Chapter 4

1K 38 1
                                    


You remind me of someone.

Parang sirang plaka 'iyong nagpaulit-ulit sa isip ko, tila ayaw akong patulugin. Napaupo ako sa kama at sinubukang ikalma ang sarili para mawala na rin 'yon sa isip ko.

Bakit ba kasi niya nasabi 'yon? Mas lalo lang nagugulo ang isip ko dahil sa mga posibilidad.

Mababang tili ang pinakawalan ko bago itinalukbong muli ang kumot.

I should really stop thinking about him, being the Aizen that I knew from the past. Dahil hindi iyon makatarungan sa parte niya at sa akin din. Dahil hanggang ngayon ay mahirap pa rin para sa akin na balikan ang parteng 'yon ng buhay ko kasi umasa ako...umasa ako noon...pero nasaktan lang ako. Akala ko may tao na talagang nakatanggap sa akin sa pagiging boring ko, akala ko may tao ng itinuturing talaga akong kaibigan, akala ko hindi na ako mag-iisa, na kahit malayo ay makakausap ko siya...pero wala pala...akala ko lang pala.

I sighed thinking of our plans back then.

"Magcocollege ka na pala, saan ka mag-aaral?" I asked him.

"Dream school ko 'yong UST tapos architecture o 'di kaya ay engineering ang course ko, ikaw ba?"

"Gusto ko sa UST pero hindi pa ako sigurado sa kukunin ko, minsan gusto ko rin sa UP. Pero bahala na...saka na ako mag-iisip kapag nakapasa na. Matagal pa naman."

The Aizen I knew wanted to take an architecture or engineering course in UST and he's a year ahead of me.

While the Aizen I know in the present is also taking engineering, pero kung siya ang Aizen na nakilala ko noon, hindi ba't dapat graduate na siya?

Kaya hindi...hindi siya si Aizen na ghoster. And I should really stop thinking about that ghost!

I woke up the next day lightheaded dahil kung anong oras na ako nakatulog. Pagkababa ko sa dining area ay agad akong nagulat nang makita roon ang mga pinsan kong sina Ate Mariam at Ate Darlyn. Agad akong lumapit at bumeso sa kanila.

"Nasabi sa akin ni Lorenza na loner ka pa rin, gosh, akala ko pa naman you're enjoying college life na." Ate Mariam said and rolled his eyes.

Pagod naman ako napabuntong-hininga. Si ate talaga, shinare pa talaga sa mga pinsan namin ang napag-usapan naming no'ng nakaraan.

Wala naman ako sa sariling nakinig sa kanila.

"You should really try dating, Amil. Kung wala kang mahanap sa school niyo, try using dating apps." Ate Darlyn suggested ngunit agad din siyang kinontra ni Ate Mariam.

"Gosh, that's so cheap. Baka mamaya serial killer pa makilala ni Amil doon."

I sighed. I met someone online, too. Hindi nga serial killer, ghoster naman. Anyway, dapat nga pala ay hindi ko na 'yon iniisip pa.

"Oo nga, diba? Kaya nga ako na namili ng ididate niya diba?"

I furrowed my brows because of what I heard.

"Tama ba ang narinig ko? Date?" I asked.

Ate Darlyn smiled at lumapit pa para akbayan ako. "Yes, you're right. We set you up for a date. Mamayang gabi na 'yon, wala ka namang pasok today kaya g na 'yon agad."

Hindi ko naman alam ang irereact ko. I've never been on a date!

"Don't worry, mabait na bata 'yon. A year older than you at sa La Salle nag-aaral, engineering student."

Huh? Engineering na naman?

"Teka...ate! Ayaw ko!"

"Don't worry, Amil! Tito and tita already approved of it, excited na nga sila, kakilala rin kasi nila ang parents ng ididate mo mamaya."

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon