48 - The Broken Promise

695 21 1
                                    


Everything that happened next was hazy. Calley's eyes were filled with tears and the time seemed to slowed down. Ang eksena kung saan muling dinaluhan ni Phillian si Sacred at sunud-sunod na inundayan ng suntok ay tila bumagal sa kaniyang paningin. Hanggang sa tuluyang manlabo ang kaniyang mga mata at hindi na naging malinaw sa kaniya ang sunod na mga nangyari.

Her body froze as she stood there, she was shaking in fear and distress. Gusto niyang pigilan ang mga ito subalit hindi niya maigalaw ang katawan, hindi niya mapigilan ang panginginig, at hindi niya matagpuan ang sariling tinig.

This wasn't the first time she was harassed—the first one was when Charles Xiu; na bagaman hindi niya maalala kung may ginawa sa katawan niya ay labis na nagbigay ng trauma sa kaniya. Then, Scared Zodiac. At doon siya tila nilamon ng labis na takot at pandidiri na hind niya maipaliwanag.

Sunod niyang narinig at naaninag sa nanlalabo niyang tingin ay ang pagdating ng dalawa pang lalaki sa silid. Based on the clothes they were wearing, she recognized them as Aris and Quaro. Inihiwalay ng mga ito ang dalawa.

Then, someone approached her. May humawak sa kaniyang balikat na nagpa-igtad sa kaniya at pumukaw sa pagkakatulala niya.

She blinked, and tears trickled down her cheeks. Nilingon niya ang taong umalalay sa kaniya at humila palabas ng silid. It was Kirsten; sa likod nito ay si Nelly na nakikita niyang may sinasabi subalit hindi niya marinig.

There she realized that she was in a state of shock that her brain refused to absorb any sounds. Ang tanging nararamdaman niya ay ang banayad na paghaplos ni Kirsten sa braso niya, at ang paghila nito palayo sa komosyon.

Sunod niyang namalayan ay ang pagpasok nila sa silid ng mga ito, at ang pagpapaupo nito sa kaniya sa couch katabi ng kama. Umangat ang tingin niya kay Kirsten, ang kaniyang mga mata'y puno pa rin ng mga luha. Naupo ito sa kama paharap sa kaniya, ang mga kamay ay mahigpit na ngayong nakahawak sa mga kamay niya.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naupo roon, at kung gaano ka-tagal na hawak-hawak ni Kirsten ang kaniyang mga kamay. She could see her talking, but she couldn't hear her voice. Her tears were abundantly dripping, her body continued to shake. Hindi malinaw ang anyo ni Kirsten subalit ramdam niya ang pag-aalala nito.

Ito na nga ba ang pinaka-iiwasan niyang mangyari. Ang komosyon at pag-aalalahanin ang mga tao sa paligid.

Unang pagpunta niya pa lang doon pero gulo na ang nangyari.

But was that really her fault?

"Calley... Calley!"

Napakurap siya at muling nag-angat ng tingin. Unti-unti nang bumabalik ang huwisyo niya; naririnig na niya ang tinig ni Kirsten.

"Hey, please answer me. Are you okay?"

She opened her lips to answer Kirsten, but she couldn't find the right words to say. Was she okay? How was she feeling?

Nahinto siya sa pag-iisip nang ang sunod niyang narinig ay ang pagbukas ng pinto ng silid. Sabay silang napalingon doon ni Kirsten ay nakita si Phillian; nasa likuran nito sina Quaro at Nelly.

Muling pinamunuan ng luha ang kaniyang mga mata nang makita si Phill. Nasa anyo nito ang pag-aalala nang lumapit at patingkayad na naupo sa harapan niya. Tumayo si Kirsten at sandaling lumayo upang hayaan sila ni Phillian. Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang paglabas nito at ang pagsara ng pinto ng silid.

PAINT ME NAKED (Free Phillian Zodiac)Where stories live. Discover now