30 | Sunset Dipping

918 23 1
                                    




           "Bakit dito tayo pumunta imbes na umuwi na sa beach house?" tanong ni Calley nang doon sila sa silong dumiretso matapos manggaling sa bayan.

           Buong araw ay nasa bayan sila ni Phillian at nag-ikot-ikot kasama ang iba pang mga turista. They went to every food stalls and tasted their products. They strolled every art shops, clothing stalls, and even the fish market where she was introduced to many types of seafoods. Matapos nilang ikutin ang bayan ay nagtungo sila sa simbahan.

           She wasn't the religious type, but Phillian was. At pumunta sila roon upang maipag-sindi nito ng kandila ang namayapang mga magulang. And he meant not only the man who adopted and gave him a name, but also his biological parents. He explained that Felicia brought them up to be God-fearing, pero ilan lang daw sa mga kapatid nito ang sumunod sa paniniwalang iyon hanggang pagtanda.

           Matapos manggaling sa simbahan ay namasyal naman sila sa gymnasium na katabi ng simbahan, doon sa mismong court ay nagkalat din ang iba't ibang mga paninda; mula sa mga kakanin, sa iba't ibang klase ng bagoong, mga produktong pangbarter, at mga tuyo. Maamoy sa lugar na iyon pero hindi siya nagreklamo; the products smelt yummy actually, at nagutom siya kaya matapos nilang manggaling doon ay sa kung saang food stalls na naman sila pumunta.

           And she loved that day. It was simple, pure, and real.

           Walang halong pagpapanggap. Walang halong pag-iinarte, walang halong drama. Just like the first time they met. Just like that night.

           At si Phillian ay hindi binitiwan ang kamay niya. Ang dahilan nito'y maraming tao at baka mawala siya. At dahil maraming pulis na nakapaligid sa bayan na pinaka-iwas-iwasan niya'y alam nitong mahihirapan silang pareho kapag nawala siya.

           Bandang alas sinco na sila umalis sa bayan, at nang marating nila ang silong ay inabutan pa nila ang paglubog ng araw. The sky was red and that reflected off the sea. Kay ganda ng tanawin mula roon sa baybayin.

           Walang tao sa silong dahil ang lahat ay nasa bayan kasa-kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Kahit doon sa baybayin ay walang gaanong tao; it was quiet, serene, and romantic.

           "I promised you to go on a fishing trip, didn't I?"

           Inalis muna niya ang suot na sunglasses at hat saka ini-itsa ang mga iyon sa backseat bago hinarap ang binata. "Don't tell me na dadalhin natin ang isa sa mga malalaking fishing boats mo sa laot?"

           He chuckled. "May maliit na pump boat kami sa loob ng silong, iyon ang dadalhin natin. Let's go."

           Nauna itong bumaba, at hindi na niya hinintay na pagbuksan at alalayan siya nitong bumaba kaya sumunod na siya. Nagtungo sila sa silong kung saan nito inalis sa pagkakatali ang maliit na pump boat saka kung paanong hinila na patungo sa dagat. The boat was only three meters long and a meter wide, at de makina iyon. Ayon kay Phillian ay ginagamit iyon for back up; mas mabilis daw ang takbo niyon kaysa sa malalaking bangka.

           Matapos i-check ni Phillian ang kondisyon ng maliit na bangka ay dinala na nito iyon sa dagat. Bilib siya sa lakas nitong hilahin iyon mag-isa. He was a strong man--at tulala lang siya kanina habang sinusundan ito ng tingin. She wouldn't be surprised if Phillian told her that he was Hercules; a Greek divine hero famous for his strength.

            Nang nasa tubig na ang bangka ay nag-umpisa na itong maghubad ng suot na sapatos. Makalipas ang ilang sandali ay inalalayan na siya nitong makasamba sa bangka.

            Naupo siya sa upuang kahoy na nasa kabilang dulo, habang si Phillian ay naupo sa tapat niya, doon banda sa may makina. They were more than a meter apart, but she could still smell his manly scent.

PAINT ME NAKED (Free Phillian Zodiac)Where stories live. Discover now