mag-ayos.

"Nakatulog na ako nak. Nagising lang ako dahil nakaramdam ng uhaw kaya lumabas muna ako at kumuha ng maiinom. Naisipan ko na ring timplahan ka ng gatas dahil alam ko na gantong oras ay nag-aaral kapa." Aniya at tinignan ang maliit kong lamesa. Napangiti naman ako at lumapit sa kaniya.

"Thank you Ma."

"Wala 'yon anak, mag-aral lang ng mabuti. Lagi lang ako nakasuporta sayo." Hinaplos nito ang aking kaliwang pisngi at masayang pinagbasdan.

"Opo Ma, pangako na mag-aaral ako ng mabuti para makatulong ako sa inyo ni tito."

"Okey lang si Mama anak basta para sa sarili mo, gawin mo ang iyong pangarap at magawa o makuha mo ang mga bagay na gusto mo. Masaya na ako para don, lagi mo lang ingatan ang iyong sarili at lalong wag kang mahiyang mag sabi sa 'kin kung may problema."

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon