Chapter 9

857 33 1
                                    


The party was successful and most of the guests said that they had fun which made me glad too, kahit na hindi ko naman talaga gusto na magpaparty pa.

It was a tiring week kung kaya't pagdating ng Lunes ay halos nakasalampak lang ako sa upuan dahil sumasakit pa ang paa ko kakasuot ng heels.

"You looked stunning kagabi, muntik na kitang hindi makilala, bagay na bagay sayo 'yong gown and make-up mo. Para kang princess." Ria said at umupo sa tabi ko.

She was also invited, because just like I said before, her parents work in our company at kasundo rin ng parents ko.

"Nakakapagod isuot." I just stated the obvious, ang bigat kasi ng gown, parang may buhat buhat akong bag. Kahit na lagi naman akong nakasuot ng gown tuwing may mga pagtitipon ay hindi pa rin talaga ako nasasanay pa, isama na ang heels.

"You looked graceful nga eh, princess na princess nga ang dating. Sabagay prinsesa ka nga naman talaga, sa yaman ba naman ng pamilya mo, siguro kahit hindi ka na magtrabaho buong buhay mo hindi ka na magugutom pa."

Ria kept on talking about our riches kung kaya't nakakaramdam na ako ng hiya, mabuti nalang ay wala ring ibang nakikinig sa amin.

"Oh, tumatawag si Aizen, wait sagutin ko lang!"

Tumango ako at hinayaan ko muna siya. Nanghihina naman akong sumandal sa upuan.

Hearing that name still hits differently. It's been a long time, pero...gano'n pa rin. Kakaiba pa rin.

Lahat na ginagawa ko para kumbinsihin ang sarili ko na iba ang Aizen ngayon sa nakilala ko noon, but my mind's too stubborn.

"May short meeting daw mamaya, g ka ba? Ikaw na dalhin ko."

Tumango ako dahil pareho naman kaming walang klase at wala rin naman akong gagawin.

"Sige."

"Nakakapagtaka na 'tong si Pres, no'ng nakaraang event naman halos tatlong beses lang nagpatawag ng meeting pero ngayong ang dalas na. Ano kayang nakain nun? Anyway, kailangan pa rin nating sumunod dahil siya ang president." Ria ranted.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil kakakilala ko palang din naman kay Aizen kung kaya't tumango nalang ako.

Nagkasundo kami ni Ria na magkita nalang sa may Starbucks na nasa tapat ng UST, doon ko nalang siya hihintayin dahil may ibibigay pa siyang files sa friend niya. Habang naghihintay ay nag-order muna ako dahil medyo nagugutom na rin ako.

"Aiz, what do you think? Okay ba?"

Awtomatiko akong napatingin sa kabilang banda nang marinig ang pangalan na 'yon at ang pamilyar na boses. Tama nga ako, si Iris nga 'yon and she's with Aizen. And they uh...

I looked away and tried not to glance at their direction.

Ang sweet kasi nila, ang lapit-lapit nila sa isa't isa, nakahawak pa sa braso niya si Iris. Plus they're happily laughing habang may tinitingnang kung ano.

Tahimik akong sumimsim sa kapeng inorder ko at pakiramdam ko'y mas pumait ang pakiramdam ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I'm already weird pero pakiramdam ko ay mas naging weird pa ako ngayon, and I don't understand why.

I looked at them again at napansin kong paalis na sila. Nakangiting humabol kay Aizen si Iris at masayang humawak sa braso, like she's already comfortable doing that for years. Sabagay sa pagkakaalala ko naman sa sinabi ni Ria last time ay matagal na silang magkakilala.

Tsaka bagay sila, they're in the same league.

"Oy, kanina ka pa nakatulala sa may bintana. May tinitingnan ka ba?" Muntik na akong mapatalon nang makita sa harapan ko si Ria.

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon