CHAPTER 6: DIVORCE

472 11 0
                                    


XIAN LIEGH'S POV

I spend my day wandering around to calm my annoyance. Ng matapos at magsawa ay nag commute ako pauwi sa mansyon. Hindi ko na inabala pa si butler Jong at baka may ginagawa.

Masaya kong inabot ang bayad sa taxi na sinakyan ko at huminga muna ng malalim. This is a rough one. Ngumiti muna ako ng matamis bago pumasak sa loob ng bahay.

"I'm home." Masaya kong bati. Oh, wala nga palang naghihintay sakin. Napatawa nalang ako ng mahina sa ginagawa ko.

"Welcome home my lady." Nagulat ako ng may bumulong sa gilid ng tainga ko. Dali dali akong lumayo at tiningnan siya ng may nanlalaking mata.

"Why?" Matamis siyang nakangiti at inosenting nakatingin sakin. Sinamaan ko ito ng tingin.

"You startled me and why are you here?" Inirapan lamang ako ni Rin at nauna pang pumasok sakin at umupo sa loob. Namimihasa na talaga yan.

"Rin what are you doing here?" Tanong ko ulit ng maabutan ko to. Wala din si butler Jong baka may pinuntahan.

"Hindi ba pwedeng maging masaya ka naman kapag nakikita ako Xiang? You're hurting my feeling you know." Madamdamin nitong saad. Nginusuan ko ito sa ginawa niya, childish.

"I'm not messing around Rin." Umiiling nalang itong napasuko. Nagcross arms ito at tumingin sakin ng seryoso.

"Your dad wants to see you." Malungkot akong nagiwas ng tingin sa sinabi niya. Napabuntong hininga siya at nagsalita ulit.

"He's sick he wanted to see you. Bakit ayaw mong umuwi? After all you are the Salvatore's heir." Nginitian ko lang siya. Hindi pa ako handang umuwi. Hindi pa handa ang puso kong magpatawad.

"Rin I don't want to force myself, also I don't want dad to see me like this." Sumeryuso naman ang mukha niya sa sinabi ko.

"Napapadalas ba?" Nginitian ko nalang siya ng kalahati at tumingin sa kawalan. No one knows about my condition except butler Jong, Rinzel and Ashing's brother and mom.

Huminga ako ng malalim at sinalubong ang seryusong tingin niya. This is not the time for him to worry I'm all good.

"I suggest you better go home for rest. Nat-trigger ang kondisyon mo kapag nandito ka." Umiling ako sa sinabi niya. Ayukong iwan si Ashing. Kahit na minsan niya lang akong inuuwian excited padin ang puso kong makita siya.

Kahit na pinabubuhatan niya ako ng kamay ay hindi ko padin magawang magalit sa kaniya. Ngumiti ako ng matamis ng maalala ang mukha niyang may ngiti. Ngiting dati sakin niya binibigay.

"You're killing yourself Xiang. You don't need to do this sa papel lang kayo kasal." Medyo may kalakasan niya nang sabi. Umiling padin ako tanda ng di pagsangayon. Mahal ko si Ashing at hindi ko siya isusuko kay Lesha.

"Nagaalala ako sayo Xiang. Mahal kita alam mo yun bakit sinasayang mo pagmamahal mo sa taong wala namang pakialam sayo?" Naiinis niya tanong. Nginitian ko siya ng alanganin.

May pakialam siya, dati. At handa akong sumugal kahit na buhay ko pa maalaa niya lang na minsa'y naging mahalaga din ako sa buhay niya.

"Mahal din kita..." Hindi natapos ang dapat ko sanang sasabihin nang kumalabog ng malakas ang pinto ng mansyon.

Umuwi siya, ngunit imbes na tuwa ang maramdam ay kaba ang bumalatay sa buo kong katawan. Nagbabaga ang malalamig niyang mga mata na para bang handa siyang pumatay anumang oras.

"How dare you bring your man here huh? It's not even your house." Nandidiri nitong sabi. Nalungkot ako sa tinuran nito.

"Rinzel is not my man." Depensa ko. Nakita kong seryuso namang nakikinig si Rinzel sa gilid. Nagmamasid ang sunod na gagawin ni Ashing.

"Oh really? Nahuli kana nga nagdedeny ka pa? You said you love him too right? Why not sign this divorce and let's end this f*cking marriage and be happy with him?" Nauumay niyang saad at may kalakasang nilapag sa lamesa ang hawak niyang envelop. Nagsimulang mamuo ang maliliit na butil ng luha sa aking mga mata.

Tiningnan ko siya ngunit wala akong mababakas na kahit na anong emosyon dun maliban sa galit, inis at pagdidiri. Tumingin ako sa direksyon ni Rinzel ng makitang nakakunot ang noo nito.

Bumaling ulit ako kay Ashing at umiling. Sinalubong ang mapanghusga niyang tingin.

"No I won't sign that paper. Why? Is it Lesha again? Why? Why can't you choose me? Why is it always her?" I said.  He grab my chin and whisper to my ear.

"Simple, because I love her and you? Even the word hate can't tell how much I despise you." At pabalang akong binitawan kaya napaupo ako sa sahig. Dinaluhan ako ni Rinzel at pinatayo.

"Sumusobra kana Mr. Delo Costa." Masama ang tingin na binibigay ni Rinzel kay Ashing pero walang pakialam na tumalikod siya.

"Sign the divorce and get the hell out of my life. Hindi rin naman kita mahal nasusuka rin ako sa tuwing nakikita ka." Napahagolhol nalang ako sa huling sinabi nito bago umakyat sa taas. Sh*t ang sakit.

WILD FLOWERWhere stories live. Discover now