Chapter 12

1K 34 3
                                    


Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak, basta ang alam ko ay nagising akong magang-maga ang mata at parang lalagnatin na.

Nanlaki ang mata ko no'ng makitang halos isang oras nalang bago ang first period namin kaya mabilis na akong kumilos para makapaghanda. Pagkalabas ko ng kwarto ay ang nakangising Valerie ang naabutan ko sa sala ngunit agad ding nawala ang ngisi niya.

I think she saw my puffy eyes.

"Walang nagpaiyak sa akin kung 'yan ang tatanungin mo." Inunahan ko na siya dahil mukhang tatalak nanaman.

"Okay." Hindi na siya nagsalita pa at sumunod nalang sa akin palabas.

Dumaan ako sa BonChon para magtake-out ng pagkain dahil gutom pa ako, tahimik pa ring nakasunod si Valerie hanggang sa paghihintay.

"Okay ka lang ba?," she asked, medyo gulat nga ako na hindi agad siya nagtanong kanina.

"Okay lang ako." I plainly answered bago itinuon ang pansin sa labas ng bintana.

"Kumusta ang," she sighed and hesitantly continued. "Kumusta ang date niyo? Balitaan mo naman ako." Umiwas ako ng tingin.

"Okay naman. Not bad." Buti na lang ay isinerve na 'yong order ko kaya hindi na nadagdagan pa ang tanong niya.

Parehas kaming patakbong pumasok ng school dahil limang minuto nalang bago magsimula ang klase.

"Phew! Buti nakaabot, wala pa si Sir!" Nakangising wika ni Val saka ako hinila papasok ng room.

Kahit na anong gawin kong pagconcentrate buong araw ay tila hinihila ang isip ko sa mga nangyari kahapon.

I can't deny that it's one of the best days in my life, pero 'yon din ang isa sa pinakamalungkot. At alam kong dahil din 'yon sa sarili kong kagagawan.

"Ang tamlay mo naman, nakakahawa," aniya no'ng pauwi na kami sa condo. Wala ako sa sarili naglalakad habang siya naman ay talak ng talak sa tabi ko.

"Wala ka bang date?" Tanong ko sa kanya.

"Ah! Ayon," nagkamot naman siya ng ulo at malapad na ngumisi sa akin. "Tinatamad akong makipagdate sa kanya ngayon kaya tayo nalang ang magdate!" Hinila naman ako pagkatapos para makapag-abang ng jeep.

"Saan naman tayo pupunta?" Nababagot kong tanong dahil sa traffic at hassle pa dahil nakaclinical uniform kami.

"Basta, d'yan lang naman." Nakangiti pa rin siya at inayos pa ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

Alam ko naman...na ginagawa niya 'to dahil nag-aalala siya sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "Sorry," I mumbled before closing my eyes, nagising nalang ako no'ng maramdaman ko ang pagtusok niya sa pisngi ko.

"Tara na babae, bababa na!" Aniya saka ako hinila pababa ng jeep, wala pa ako sa katinuan no'ng hinila niya ako patawid sa underpass.

"SM Manila?" I asked.

"Sorry, haha! Oo dito lang muna dahil baka gabihin tayo kapag nasa malayo." Tumango ako at sumunod sa kanya papasok.

"Shopping tayo! Pinadalhan ako ng allowance ni mommy kanina, ang sabi pa niya sabay daw tayong mamili!" Hinila niya ako sa mga damit, sinukatan ng kung anu-ano at hinayaan ko nalang na magpatangay sa kanya dahil seryoso, wala ako sa mood na manlaban o magsalita ngayon.

"Bagay sayo." Nakangiti niyang sabi saka inilahad sa harapan ko ang isang dress na kulay itim. "Come on, Harl. Smile." She stretched my cheek to form into a smile.

Napabuntong-hininga naman siya saka ako hinila palabas ng boutique na 'yon.

"May nangyari ba kahapon? You can tell me, Harl. Makikinig ako." She caressed my hand, as if telling me to uncover myself.

Morayta EncounterWhere stories live. Discover now