Chapter 10

1.1K 40 19
                                    


"Saan nga?" Pangungulit ko sa kanya kahit na pamilyar naman sa akin 'yong daanan. There's a loud music playing in his car at hindi ko maiwasang mapasabay dahil bet ko 'yon.

"Hold on I still want you. Come back I still need you." I sang it. Napatingin naman siya bigla sa akin at ngumisi, like he's amazed or something. Ewan ko sa kanya. Muntanga.

"Let me take your hand and make it right, I swear I'll love you all my life, hold on I still need you," pagpapatuloy niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Feel na feel, akala mo sincere." Pairap kong sabi at tumawa lang siya.

"Galit ka nanaman," he let out a smile. "Huwag kang mag-alala, wholesome lakad natin." He even winked at me pero hindi pa rin ako convinced dahil siya nga 'yan, maloko at ewan! Baka mamaya pala sa motel niya ako dalhin, nako! Subukan lang talaga niya!

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko no'ng makalampas kami ng rotunda. He just shrugged his shoulders and smiled.

Nakabusangot akong bumaling nalang sa labas at pinagmasdan ang mga sasakyang kasabay namin, buti nalang ay hindi pa traffic, kundi ay mababagot talaga ako.

"Ang paborito kong simbahan." Aniya saka pinaliko ang sasakyan sa simbahan ng Sto. Domingo, medyo gulat naman akong napabaling sa kanya.

Seryoso ba? Itong taong 'to? Nagsisimba? What a joke!

O baka naman scam lang 'to? Para kunware good boy siya, ganern. Tss.

"Ano namang gagawin mo dito? Paimpress kalang eh," panghuhusga ko sa kanya kahit alam kong masama 'yon.

"Magsisimba. Magdadasal." He stated like it's an obvious thing.

Oo nga naman, pero 'yong katulad niya? Nagdadasal? Hindi ko na napigilang tumawa.

"Bakit ka naman tumatawa? Hinuhusgahan mo nanaman ba ako?" Napailing pa siya pagkatapos itanong 'yon.

"Ikaw? Nagdadasal ka?" Natatawa ko pa ring sabi.

"Grabe! Demonyo na ba tingin mo sa akin? Babe naman, nasasaktan ako." Mukha pa siyang nagpapaawa no'ng sinabi niya 'yon.

"Ewan ko sayo!" 'Yon nalang ang nasabi ko bago bumaba sa sasakyan niya, sumunod naman siya sa akin at pinayungan pa ako kahit wala pa namang init.

"Ang OA ah, ibaba mo nga 'yan." Tumawa naman siya ng mahina at sinunod ako.

Gaya ng gusto niya ay sa gitnang parte kami pumwesto, mas maganda raw kasi doon, mas feel. Ewan ko nga sa kanya dahil ang dami niyang alam, para sa akin naman ay pareho lang 'yon.

"Dito ako nagsisimba palagi, minsan naman ay sa Quiapo, basta kapag nandito ako sa Manila," pagkwento niya, nakinig nalang din ako dahil nasa simbahan kami at ayaw ko munang makipagtalo.

"Linggo-linggo ka bang nagsisimba?" I curiously asked, wala lang. Nakakapagtataka eh.

"Oo, nakasanayan na eh." Nakangiti niyang sagot habang nakatingin pa rin sa harap.

Honestly, I am really surprised na nagsisimba siya, kasi ako mismo hindi ako gano'n kaaktibo. Once a month nga lang ako nagsisimba at medyo nahiya ako doon sa sinabi niya na every Sunday siyang nagsisimba. Napaisip naman bigla ako kung sino kaya ang kasama niyang nagsisimba, mama niya kaya o babae niya? I shook my head, ang sama ko na talagang mag-isip lagi pagdating sa kanya. Nagiging mapanghusga ako.

The mass went on peacefully, ngunit hindi pa rin kami lumabas dahil may gagawin pa raw kami. Nagtaka naman ako no'ng dinala niya ako sa left side ng simbahan kung saan may mga nagsisindi ng kandila. Bumili siya ng dalawang puti at binigay sa akin ang isa.

Morayta EncounterWhere stories live. Discover now