Chapter 11

874 40 0
                                    


Pagkapasok sa sasakyan ay panay pa rin ang iyak ko, nakakahiya sa driver pero hindi ko na talaga mapigilan ang luha ko. Gano'n ang nangyari hanggang sa makauwi na ako, mabuti na lang wala 'yong parents at mga kapatid ko kung kaya't dumiretso na ako sa kwarto at nagtalukbong ng kumot sa kama.

Maybe what happened were all easy for him kung kaya't parang ang dali-dali lang para sa kanya na harapin ako ngayon. Samantalang ako, hindi ko na alam kung paano ko ba siya haharapin pa...nang hindi naaalala lahat ng sakit.

It was him. It was him who's capable of hurting me over and over again.

Noon ay dahil sa hindi niya pagtupad sa mga salita niya...at ngayon...

I shook my head and buried my face on my palms.

I don't want to acknowledge what I am feeling, natatakot ako, at naiinis din sa sarili ko kung bakit ang bilis ko laging maattach sa kanya.

For the second time around, it's still him.

Gusto ko mang umiwas ay hindi ko 'yon magagawa agad because I still have to attend the big event at sigurado akong kahit na ayaw ko ay magkikita't magkikita pa rin kami roon. But as much as possible, I don't want to interact with him. Hindi ko kaya.

Just a mere sight of him is enough to bring back all the pain and memories...that aren't worth remembering.

"Hoy, umuwi ka agad kahapon? What happened?"

"Ah, medyo sumama lang pakiramdam ko pero um-okay na rin naman no'ng hapon."

She eyed me like she's not buying it pero hindi naman na siya nagtanong pa, siguro naniwala na rin. Tumungo ako kung saan kailangan ako, which is sa registration area para sa mga walk-in attendees. Mas okay 'yon, siguradong malayo sa kanya.

That's what I did the whole time I was in the seminar that day, ang iwasan siya. Mukhang wala rin naman siyang balak na lumapit dahil abala siya sa mga responsibilidad niya kaya nakahinga ako ng maluwag habang tumutulong sa kanila.

It was when I'm about to go home no'ng magkasalubong kami sa pasilyo ng building. I acted like I didn't see him at diretso lang ang lakad pero minamalas yata ako dahil muntik na akong madapa dulot ng nanginginig kong binti.

"Are you okay?" He asked, pero hindi ko na siya pinansin at sa halip ay dumiretso nalang sa paglalakad. Nilunok ang hiya dahil sa muntik na pagkapalpak.

Gano'n din ang nangyari no'ng sumunod na araw, sa kakaiwas ko sa kanya ay muntik ko ng masagi ang speaker, mabuti nalang ay nahila ako ni Jensenn papalayo. Akala ko ay mapapagalitan ako pero siya pa ang napagalitan...ang init init nga ng ulo sa kanya ng President. Ewan ko ba do'n, mukhang hindi professional, samantalang si Jensenn ay tawa lang ng tawa.

"Amanda! Picture!" Ria shouted.

Ngingiti na sana ako kaso may nakita ako sa tabi niya kung kaya't hindi ko na tinuloy at tahimik nalang na lumapit para sa picture taking.

Pumwesto ako sa kaliwang bahagi ni Ria kaso umalis naman siya at pumwesto sa kaliwa ko kung kaya't katabi ko na si Aizen. Sumiksik naman ako kay Ria para mapalayo sa kanya.

I froze when he suddenly held my shoulders and fixed me in place. Binitawan na din niya ako pagkatapos nun, at kasabay naman nun ang pagtunog ng camera na nasa harapan.

I swear! Pakiramdam ko mukha akong tangang nanlalaki ang mata doon sa picture, and whose fault it was?

Tinitigan ko ng matalim ang likod niya habang nakikipag-usap siya sa mga bisita. I really hate him! Makahawak, close ba kami?

"Uuwi ka na ba?" Jensenn asked me no'ng magkasalubong kami sa labas ng hall.

Tumango naman agad ako. "Oo, ikaw ba?"

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon