23 / inggo

18.9K 476 278
                                        

PUTANGINANG special friends 'yan.

Mayro'n na bang na-special friend-zoned na ganito? Survey lang naman.

Ito kasi 'yon. Okay lang naman kay Inggo. Gets niya naman na may apprehensions si Rinn, at gets niya yung mga apprehensions na 'yon. Intindi niya, kasi siya ang may gawa n'on, e. May reputation siya, may mga kasalanan siya kay Rinn, kailangan niya pang i-prove na hindi na siya aalis...gets. #SelfAwareness.

Pero putangina??? SPECIAL FRIENDS???

Barney & Friends 'yan, ampota. E 'di shing.

Well. Ito gusto ni Rinn. Wala siyang magagawa until his first year of medical school is over. Sapat na 'yon na time para patunayan sa kanya na sigurado na si Inggo.

Christ. Hindi niya alam na pwede siyang makaramdam ng ganito. Gets na niya kung bakit wala nang lumabas sa bibig ni Migo kundi "Valle", "Valle", "Putangina", at "Valle".

Nakakatakot. 'Di alam ni Inggo ginagawa niya. Sa putanginang special friends pa nga lang, hindi pa sila, nase-stress na si Inggo, kaya siguro mas okay na ganito muna sila bago siya maging isang mahiwagang boyfriend.

Uy. Inggo de Paz, boyfriend. HAHAHAHAHA.

Pota.

Putanginang kinginang nakakatakot 'yan, mas nakakatakot pa sa nasilipan ni Inggo na pubic hair ni Migo—

"'Tol," sabi ni Cas, handing him a glass.

Inggo wrinkles his nose at the shot and puts it down. "Ano?"

"Makakaahon na 'ko sa kahirapan sa 'yo. Tingnan mo 'to." Pinakitaan siya ng phone ni Cas, snickering. "May 130 orders na 'ko sa Google Form ng preorders."

Inggo furrows his eyebrows.

INGGO DE PAZ GRAD PICS PREORDER FORM
Disclaimer: walang actual na Inggo de Paz na kasama, sorry

"Putangina ka, boy!" Inggo smacks his head. "The fuck, puta ka, benta ko kaya yung sa 'yo?!"

"Papagalitan ka ni Addie. Susuntukin ako ni Jiya kung si Migs. Si Buenca, may kalandian na, baka ma-turn off daw."

"Tanginang 'yan, bentahan na parang isda sa tindahan ng mga single?"

Okay, technically, single pa rin siya para sa mga kaibigan niya. Sa kanila na lang ni Rinn na may exclusive special friends agreement sila.

"Bro, ibebenta ko sa Ateneo Trade 'tsaka sa University Trade, makakapag-provide na 'ko para sa pamilya namin ni Addie." Cas grabs him in a hug. "Maraming salamat."

"Tulungan kita, pengeng commission, kailangan ko rin para sa kabuhayan namin ni Valle," singit ni Migo, natatawa sa Google Form responses. "Potanginang 'yan, 130?! Ampota, may discount 'pag galing na sa kwarto, Burgundy 501! HAHAHA!"

"'Tol, may group order option pa 'yan, 'tsaka kung toga, corporate, o casual," Anton adds, snickering, sitting beside Inggo.

Inggo slaps his forehead. Putanginang mga kaibigan niya na 'to. "Peste, akin na copies n'yo." Nag-angat ng tingin si Inggo sa dance floor, pero 'di na niya makita yung girls. Kinabahan siya. "Huy, putangina, where are the girls?"

Napatingin tuloy si Migo 'tsaka si Anton.

"Dito." Cas tips his chin sa may left ng dance floor. "Kita ko sila."

Protocol kasi nilang mga lalaki, 'pag nasa bar sila o club o kung ano man, kailangan nila bantayan 'yang mga babae nilang tropa. Baka kung ano mangyari sa kanila—parang kay Rinn.

Pota. Umiinit dugo ni Inggo 'pag naiisip niya 'yon.

Bantay nila kahit drinks nila 'tsaka yung mga nakikisayaw na lalaki. Okay lang naman kung gusto rin nila (ni Van, actually, kasi siya lang ang single), pero kung hindi, aba, pota. Tatayo na 'tong apat.

And Then YouWhere stories live. Discover now