CHAPTER 4: HIS ANGER

403 10 0
                                    


XIAN LIEGH'S POV

Tatlong araw na akong nakakulong dito sa bahay at hindi man lang nagabalang umuwi si Ashing dito. Ano pa ba ang aasahan ko? He hates me so much. Umuuwi lang naman siya dito para saktan ako.

Bumuntong hininga ako at bumangon sa pagkakahiga. Medyo hindi narin masakit ang katawan ko at naghilom na din ang ibang mga pasa. Tumingin ako sa maaliwalas na panahon sa labas. Kay gandang panahon ngunit nakakalungkot na araw.

"Lady Xian may bisita ka po." Saad ni butler Jong sa labas.

Lumabas ako at pinagbuksan si butler Jong ng pinto. Mula ng maikasal ako kay Ashing ay wala na akong tinatanggap na bisita. Sino naman kaya ang bibisita sakin?

"Sino po ang dumalaw?" I asked. Sinabayan naman ako nito sa pagbaba. Inalalayan panga ako nito pero hindi ko na tinanggap okay naman na kasi ako.

"Rinzel Montecillio Lady Xian, yun ang sabi niya.'' Nagulat ako. Paano siya nakapasok?

"Rinzel?" Nagtataka kong tanong kay butler Jong. Tumango ito at nagpaalam na pumuntang kusina at maghanda ng pagkain.

"My lady." He said ang kiss the back of my right hand. Tinawanan ko lang siya ng mahina, hindi kasi bagay.

"Why are you laughing?" Naiinis na tanong nito. Umiling lang ako at umupo sa harap niya.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ko na inirapan niya. Ulit natawa ako sa inaasta niya.

"Come on Xiang it isn't obvious dinalaw ka. Hindi mo ako na miss?" Kunyari nagtatampo niyang saad. Humagalpak ako ng tawa sa pinaggagawa niya.

"Rin gutom ka ba?" Umirap ulit ito sa tanong ko. Humagikhik nalang ako sa kakulitan niya. Parang hindi 25 years old kung umasta eh.

"Nakakatampo ka na talaga Xiang." Muli ay nagreklamo ito. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang asarin siya. Naputol lamang ang aming asaran ng dumating si butler Jong na may dalang pagkain at umalis din dahil may gagawin.

"Where is your husband?" He suddenly asked. Natigilan ako saglit at bumuntong hininga.

"He's busy with his work." I replied. Tumawa naman si Rin ng pagak. Tiningnan ko siya ng nagtataka.

"Really? Kaya pala ang aga kung nakitang lumabas sa Prime hotel na may kaholding hands na babae." It's not a question but a statement. Nalungkot naman ako sa narinig. It's probably Lesha.

"Baka namamalikmata kalang Rin baka hindi si Ashing yun." Nakangiti kong sagot sa kaniya. Bumuntong hininga siya at nag iwas ng tingin.

"Isa kang mamahaling bagay na walang katumbas na kahit anong halaga pero pinapabayaan at pinagpalit niya sa isang basura." Mahabang komento niya. Umiling na lamang ako at ngumiting muli.

"I hate it when you smiled like that. Matamis pero puno ng pait. Next time you'll smile at me make sure it's pure." Nagulat ako sa sinabi niya. Tumayo siya at pinagpag ang damit na sout.

"I'll be leaving now, take care of your heart. If you ever feel that no one loves you please remember my name." He said before he left. Malungkot akong tumingin sa papaalis na Rin. Maswerte ang mapapangasawa mo Rin.

"Mahal ka niya Lady Xian." Komento ni butler Jong na nagpangiti sakin. Alam ko yun at nagaalala siya para sakin.

"Butler Jong can I go out? Gusto ko pong pumunta sa Maiden's Art Club. I missed painting." Nakangiti kong sabi na tinanguan lamang ni butler Jong.

Masaya siyang nagpaalam na ihahanda ang sasakyan gaya gumayak nadin ako sa loob para magbihis. It's been a while since I hold a brush. Nakakamiss.

"Lady Xian the car is ready." Tinanguan ko si butler Jong sa kaniyang sinabi at pumasok sa loob ng sasakyan.

Matagal tagal narin mula nang makapag upload ako sa private page ko ng aking mga likha. Mula nong kinasal ako kay Ashing ay pinagbawalan niya na akong humawak ng canvas.

Sa iisiping yun ay nalungkot ako. Kaya patago na lamang akong nagpipinta ng hindi niya nalalaman.

"Lady Xian narito na po tayo." Lumabas ako sa sasakyan at preskong hangin ang sumalubong sakin. Natutuwa akong pumasok sa loob at nilibot ang tingin. Walang pinagbago.

"Ms. Xian magpipinta po kayo?" Tanong ng isa sa mga staff dito. Tumango ako kaya nagpaalam itong maghahanda ng gagamitin ko.

They know me because I've been here for a long time since the day I got married. Ng matapos siya ay tinawag niya ako. Naupo ako sa aking pwesto at masayang inalala ang mga alaala kung bakit nahiligan ko ang pagpinta.

My mom was once a famous artist but she died due to health problems. Bumuntong hininga ako at hinawakan ang brush. This feeling of nostagalia. Pumikit ako sandali at inalala ang inspirasyon ko sa pagpipinta.

"What are you doing here?" Napamulat ako ng marinig ang malamig na boses na iyon. Ang boses na hinahanap hanap ng aking pandinig. Nagkaroon ng kunting tuwa ang aking puso ng lingunin ko siya.

Bigla naman lumungkot ang puso ko ng makitang nakakapit sa kaniyang kaliwang braso si Lesha. Umiling nalang ako at nag iwas ng tingin. Malamang pumunta siya dito dahil kay Lesha how I wish he would accompany me too.

"I told you not to hold the brush again and you disobey me. Trying to compet Lesha?" He mockingly said. Nagulat ako sa tinuran niya.

"N-No I'm just here b-because..." He cutted my words.

"Don't you ever think of competing Lesha you are nothing but a trash compare to her." Napayuko ako sa sinabi niya. Of course it's Lesha again.

"Shin stop that maybe Xian just want to paint just let her." Malambing na sabi ni Lesha. Naiinis ako sa boses niya. Ang galing umarte.

"I hate you. You're really disgusting I just can't imagine myself living in the same roof with you." He said before they left. Umalis yata kasi nandito ako. Napatawa nalang ako ng mapakla. Tumayo nalang ako at binalik ulit ang brush na hinawakan ko kanina.

Nawalan narin akong gana magpinta. My inspiration is killing my passion. Ang sakit.

WILD FLOWERWhere stories live. Discover now