04

1.4K 46 7
                                    

Chapter Four
-

Si Zandaya nga.

Nilapitan niya ako at inalalayan tumayo. Hinawakan niya rin yung kamay ko.

"Ano bang ginawa mo?! Bakit mo pa hinawakan yung bubog!" Galit nitong sambit pero nandon ang pag-aalala.

"Aray!" Napisil niya yung kamay ko na may sugat. Dumudugo na nga ito.

"Hala sorry! Yan kasi katangahan mo!" Galit parin nitong sabi.

Hindi ako sumagot sa halip napatingin ako sa likod ko. Nando'n parin siya at nakatingin sa 'min.

"Ang laki ng sugat mo Ayden!" Nag-aalalang sabi ni Zandaya habang sinusuri yung kamay ko. Masakit pero parang hindi ko na ramdam yung sugat namanhin na ata.

"You need first aid." Nagsalita yung lalaking nasa likod ko. Napatingin tuloy si Zandaya sa kaniya saka ito tumungin sa 'kin na nagtataka kung sino ba yung lalaki. Suminyas ako ng hindi ko alam. Magsasalita na sana ako ng may sumulbot sa harapanan namin.

"Yisreal? Oh. What's happened here?" Takang sabi ng lalaking kapapasok lang. Si Yavin. Tumingin ito sa sahig at sa akin, o tamang sa kamay ko na hanggang ngayon hawak parin ni Zandaya.

"Your hands are bleeding! Are you Okey?!" Mabilis itong lumapit sa 'min at tinignan yung dumudugo kong kamay.

"Kailangan niya ng first aid!"

"Oo kailangan niya talaga!" Si Zandaya habang nakasimangot na tumingin sa lalaki.

"Yisreal get a first aid kit in the kitchen!" Hindi niya pinansin yung sinabi ni Zandaya. Inutusan niya yung lalaking nasa likod ko. Hindi ko na nakita yung reaksyon ng lalaki basta naramdaman ko nalang ang pag-alis nito at nagtungo do'n sa dinaanan namin kanina ng hinatid namin yung pagkain.

"Here, gamitin mo muna para mabawasan ang pagdurugo." Inabot ni Yavin yung blue na panyo sa 'kin. Si Zandaya narin ang kumuha nito at maiingat na nilagay sa kamay ko.

"Jan lang kayo, magtatawag lang ako ng maglilinis nito." Tumango lang ako at 'di naman siya pinansin ng kaibigan ko na busy sa pag-ayos ng panyo sa kamay ko.

"Please be careful." Sinabi niya ito habang nakatingin kay Zandaya pati narin sa akin. Pagkatapos lumabas na siya papunta sa garden kung saan ginaganap yung party. Magkakilala ba sila?

"Masakit?" Tanong niya at maiingat na inaalalayan yung kamay ko.

"Oo, malamang masakit!" Mahina kong sagot. Nakatingin ako sa kaniya pero siya nakayuko lang at nasa mga kamay ko nakatingin.

"Deserve mo yan! Bakit naman kasi tumatakbo ka?!" Inis niyang sabi.

"Wala, trip ko lang."

Napadaing ako ng pisilin niya yung kamay ko. Alam na may sugat eh! Mapanakit talaga 'tong babae!

"Kung pagtripan ko kaya 'tong sugat mo! Okey lang sayo?!" Pagbabara niya. Nagtaas siya ng tingin at binigyan ako ng masamang tingin. Tss!

Nakabalik narin yung lalaking inutusan ni Yavin. Dala yung may katamtamang laki na box at may sign itong pang red cross.

Lumapit ito agad sa 'kin at bahagyang umupo para ilapag yung hawak niyang box tsaka niya dito binuksan. Pareho pa nga kami ni Naya na pinapanood ang ginawa niya sa pagkukuha ng panglinis ng sugat ko.

"Ako na jan." Binitiwan ni Naya yung kamay ko. Yuyuko na sana siya ng tumayo narin sa pagkaupo yung lalaki at inabot kay Naya yung bulak na may panglinis.

"M-Mmm. Thanks!"

Hindi niya pinansin yung sinabi nito. Ewan ko kung galit ba siya sa 'kin kasi seryoso at nakasalubong ang kilay niya na pinagmamasdan ako.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon