10 | No Other Option

1K 31 1
                                    


            Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang tatlo sa loob ng ilang sandali. Hindi alam ni Calley kung ano ang tumatakbo sa isip ng dalawang tiyahin; but one thing was for sure—they both didn't like what they heard.

"Kahit hindi niyo sabihin sa akin ay alam kong gusto na ninyong makuha ang kompanya. I don't know and I don't care what you want to do with it— but I can assure you that I will definitely transfer the ownership as soon as I can. Kahit ang mansion namin at ang bukiring minana ni Mommy sa Lolo, sa inyo na rin. I just want you to leave me alone after the transfer. Ayaw ko na ng gulo, gusto ko nang matahimik. At alam kong mangyayari lang iyon kung wala nang natitirang anumang pag-aaring nakapangalan sa akin."

"Ganito na ba ka-baba ang tingin mo sa amin bilang pamilya mo, Calley?" anang Auntie Augusta niya, puno ng hinanakit ang tinig.

"Come on, Auntie. Let's drop this drama and just be real. Alam nating pareho kung ano ang kailangan ninyo, at walang problema sa akin. You can have them all—"

"When?" tanong naman ng Auntie Esther niya na kanina pa tahimik. Seryoso ang anyo nito, ang mga mata'y diretsong nakatitig sa kaniya. "Hindi tulad ni Ate ay hindi ako magpapaka-ipokrita at sabihing nais pa rin kitang maging pamilya. Our parents left us nothing and gave everything to your father. Pero salamat sa kaniya dahil ang dating maliit na pabrika ay naging isang malaking kompanya. When he died, we thought we'd get something—even just a little something. Pero lahat ay sa'yo lang pala napunta."

Hindi niya alam kung saan nanggagaling poot sa mga mata ng Auntie Esther niya sa mga sandaling iyon. Poot na kahit ang Auntie Augusta niya ay kinunutan ng noo nang makita.

Nagpatuloy si Esther. "Kaya kung ayaw mo sa mga ari-ariang naiwan sa'yo, sabihin mo sa amin kung kailan mo ililipat sa pangalan namin nang matapos na ang lahat. Nang matahimik ka na at maputol mo na ang koneksyon natin bilang pamilya. Those are what you wanted to happen anyway, hindi ba?"

Itinuwid niya ang sarili sa pagkakaupo. "Give me another year."

"Another year," ulit ni Esther na sinundan pa ng pigik na pagtawa. "In six months ay tuluyan nang babagsak ang kompanya kung hindi maagapan at mapopondohang muli, hindi mo ba alam?"

Nainis siya sa sinabi nito. Gusto niyang sabihing kasalanan din ng mga ito kung bakit nangyari iyon—dahil ang mga ito rin ang namalakad ng kompanya sa mahabang panahon. Bakit parang sa kaniya pa ibubuntong ang kapalpakan ng mga ito?

Pero pinili niyang maging kalmado. She had to, even if it hurts. Kahit kailan talaga ay hindi siya tinuring ng mga itong pamilya. They treated her like an investment; at doon siya nasasaktan.

"Nasabi sa akin ni Ninong—I mean, ni Attorney Perez ang tungkol sa kasalukuyang status ng kompanya; so, yes. I know that it is currently facing bankruptcy. Pero alalahanin ninyong kailangan ko rin ng isang taon para maisaayos ang paglilipat ng lahat ng mga properties sa pangalan ninyo. Have you forgotten that I still need to conceive and give birth to a child? It takes nine months to carry the baby— iyon ay kung may mabubuo agad ako?"

Damn it, ni hindi siya sigurado kung papayag si Daniel sa mga plano niya.

Yes, sa loob ng dalawang araw ay iyon ang pinag-isipan niya matapos niyang ma-kompirma ang lahat ng mga sinabi ng Ninong Lito niya tungkol sa huling habilin ng mga magulang. Hindi niya alam kung bakit iyon ang inisulat ng mga ito sa testamento, pero ang eksplinasyon ng Ninong niya ay maaaring nais lamang siguraduhin ng mga magulang niya na mayroon siyang masaya at komportableng buhay bago niya ilipat o ipamigay ang pag-aaring mayroon siya. At na maaaring wala talagang interes ang daddy niya na bahagian ang mga kapatid ng isang sinkong duling; kaya ganoon ang naging kondisyones nito.

PAINT ME NAKED (Free Phillian Zodiac)Where stories live. Discover now