Chapter 11

1K 40 10
                                    


"Tanga ka? Bakit mo ginawa 'yon?" Naiirita kong sabi kahit naiiyak pa rin.

"Galit ka nanaman eh. Sige ka, uulitin ko 'yon!" Natahimik naman ako dahil sa banta niya, syempre ayaw ko namang ulitin niya 'yon. Ano siya? Sinuswerte? Pweh.

Napabuntong-hininga ako saka tumango ng marahan. "Oo na, hindi na magsusungit. Ngayon lang." He gave me a quick yet sweet smile saka inoffer ang kamay niya.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Lakad-lakad tayo, promise mas feel mo ang ganda ng lugar kapag naglalakad ka lang." Oh? Gano'n ba talaga 'yon?

Mmm.. Total lamang nga siya sa experience pagdating sa mga ganitong bagay, edi okay. I put my hand on his, saka ako tumango.

"Alright."

Akala ko ay magtatagal ang kamay niya ngunit binitawan niya rin naman agad ang kamay ko. I looked him at nakita kong nakaiwas siya ng tingin.

"Baka sabihin mo nanaman na tsansing ako, sama-sama pa naman ng mga naiisip mo sakin, nako!" He laughed and I laughed, too. Hindi ko alam, nakakahawa yata siya!

"Iyon na nga ang iniisip ko." Naiiling kong sabi.

"Wooo! Sarap lumipad!" Aniya at itinaas pa ang dalawang kamay. Mukha siyang tanga kaya natawa ako.

"Ano ka? Ibon?" Natatawa kong tanong, tinapunan niya naman ako ng mapanghusgang tingin. "Ano?" I asked.

"Mukha ba akong ibon? Grabe!" Umarte pa siyang tila nasaktan, bakit kaya hindi nalang nag artista 'to? Mukhang may future na siya doon eh.

"Nagsabi ba ako na mukha kang ibon?"

"Ah, basta hindi ako ibon, Harl. Pero may ibon ako dito, wanna see?" Lumapit pa siya sa akin habang nakangisi pero agad ko siyang itinulak.

"Ang halay mong manyak ka!" Bulyaw ko, ngunit natawa nalang din kaming pareho.

Hindi ko alam kung paanong... halos isumpa ko siya no'ng isang araw, pero heto ako ngayon, masayang nakikipagtawanan sa kanya.

Honestly, I strangely feel comfortable around him.

"Sorry naman," aniya na tila sumusuko na, siniko ko naman siya ng mahina bago ako naunang maglakad.

We spent hours of walking and chatting about things, karamihan pa nga yata ay wala namang kabuluhan, pero pinag-uusapan namin basta nabanggit.

Ang sabi niya pasasayahin daw niya ako, well.. I can say that he's doing a very good job.

Kasi masaya ako. Ngunit masakit din, dahil alam kong huli na 'to.

My eyes drifted to the old wall in front of us. "Ngayon ko lang naappreciate, sana pala noon palang naisipan ko ng maglakad-lakad dito." Panghihinayang ko.

"Kung noon mo pa nagawa, edi sana wala ng thrill ngayon. Hindi naman tayo mag-eenjoy kung gano'n." Tumango-tango naman ako, tama naman siya, kaso..

"Ako lang naman yata ang nag-eenjoy, kasi ikaw mukhang lagi ka namang nandito, memorize mo na nga yata ang bawat sulok dito."

"No. It was never the same to what I am feeling right now." Diretso niyang sagot habang nakatitig pa sa akin. Seriously, he knows his words and moves too damn well.

"Bakit? Ano bang nararamdaman mo ngayon?" I asked to ease the tension that I'm feeling dahil sa mga banat niyang ewan ko nalang.

"Masaya," his lips stretched for a smile. "Kasi may napapasaya. Tara na nga." He held my hand again para mahila na ako paalis.

"Nakakainis ka." Nangingiti kong sabi, nilingon naman niya ako at nginitian ng nakakapangilabot.

"Naiinis ka? Tama ba ang narinig ko? Kung ganon," his eyes gleamed with playfulness, tila may binabalak. Loko talaga 'to.

Morayta EncounterWhere stories live. Discover now