03

2K 60 8
                                    

Chapter Three
-

Paglapit namin sa mga bantay, binuksan ni mae yung bintana ng sasakyan.

"Good evening ladies." bungad na bati ng lalaking guard. "Hello sir, ako yung lumapit kanina. About sa mga kasama ko." Nakangiting sambit ni Ella habang nakadungaw sa bintana.

"Yes ma'am, pero kailangan pa namin-" hindi na natuloy yung sasabihin nito ng may sumingit na isa pang lalaking guard.

"Excuse me sir, dumating na ba daw yung mga extra na tao para mag assist sa party? Tumawag po kasi ang secretary ni Ma'am Precious." Hayag nito.

"Bakit hindi pina-alam kanina." Inis na sambit ng guard number 1 yung kumausap sa 'min.

"Excuse me, yung mga kasama ko po yung taong hinihintay sa loob." Napatingin kami kay Ella ng magsalita siya.

"Ma'am kayo lang po kasi ang may invita-" hindi na siya pinatapos ni ella magsalita. "Ayun nga po ang purpose dahil yung mga kasama ko po kasi ang mga extra na tao na kailangang mag-assist sa loob, so isa lang talaga na invitation ang binigay sa 'min."

Nagkatinginan pa nga muna yung dalawang guard.

"Sir pagdumating na daw ang mga 'yon papasukin agad dahil kailangan na ng tao sa loob. Ayun po ang sabi ng secretary ni ma'am." sabi pa ng isang guard do'n sa una.

"See? Kung hindi kayo naniniwala tawagan niyo pa ang tita ko, Enda Santos yung pangalan siya ang head chef ro'n o kaya yung boss ninyo." Pagkukumbinsi pa nito.

Ito na ba yung planong palusot na gagawin? Taena. Ano sasabihin? Oo lang ganon?

Hindi ako preffered potek!

Ready pumunta pero hindi preffered sa palusot. Kabado benta pa nga.

"Shit!" Mahinang mura ni Dianne, ako nga lang ata ang nakarinig. Paano ba naman kasi nagitgit na niya ako sa sobrang dikit niya sa 'kin.

"Wait po ma'am itatanong lang na-" hindi na naman pinatapos sa pagsasalita yung unang guard ng tumunog yung parang radiophone na nakalagay sa gilid nang suot na pantalon ng pangalawang guard.

Hindi ko alam kung anong exact na tawag do'n pero nakita ko 'yon one time na ginagamit ng isang guard sa school namin.

At opo, yes po! Nakatutok talaga kami sa kanila. Kaya ramdam namin ang inis ni manong guard.

"Sorry sir, tumatawag po si ma'am." Sambit nito.

Inabot niya yung parang radiophone sa naiinis na guard.

"Yes po ma'am?" tugon nito sa linya at lumayo ito sa 'min ng kaunti.

"Gago ka Ella!" natatawang sambit ni Dianne.

Sinenyasan niya ito na tumahimik. "Shhh!"

"Sorry." Nakanguso nitong sagot.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas. Ano ng sunod na gagawin kung sakaling hindi nga kami papasukin? Pakamatay na ganon?

Bahagyang natawa ako dahil sa naisip ko. Gutom lang 'to.

Hindi ko nga namalayan ang paglapit ulit ng guard sa 'min at basta nalang ako niyugyug ng katabi ko.

"Ayden!" tawag ni Dianne. Tumingin ako sakanya

"Ayden need ng address mo at perma." Sambit ni Mae sabay bigay ng form.

Kinuha ko yung papel saka ko sinulat yung hinihingi. Nang tapos na kami binigay na ito do'n sa guard.

"Kailangan rin po mag-iwan ng id ma'am." Aniya.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon