Chapter 6

895 36 5
                                    


Mahaba ang pila at nahirapan pa akong hanapin ang pila para sa standing A, isama pa na maraming nagbebenta ng merch at nadedemonyo rin akong bumili. But I tried to stop myself from buying dahil mahirap mag-enjoy sa concert kapag maraming dala.

Mabilis ang lakad ko nang bigla akong may kabangga, matangkad pa ang nakabangga ko kung kaya't muntik na akong tumalsik.

"Aray." Pinulot ko ang dala kong handbag na nabitawan ko.

"Sorry, miss..." the guy said and attempted to help me, ngunit bago pa niya magawa 'yon ay tiningala ko na agad siya dahil pamilyar ang kanyang boses.

My eyes widened.

"Aizen?"

He looked shocked too.

"Amanda."

Tumayo na ako at pinagpagan ang bag ko bago humarap sa kanya. Medyo nahihiya dahil nagkita nanaman kami at nagtataka rin kung bakit nandito siya.

Napaisip tuloy ako. NCT fan din siguro siya? I remembered him asking earlier about me...being a kpop fan.

"Nandito ka ba para sa concert?" Hindi ko na napigilan ang kuryosidad ko kung kaya't nagtanong na ako.

Nag-aalinlangan naman siyang ngumiti bago tumango. "Oo, pero hindi ako manunuod. Sinamahan ko lang ang kapatid ko, siya ang manunuod."

Tumango naman ako. Oo nga pala, he told me earlier na kpop fan ang kapatid. I suddenly wonder kung anong ticket ba kinuha niya. Pero kailangan ko ng magmadali dahil malapit ng magpapasok sa venue.

"Uh, ano sige...hahanapin ko pa kasi 'yong pila para rito." I showed him my ticket.

He nodded saka siya gumilid, tila pinapadaan na ako.

I awkwardly waved my hand to him bago mabilis na naglakad palayo nang sapo-sapo ang dibdib.

Gosh, it's so unexpected to see him here.

Ang haba ng pila at medyo magulo ang mga tao kung kaya't hirap na akong hanapin kung saan ang numero sinusundan ng ticket ko, mabuti nalang ay may isang nagmagandang loob na tumulong sa akin. At ang saya ang dahil parehas pa kami ng bias.

"Hala talaga? Jaemin bias ka rin? Gosh!" Tuwang-tuwa siya at pinakita pa ang mga nabili niyang merch.

"Gosh! Excited na talaga akong makita silang lahat! Gusto ko ng mapanood in person 'yong ice cream part ni Nana!"

Mabuti nalang ay halos magkasunod lang kami sa pila. Nahihirapan akong makipag-usap sa mga tao pero dahil madaldal siya ay halos hindi ko na kailangan pang magsalita.

"Grabe! Ang hirap ng pinagdaanan ko bago makakuha ng ticket! Kailangan ko pa talaga ibenta 'yong dating albums na nabili ko. Sayang, pero alam ko worth it naman."

I suddenly feel bad for her. She gave up her other collections just to go to this concert...her first concert.

Mas bata siya sa akin pero 'di hamak na mas mataas ang energy niya, madaldal pa, at palangiti. Mukha rin namang mabait at nabanggit pa niya sa akin na galing pa siyang probinsya at lumuwas lang para manood.

Muntik na kaming naghiwalay no'ng pinapasok na kami dahil sa mga nagtutulakang tao, mabuti nalang ay nahawakan niya agad ang pulso ko. Medyo may kalapitan sa barricade 'yong napuntahan naming pwesto. Okay rin naman kahit na medyo masakit sa katawan dahil sa mga taong nanunulak mula sa likod.

"Okay ka lang?" I asked her dahil muntik na siyang sumubsob.

"Okay lang, nako. Kapag ako makalabas dito, isusumbong ko sila sa kuya ko."

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon