Prologue

3.2K 78 38
                                    


I stretched my back as soon as I sat beside the window. It's lunch time at nandito ako ngayon sa Jollibee, I was suppose to eat at KFC kaso tinatamad na akong maglakad pa. Ewan ko! Hell week kasi ngayon kaya mukha akong lantang gulay.

Phew, buti nalang nakaupo agad ako. Punuan kasi kapag tanghali kaya mahirap makahanap ng pwesto, tapat kasi ng gate 4 'yong Jollibee kaya I assume na 'yong mga estudyanteng tinatamad ng maglakad pa ay dito nalang kumakain, parang ako lang. Anyway, halos araw-araw nga pala akong kumakain dito dahil sa katamaran ko.

I looked around habang naghihintay ng order ko. Damn, I'm so hungry. I forgot to eat breakfast dahil malelate na ako kanina, consequence of sleeping so late last night. Eh sa ayaw ko pang bumagsak kaya sinubukan kong mag-aral kahit hindi naman talaga ako magaling sa pagrereview, siguro sa 5 hours na kaharap ko 'yong mga reviewer ko, 2 hours lang talaga 'yong aral do'n, yong 3 hours nawawaldas ko lang kakaspace-out.

Ugh. Naiinis din ako sa sarili ko minsan, but this is me, may magagawa pa ba ako doon?

Natakam naman ako bigla no'ng isinerve na sa table 'yong order kong yumburger, fries, chicken joy, burger steak, and sundae. I need a lot of food to energize myself para hindi naman ako magmukhang zombie sa next class namin.

I reached for my phone when I remembered something. I dialed Valerie's number at buti nalang sinagot niya agad.

"Hoy, 'yong papers na ipapasa natin mamaya naprint na ba?" Bungad ko no'ng sagutin niya.

"Wow. Grabe, sobrang nice mo talaga mag-hello, Harl." She laughed.

"Di ka pa sanay? Ano ba yan? Oh so ano nga?" I chewed the fries dahil gutom na talaga ako. Wala namang rule na bawal makipag-usap sa phone habang kumakain.

"Naprint na po boss. Galing ng alipin mo ano?" I raised a brow.

"Hoy ako kaya gumawa ng lahat!" Pagkontra ko kahit medyo kalahating kasinungalingan naman 'yong sinabi ko. Ehe.

"Nyah nyah. Ewan ko. Sige na! May date pa ako!" She ended the call immediately. Eww. I rolled my eyes.

Ano naman kung may date? Iniinggit niya ako? Wews. Never akong maiinggit. Promise yan!

By the way, that girl is Valerie Fernandez, bestfriend ko yata. Ah basta, ewan ko! Simula highschool ko pa siya kaklase, hanggang ngayon.

I continued munching my food, sarap na sarap pa ako sa kinakain ko no'ng may napansin akong huminto sa tapat ng table ko. Syempre, hindi ko tiningnan. Kasi bakit naman?

"Excuse me, Miss. Pwede bang makishare ng table? Wala na kasing ibang available."

Ah, ako pala sadya at makikishare pala. Sabagay, gaya nga ng sabi ko kanina, punuan tables ngayon.

"Okay." I said without taking my eyes off my food.

"Thank you." The boy said at tumango lang ako habang busy pa rin sa pagkain.

Sabi nga nila 'mind your own business' kaya hindi na ako tumingin or what sa side niya until I finished eating the burger steak and chicken joy.

But when I finally did ay parang gusto ko yata biglang maglaho sa kinauupuan ko, lalo na't may napagtanto ako.

He looks familiar. Teka?

Siya ba 'yon? What the....

Kahit na medyo ayaw ko, I still let my mind travel into my memory of the past.

4 years ago...

"Anong iniiyak-iyak mo d'yan?" Barumbado kong tanong kay Valerie. Pa'no may usapan kaming magkikita sa tapat ng UST tapos bigla akong pinapunta ng Morayta dahil may problema raw siya.

Morayta EncounterWhere stories live. Discover now