Chapter 8

1.1K 33 7
                                    


What the fucking hell?

Umiwas ako ng tingin no'ng magtama ang mga mata namin. I don't know what look I should give him. Hindi ko alam kung sasamaan ko ba ng tingin o ano.

"Pre." Thomas greeted him. I didn't know they're friends, sabagay same school. Small world, afterall.

"Uy." Bati rin niya at nakipagfist-bump pa. Judging that, mukhang may pinagsamahan sila? O masyado lang akong mababaw?

I was thinking kaya hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ulit siya at bubulungan ako.

"Didn't expect that you'll visit me here, babe. I'm so touched." Awtomatiko ang pagsama ng tingin ko sa kanya.

"Luh, asa ka." Hindi ko maiwasang hindi magtaray kahit na kanina ko pa nireremind ang sarili ko na pakitunguhan siya ng medyo maayos.

"Awts, hindi ka ba pumunta rito para sa akin?" Aniya na tila nasaktan. Wow, pwede na siyang mag-artista, kaso hapon na.

"I came here for Thomas." I plainly answered while calming my nerves.

"Aww, nasaktan ako doon. Bakit hindi nalang ako? May mahal na 'yon eh! Hindi ka na mamahalin non!" Wow! Ang drama!

"OA." 'Yon lang ang nasabi ko bago ako lumapit kay Valerie.

"Anong oras ba tayo uuwi?" I asked while looking at my wristwatch. Tinaasan naman niya ako ng kilay, ano nanaman ba?

Hinila niya ako sa medyo malayo sa dalawa.

"Come on, Harl. It's your time to apologize! Huwag mo ng sayangin!" Damn, I expected this but...

"Uuwi na ako!" Untag ko. Parang hindi ko yata kayang banggitin ngayon 'yong salitang sorry.

"What? Nandyan na siya oh! Sus! Sabi ko na nga ba eh, gusto mo pang makipagkita ulit s akan—." Argh! Hinablot ko siya pabalik para matahimik na.

"Fine! I'll do it!" Sabi ko sa mababang boses, 'yong saktong hindi maririnig ng dalawa. "Magsosorry na, kaya tumahimik ka na!"

"Nice, good decision." Iyon lang sinabi niya sa akin ngunit may kasama 'yong nakakakilabot na ngisi. Napatampal nalang ako ng noo habang bumabalik sa pwesto ng gago.

"Hindi ka ba gutom? Let's eat!" Masigla niyang bungad pagkabalik ko. Maaliwalas din pala ang mukha niya ngayon, nakasabit ang gray na bag sa kaliwang balikat, malinis ang polo. Mukha siyang estudyante ngayon at hindi mukhang gago.

Tumango nalang ako. Hindi pa ako gutom, pero sa tingin ko I can do the apology while eating. Mukhang mas okay 'yon. Nakangisi lang si Valerie at Thomas habang nagpapaalam kami, mga gago! Ano kayang iniisip ng mga 'yon? Sarap batukan dahil sa ngisi nila.

Pagkatapos no'n ay sinundan ko ang gago sa paglalakad, syempre school niya 'to, ano namang alam ko sa pasikot-sikot dito. Pumasok kami sa isang fastfood na nasa loob din ng school. He volunteered to order at pumayag nalang din ako.

"Pero ako magbabayad, or else, hindi tayo kakain." Banta ko at buti nalang ay napapayag ko siya.

"Okay." Ngumiti siya bago umalis.

No'ng nakapila siya sa counter ay saka ko narealize ma maraming nakatingin sa kanya... sa amin.

God! Baka isipin pa nila na babae ako ang hinayupak na 'to? Jusko naman, hindi mangyayari 'yon!

Mga admirer niya kaya 'to? Tss, what so special with him?

Malapad pa rin ang ngisi niya no'ng makabalik siya. "Eat up, babe. Ayaw kong nagugutom ka." Aniya at saka inilapag 'yong pagkain sa table.

Morayta EncounterWhere stories live. Discover now