70 - Weather and Darkness

700 22 0
                                    





Tuluyang humarap si Phillian nang marinig ang katanungang iyon ni Calley. Sa mahabang sandali ay pareho silang tahimik na magkatitig. Calley's eyes were filled with hope; she was hoping to hear the answer she wanted to hear. And Phillian's eyes were filled with... many emotions.

           Mga emosyong nagtatalo-talo. Naroon pa rin ang lungkot sa anyo nito, ang pagkalito sa tunay na nararamdaman, ang sama ng loob sa mga nangyari. At this point, Phillian was confused of his own feelings.

            Hanggang sa unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito, kasunod ng muling pag-blangko ng anyo. He would rather hide what he truly felt to protect himself, than show Calley and allow her to break his heart over and over again.

          Nang makita ni Calley ang blangkong ekspresyon sa mukha ni Phill ay humulagpos ang pag-asang bumangon kanina sa dibdib.

           "Why would I be lonely?"

           She cleared her throat and forced a smile. "Why, indeed."

           "Masyadong napuno ng galit at sama ng loob ang dibdib ko noong mga panahong iyon para maging malungkot." Nilampasan nito si Calley at naglakad patungo sa pinto ng banyo. "Wash yourself and freshen up. I'll fix you something to drink downstairs."

           Calley just stood there, staring blankly at the tub. Hanggang sa ang sunod na lang nitong narinig ay ang pagsara ng pinto ng banyo.

*

*

*

           Nangangalumbabang nakatunganga si Calley sa harap ng salaming pinto ng veranda sa silid ni Phill at pinagmamasdan ang patuloy na pagbagsak ng malakas na ulan sa labas. She was sitting on the carpet, her back was resting to the side of the bed, and beside her was a pitcher of cold honey-lemon water.

           Malamig ang panahon, ayaw tumigil ng malakas na ulan at hangin, at kahit na alas dos na ng hapon ay madilim pa rin ang kalangitan. Hindi na naging maganda ang panahon sa buong araw... hindi na nagpakita ang haring araw, at kahit gustohin niyang umalis doon dala-dala ang mga gamit ay hindi niya magawa. Sa ganitong panahon ay mahihirapan siyang maghanap ng masasakyan, at ayaw niyang magkasakit kapag nagpaulan siya.

           Kaninang umaga, noong abutan siya ni Phillian sa banyo na nagsusuka dahil sa paglilihi, ang huling beses na nagkita sila nito sa araw na iyon. Matapos niyang magbabad sa tub ng halos kalahating oras ay nagbanlaw na siya at lumabas sa banyo. Paglabas niya'y nakita niya ang isang insulated tumbler na nakapatong sa side table; may laman iyong hot chocolate na mainit pa rin hanggang sa mga sandaling iyon, at sa ilalim ng tumbler ay may naka-ipit na note.

           It was Phillian's note to her saying;

           'Kailangan kong bumaba sa silong para silipin ang lagay ng mga tao at bangka. I'll be back as soon as possible. Do not get out or leave the house. Masyadong mapanganib ang mga kalsada sa ganito ka-samang panahon.'

           Pagkatapos niyang mabasa ang note ay nagpatuyo siya ng buhok habang inuubos ang laman ng tumbler. Nang maubos iyon ay muli siyang nahiga hanggang sa muli siyang nakatulog. Nagising siya na alas dies na ng umaga, at bumaba siya upang maghanda ng tanghalian niya.

           She knew that Phillian won't be home at this time. Kapag may bagyo ay halos hindi ito umaalis sa silong, kaya ang sarili lang niya ang pinaghandaan niya ng makakain. She made chicken and vegetable soup, at dahil sa malamig na panahon ay halos maubos niya iyon nang siya lang.

           She was so full she had to stay up for an hour; she walked around the house, did some stretching, vacuumed the floor. Matapos iyon ay bumalik siya sa kusina upang gumawa ng honey-lemon water at dinala ang pitsel paakyat sa master's bedroom. She then washed her body, changed her clothes, and sat on the carpet to watch the rain pour heavily down the concrete veranda.

PAINT ME NAKED (Free Phillian Zodiac)Where stories live. Discover now