Chapter 3

1K 44 5
                                    


"Hi, baby sis!"

I was shocked when I saw my older brother pagkalabas ko ng kwarto.

"Kuya!" I hugged him dahil ilang buwan ko rin siyang hindi nakita.

Masyado na kasi siyang busy and he rarely goes home ever since he took the place of dad, after he retired. My parents are in their 60s and dad decided to pass the CEO title of one of our biggest businesses to kuya last year. Tatlo kaming magkakapatid actually but kuya is the first born kung kaya't siya ang nagmana ng pinakamalaki naming business while my ate is bound to inherit mom's company this year. Ako naman ay ayaw ko pang problemahin 'yon, masyado pa akong bata at baguhan kung ikukumpara sa kanila. Marami pa akong dapat matutunan sa larangan na pinili ko.

Mas lalo naman akong napangiti nang makita si ate sa dining table. Hindi kami masyadong close ni ate dahil sa states siya lumaki but I always get excited sa tuwing umuuwi siya. Same with kuya and our cousins. Hindi ako close sa kanila dahil sa age gap, menopausal baby na kasi ako kung kaya't hindi ko na sila masyadong nakakasama no'ng lumaki ako dahil may kanya-kanya na rin silang pinagkakaabalahan, mapabusiness man o sariling pamilya nila.

"Mas lalo siyang pumayat. Mom, you should make her eat more."

She stood and hugged me.

"I heard you applied on Paris College of Art. Why didn't you tell me? Nasamahan sana kita." She pouted.

"You're busy ate, okay lang naman. Sinamahan naman ako ng assistant ni mom." I immediately answered.

I tried to catch up with my siblings that morning, mabuti nalang ay nagkataon na wala naman kaming pasok.

"So do you have boyfriend now?"

Napangiwi naman ako sa tanong ni ate, it's like she just said a weird joke. Kaibigan nga e wala, boyfriend pa kaya?

"You should have a boyfriend, I was third year in college when I got myself a boyfriend. Hindi naman nagalit sina mommy, diba? See..."

"Ate, ayaw ko pa..." nahihiya kong sagot kahit na sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung gusto ko ba o hindi...it's just that, hindi ko pa talaga 'yon naiisip.

I would appreciate it more kung magkakaroon ako ng kaibigan.

"Okay, ako na nga ang bahala. Ang hirap namang tingnan na ang loner ng kapatid ko. A Villamin shouldn't be like that! You should have your own circle of friends!"

Ate kept on talking at wala akong ibang masabi kundi 'sana all'. Sana all gusto ng mga tao maging kaibigan, sana all hindi boring, sana all interesting...

I sighed. Habang tumatagal, mas lalo yata akong nagiging sad girl.

I was sitting inside our classroom the next morning while writing on my to do list nang lumapit sa akin ni Ria.

"Amil! Meeting mamaya, free ka ba?"

Gulat akong napatingin sa kanya.

"H-Huh? Meeting? Sa org?"

"Yeah, may idadagdag kasi si Pres sa program. I'm thinking na ikaw nalang uli 'yong dalhin ko, may klase kasi 'yong iba."

Wala naman akong magawa kundi pumayag, kahit na kinakabahan dahil makikita ko nanaman 'yong lalaking kapangalan nung multo. Hindi ko pa rin lubos maisip na makikita ko siya tuwing kasama ako sa meeting at hindi ko naman maiiwasan na maalala ang taong 'yon sa tuwing nakikita ko siya.

I am already in the present pero sa tuwing nakikita ko siya ay tila bumabalik ako sa nakaraan.

And I don't think that's a good thing. But then...it's not the fault of the Aizen I know now, hindi niya kasalanan na kapangalan niya ang taong nang-iwan nang walang paalam...

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon