7 / inggo

18.3K 499 259
                                        

THERE'S a reason Inggo doesn't chase after Rinn.

In freshman year, Migo called Inggo while he was in the middle of sex.

Sinagot ni Inggo, out of breath. "Ano, gago? Tangina, busy ako—"

"Inggo, sorry," sabi ni Migo. "Shit, sorry. I need a favor. It's Mau. Putangina."

Nagulat si Inggo kasi first time niyang narinig na seryoso at galit ang kaibigan niya.

He stopped and hurriedly rolled off the bed. "Ano? Ano nangyari?"

"Nasa condo ka? May tux ka ba diyan?"

"Meron." Inggo glanced at the girl, who looked incredulous and irritated, said, "Alis," and pinched the phone between his ear and neck to throw open his closet. "Sa'n ako pupunta? Ano nangyari kay Rinn?"

At the time, alam na ni Inggo kung paano ang relationship ni Migo with his sisters. Alam na niya na laging silang nilalabas ni Migo for a date to the movies o kahit lunch o dinner, alam na niya na nag-uuwi si Migo ng Starbucks cheesecake para kay Rinn at donuts para kay Meg at Tita Sheryl, alam na niya na Migo called them once a week habang nasa Katip siya kahit uuwi naman siya sa weekend kasi miss niya na sila at gusto niya malaman kung kamusta na sila. Alam ni Inggo na, ni isang beses, walang text o tawag galing sa mga kapatid niya na hindi sinasagot agad ni Migo. Walang inis kahit kinukulit siya.

Natutuwa pa nga. Sasabihin niya kay Inggo nang nakangiti, "Uy, nag-text si Mau."

"Ano sabi?" tatanungin ni Inggo.

"Ang panget mo, Kuya," he'd read, natatawa. Then he'd reply agad, already typing on his phone. "Bwisit 'tong batang 'to. Panget ka rin."

Napapairap na lang si Inggo kasi alam niyang may kasunod pa 'yon: ingat sa school. Makinig ka sa teachers mo. Kumain ka nang marami. Text mo 'ko 'pag pauwi at nakauwi ka na.

Nagsabi si Migo ng name ng hotel. "Prom nila ngayon pero 'di yata darating putanginang date niya. Wala pa rin."

Inggo felt Migo's anger. Pero more than that, he felt his own rage.

"Nasa'n ka?" he asked, buttoning his polo shirt hurriedly. "Nagbibihis na 'ko."

"Traffic, gago. Fuck! Forty-five pa. Mas malapit ka sa 'kin, I'll meet you sa venue na. Sorry, magdala ka ng pera, may bayad tickets—"

"'Wag ka magpabangga, gago," Inggo snapped, throwing on his blazer and tie carelessly around his neck. "May papatayin pa tayo. Akong bahala kay Rinn, text mo 'ko. Get out!"

Sinigaw ni Inggo 'yong last sentence na 'yon sa babaeng nasa kama pa rin niya.

At his tone, she scrambled off the bed and hurriedly put on her clothes.

"Shit," sabi ni Migo, natataranta na nga, nalaman pang may kasama si Inggo no'ng tumawag. Narinig ni Inggo na sinuntok niya ang steering wheel. "Shit. Sorry, tangina—"

"Shut up," sabi ni Inggo.

"Please, please, please, give her a good time until I can get there. Make her smile, please—"

"Migo," sabi ni Inggo, barely able to keep his anger in. "Mag-focus ka diyan, tangina mo."

Binaba na niya ang phone. He put on gel on his hair and sprayed cologne over himself, slipped into his shoes, and left the condo.

Ang mga napansin ni Inggo no'ng gabing 'yon: (1) mahal ang ticket, pero wala siyang pakialam, (2) pinagtitinginan siya ng mga high school girls, pero wala siyang pakialam habang hinahanap si Rinn, at (3) slow song ang nagpa-play at puno ang dance floor.

And Then YouWhere stories live. Discover now