SECOND semester na, hindi pa rin siya c-in-o-contact ni Rinn.
Wala siyang karapatan, pero he finds that he's dreading the call. Ang call na sasabihin ni Rinn kung sino ang balak niyang makipag-sex with.
Christmas at New Year, alam niyang nasa Pampanga siya with her family. Pagkatapos n'on, nagkikita na lang sila nang minsanan around campus. Masyado siyang busy with school and orgs and her friends.
From what he sees, masaya si Rinn sa school. Walang boyfriend or anything like that—kahit ang dami ng admirers niya. Fuckers.
Si Inggo, shameful as it is, bumalik sa pagiging fuckboy. Not that he ever stopped.
"Tangina, panlima mo na 'yan this week," reklamo ni Migo sa kanya nang pumasok siyang kaaalis lang ng panlima (according to his best friend) niyang babae this week. Wednesday pa lang. "Memorize mo ba schedule ko at palagi silang nandito 'pag wala ako?"
Inggo raises an eyebrow, lighting a cigarette near the window. Pangatlo niya na 'to. He's half-naked, hair disheveled, sweaty. Maliligo siya pagkatapos nito, pota, kadiri ang amoy niya.
"Mas gusto mo bang nandito ka?"
Migo rolls his eyes at his sarcasm and tosses him his lighter.
Oo, memorize ni Inggo schedule ni Migo, pati na rin ang kay Jiya. Minsan kasi, pumupunta si Ji dito kahit wala si Migo, may susi na nga, kaya kapag nandito siya, hindi rin nag-uuwi ng babae si Inggo.
The only women he apparently cares about are Jiya, Van, Addie, his mom, Tita Sheryl, 'tsaka si Rinn at Meg.
"Nagsasawa na ako, 'tol," sabi ni Inggo.
Migo laughs out loud, opening the fridge. Nasa klase pa siguro si Ji kaya nandito si gago. "Naubusan ka lang ng babae. Hanap ka sa ibang school."
"UAAP, ampota?"
"Blue Eagles, check." He shrugs and flops down on the couch.
Inggo rolls his eyes, taking a puff of his smoke.
Hindi rin alam ni Inggo kung 'yon ba o totoong nagsasawa na talaga siya sa bed 'em and leave 'em niyang lifestyle.
Kasi lately, hindi na siya natutuwa. Nakahiga na lang siya sa kama, hinahayaan ang kung sino mang kasama niya. Ni hindi na niya matingnan. Nakakawalang-gana silang panoorin at pakinggan, kaya di-ne-demand niyang nakatalikod silang lahat sa kanya habang siya ay nakahiga lang, naninigarilyo, while they make him come.
Wala siyang gana.
'Tsaka ngayon lang nagiging shameful sa kanya ang mga pinaggagagawa niya. Dati naman, wala siyang pake kung ano iniisip ng mga tao—basta alam ng lahat one-time thing lang talaga sila 'pag kay Inggo de Paz.
Nakakahiya at nakakapanibagong isipin na siya ay one-time thing lang din para sa kanila. Nakakatawang isipin na worth siyang mahalin kasi hindi niya iniisip 'yon sa mga babaeng napupunta sa kama niya.
Shit. Ang gago niya.
Pero ito ang alam niya e. Hindi naman niya alam kung paano maging Migo sa katulad ni Jiya, o paano maging Cas sa katulad ni Addie. Tangina, kahit nga maging Isco sa katulad ni Van.
Ang katawan lang niya ang alam niya, at ang katawan ng iba.
"How's Ji?" tanong ni Inggo, twirling his cigarette between his fingers.
"Better." Migo runs a hand through his face and looks at him. "Salamat ulit."
"Nakakaputa mga magulang niya," sabi ni Inggo.
"Magiging in-laws ko mga 'yon," sabi ni Migo, jaw clenching. "Pero tama ka. Kingina."
Hindi alam ni Inggo kung ano nangyari sa wrist ni Jiya, pero nagalit siya no'ng nakita niya 'yon, kaya niya sinundan-sundan si Ji sa mga klase niya. Ta's ang bobo pa ni Migo, nag-away pa sila dahil kay kinginang Elois.

YOU ARE READING
And Then You
RomanceInggo de Paz has a long line of girls waiting outside his door. He never thought Maureen Salas, his best friend's little sister, would be one of them. DISCLAIMER: This story is written in Taglish.