Kabanata 2

140 3 0
                                    

Umiiyak akong naka higa sa kwarto ko nasaktan ako sa mga sinabi ni waylan kanina mas lalo ko lang naramdaman ang pag ka muhi sa sarili ko at lalong lalo na sa bata.

Alam kong wala siyang kasalanan kasalanan ko namin nang tatay niya kong bakit siya na buo kaya wala akong karapatangang ibuntong ang galit sa walang muwang na bata.

Kaya mas pinipili kong layuan ang bata kaysa magalit sa kanya.

Nakatulugan ko ang kakaiyak kaya nang magising ako kinabukasan ay na mumugto ang mga mata ko, sabado ngayon at wala akong pasok mamaya pa ang pasok ko sa trabaho bilang isang Janitor sa isang restaurant.

"Oh gising kana pala anak." bati ni mama nang bumaba ako sa kusina, hawak ni kuya Ariel si Ymara at tinutulungan naman ni ate Aime si mama si kuya Aries naman ay busy sa cellphone niya.

Simula nang mabuntis ako ay hindi na ako pinapansin nang mga kapatid ko si Ymara nalang ang pinapansin nila pero ako para na akong hangin pag nasa paligid isa din kaya ayuko dito sa bahay.

Galit sila saakin galit na galit nang malaman nilang buntis ako maraming salita ang nasabi nila na kinasakit ko hindi ko sila ma sisisi mali naman talaga ang nagawa ko.

"Kumain na tayo." pag aaya ni mama tahimik kaming kumain walang imikan hangang sa matapos pumasok sa sari sarili nilang kwarto si kuya Ariel at kuya Aries naiwan ako si ate Aime,Mama at mara sa kusina.

"Alice hawakan mo si Ymara at mag lalaba ako." sabi ni mama

"May gagawin ako ma." sabi ko naman habang nag huhugas nang plato.

"A-anak anak ka tapos hindi mo kayang alagaan." parinig ni ate Aime na nasa lamisa.

"Aime ang bunganga mo!" saway ni mama.

"Ohh bakit? totoo naman eh ang lakas gumawa nang anak hindi naman ma alagaan." sagot ni ate at umalis.

"A-ko na ma mag lalaba mag pahinga na kayo." kahit ayaw ko kinuha ko si Mara sa braso niya.

"Pasensya na anak."

"Sorry din ma." umakyat ako sa kwarto dala ang apat na buwang sanggol umiyak akong nilapag siya sa kama.

'Hindi na ata mag babago ang pakikitungo nang mga kapatid ko saakin'

Naiinis ako sa sarili ko nag padala ako sa nararamdaman ko at hindi iniisip ang mga pinag gagawa ko sa buhay ko nadala ako nang labis na pag mamahal sa mura kong edad na dala ako sa mga matatamis niyang salita at sa mga bagay na ginagawa niya hindi ko alam na mali na pala pero naibigay ko parin binigay ko ang buong sarili ko dahil akala ko pag ginawa ko iyun ay akin na siya na hindi na niya ako iiwan pero mali ako dahil kahit nabigay kona iniwan parin ako at pinag tabuyan ako at ang batang ito.

***

Alas sinco na nang hapon nang matapos ako sa trabaho ko nag tatrabaho ako dahil ayaw kong i asa kala mama ang mga pangangailangan ni Mara ako ang bumibili nang gatas at diaper nang bata malaki na ang natulong ni mama saakin kaya ayaw kong abusuhin ang ginagawa niya.

Habang nag lalakad pa uwi ay may nakita akong isang babae na sa tingin ko ay nasa labing anim  na taon na umiiyak siya habang naka upo sa isang bench dito sa nadaanan kong park.

Umupo ako sa tabi niya tumingin siya saakin at pinunasan ang luha na nasa pisnge niya bago mapait na ngumiti.

"Hi! ako nga pala si bea ikaw?" tanong niya na akala mo hindi umiyak kanina.

"Alice." tipid na sagot ko. "Bakit ka umiiyak bea?" lakas loob na tanong ko, tumingin siya sa mga bata na nag lalaro bago ngumiti nang mapait.

"Alam mo alice gusto ko nang sumuko sa buhay ko kasi 16 palang ako tapos may anak na ako." nagulat ako sa sinabi niya tumingin siya saakin at ngumiti may luhang tumulo sa mata niya.

"One year old na siya si jeyson ang pangalan niya nong una lagi akong galit at kinamumuhian siya,ayaw ko pag nasa paligid siya hindi ko gusto pag nakikita siya hanggang umabot sa punto na pinamigay ko siya." muli siyang umiyak parang may nagawa siyang dapat hindi niya ginawa.

"Ilang linggo palang nang ibigay ko siya pero nag sisisi ako sa ginawa ko alam mo kong bakit? kasi nabalitaan ko na aksidente yung taong pinag iwanan ko sa anak ko ka-kasama yung anak ko Pa-patay na ang anak ko." humahagulgol na kwento nong babae hindi ko alam pero na malayan ko nalang na nakayakap na ako sa babae, nang tumahan ay tinuloy niya ang kwento.

"Pinag sisisihan ko yung mga araw na inayawan,pinagtabuyan,at kinamuhian ko siya huli kona na realize na mahal ko ang anak ko na anak ko nalang ang na titira saakin pero na gawa ko paring ipamigay at sanhi nang pag ka wala niya hindi ko manlang hinayaan na ma kita niya ang mundo pinag kaitaan ko siya nang buhay sa mundo kasalanan ko kasalanan ko!"

"Kung sana na tanggap ko siya nang maaga hindi mangyayari iyon, natakot lang naman ako kasi ang bata ko pa 16 palang ako pero nag ka anak na ako masyado akong natakot sa sasabihin at panghuhusga nang ibang tao pero huli kona na laman na dapat hindi ko sila pinansin kahit kaunting panahon ko lang nakasama ang anak ko masasabi kong masaya ako naging masaya ako pag kasama ko siya hindi naman masamang maging batang ina ang masama ay ang kinamuhian mo ang taong nang galing mismo sa iyo."



Im A Mother At The Age Of FourteenKde žijí příběhy. Začni objevovat