Chapter 6

1.3K 45 13
                                    


Boyfriend?

My eyes widened. Tangina, as in jowa?

"HOY! Pinangsasabe mo? Gago!" Untag ko sa kanya bago pa siya makalayo sa table ko.

Lumingon naman siya sa akin at itinaas ang kilay niya. "Wala kang boyfriend?" Tanong niya saka bumalik at inilapag ulit 'yong tray niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tangina! Hindi ko talaga lubos akalain na iisipin ng gagong 'to na may boyfriend ako. Ni halos isumpa ko na nga mga lalaki sa mundo tapos magboboyfriend pa ako?

What a joke.

"So that guy is not your boyfriend?" Tila curious niyang tanong. Halos mapa-'huh' ako dahil hindi ko nagets 'yon.

"Guy? Nag-iimbento ka ba?" Tangina ano 'yon, rumored boyfriend ko? What the freaking hell?

"That guy, 'yong ka-date mo." Date? I furrowed my brows as I think deeper. Halos kinalkal ko na mga lupalop ng memorya ko para hanapin 'yong sinasabi niyang boyfriend ko.

Guy? Date? Walang gano'n sa memorya ko! I'm sure of that, I've never been in a freakin' da—.

My eyes almost widened because of a realization. Hell! Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa dahil sa narealize ko. Tanga ba siya?

Si Vanniel? Boyfriend ko? Date?

Never in my dreams! Eww. Pero ano bang pakialam niya? Natapakan ba ego niya dahil akala niya may jowa 'yong nilalandi niya? Aba, gago siya ah!

"Ano naman?" I smirked saka ko isinubo 'yong fries na hawak ko.

Hindi siya nakapagsalita at sa halip ay inilipat nalang ang tingin sa labas. Ay wow? Ganito talaga siguro galawan ng mga gagong playboy, kunyare sad siya boi. At ang mga babae naman, naaawa rin? The hell is with them?

"Kung may boyfriend man ako. Wala ka na do'n." Malamig kong sabi saka ko pinulot 'yong bag ko, pati 'yong fries at sundae na hindi ko naubos dahil sa panggugulo niya.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya, diretso na akong naglakad palabas para makauwi na at makalayo sa kanya.

God knows how much I hate his presence! Ewan ko, pakiramdam ko nadadala ako sa impyerno sa tuwing nakikita ko siya.

At bakit ba siya nandito sa Morayta? May Jollibee naman malapit sa Uste ah? Mayroon pa nga sa loob. Tss. Maybe he's just womanizing here, at kung naroon nga siya no'ng isang araw sa McDo kaya nakita niya kami ni Vann ay paniguradong may kasama nanaman siyang babae o baka 'yong jowa niyang kasama niya rin sa Society Eight last time.

I sighed. Kailangan ko na talagang iwasan ngayon 'yong Jollibee, pati na rin McDo o kahit saang fastfood dito sa Morayta! Because it's like he's anywhere! Nakakainis na bigla nalang sumusulpot!

At gaya nga ng sinabi ko ay iniwasan ko munang kumain sa mga fastfood no'ng mga sumunod na araw, buti nalang ay mayroon ding canteen sa loob ng school, actually nasa lima o anim nga 'yong kainan sa loob, 'yon nga lang ay medyo may kamahalan.

"Harl! Birthday ni Ivan mamaya! Invited tayo!" Val excitedly said no'ng palabas na kami ng campus. It's Friday at alam kong mahihirapan akong maghanap ng excuse, dahil wala rin kaming ipapasa or quizzes next week.

"I'm not interested." Sabi ko nalang saka naglakad ng mabilis.

"Dali na, pupunta ako, hindi mo ba ako sasamahan? Grabe! Paano nalang kung awayin ako do'n o 'di kaya baka magpass-out ako dahil nalasing?" Napairap nalang ako sa bumaling sa kanya.

"Pupunta naman jowa mo ah! Magpapahinga ako mamaya kaya hindi ako sasama!" Matigas kong sabi saka ako nagmartsa paalis.

But I hate it so much! I hate it so much that four hours later I found myself sitting uncomfortably inside one of the bars at BGC. Takte, bakit kasi ako nadala sa pangongosensya ni Valerie at pangungumbinsi ni Ivan sa groupchat?

Morayta EncounterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu