Kabanata 14

114 4 0
                                    

Mag iisang buwan na ang lumipas at naging okay naman ang buhay namin ni Ymara sa puder nila bea nag papasalamat din ako sa mag kapatid dahil inaalagaan nila ang anak ko pag may trabaho ako.

"Ayiee ouy ikaw Alice ha may something ba kayo ni kuya kasi lagi na siyang nandito." bulong ni Irine at sinundot sundot ang tagiliran ko.

"Hindi ha pinunta ka niyan hindi ako." sabi ko.

"Nako nako bakit ngayon lang ikaw yan lam mo ba lagi yan nag tatanong saakin ayiee." napa iling nalang ako sa kalukuhan niya.

Sa naka lipas na isang buwan ay naging mag kaibigan kami nila jenny at irine at simula nang makilala ko si Blaster sa library ay lagi na siyang nasa labas nang room namin.

Lagi niya rin akong sinasabay sa pag kain.

Aaminin kong may nararamdaman parin ako kay waylan dahil siya ang una kong minahal at binigay ko ang sarili ko nag bunga pa nga iyon pero tuwing ma kikita ko siyang kahalikan si Nassandra ay bumabalik ang mga salitang dumurog saakin mga salitang gusto kong kalimutan pero patuloy akong hinahabul.

Pero dahil nandyan Si Ymara sa kanya ko binubuhos ang pag mamahal ko bata pa ako kaya alam kong ma wawala din sa puso ko si Waylan marami pang mangyayari sa akin at sa amin nang anak ko.

***

Kakauwi ko lang galing trabaho at talagang pagod na pagod ako ang sakit nang katawan ko at nang ulo ko.

Hinalikan ko si Ymara sa noo bago tumabi sa kanya sa pag tulog.


Nagising ako na mabigay ang pakiramdam feeling ko lalagnatin ata ako Dahil kahit pag tayo na hihirapan ako pero dahil may malambot na labi ang humalik saakin parang na bawi lahat nang lakas ko.

"Good morning baby Ymara pa kiss nga si mommy." natatawa siyang namumula dahil sa pag kiliti ko at pag halik halik sa leeg niya.

Nang matapos ay nag paalam na kami ni jenny kay bea na papasok lagi nadin kaming sabay pumasok dahil pariho lang naman kami nang pinapasukan.

"Alice ayos kalang ba? na mumutla ka ha?" tanong ni jenny papasok na kami sa gate nang school.

"Oo puyat lang ako marami kaming ginawa kagabi sa club e." sagot ko at pilit na ngumiti wala siyang na gawa kong hindi mag kibit balikat lang, habang nag lalakad kami ay sumabay saamin si blaster kaya na gulat pa kami sa pag sulpot niya sa gitna namin.

"Good morning girl's." bati nito tumango lang ako sa kanya dahil wala akong gana at parang na hihilo ako na iwan.

Habang nag lalakad ay pa bigat nang pabigat ang katawan ko salita nang salita si blaster at jenny pero hindi kona na rinig dahil na malayan ko nalang na nawalan na ako nang malay at may brasong pumulupot sa akin para hindi ako tuluyang ma laglag sa sahig.


Nagising ako nang may boses na nag sasalita sa paligid hindi kopa na bubuksan ang ang mata ko dahil sobrang pagod nito at hindi na kikisama sa gusto nang isip ko.

"Ano pong nang yari sa anak ko doc?" rinig kong tanong nang pamilyar na boses.

"Misis she's okay now she need rest and eat kulang siya sa tulog masyado nang pagod ang katawan niya ano po ba ang ginagawa niya parati siyang puyat at stress." paliwanag nang doctor.

Hindi kona narinig ang iba nilang sinabi dahil kinain na nanaman ako nang antok nagising ako nang may maramdamang haplos sa kamay ko kaya napa dilat ako at sumalubong ang nag aalalang mukha ni Mama nasa likod niya si papa na walang Emosyon.

"M-ma,P-papa." tawag ko nang lalabo ang mata ko nang ma alala ang nang yari saamin noong nakaraang buwan, lumingon sila saakin  at agad na lumapit iyak ako nang iyak dahil nakita ko ang panlalambot nang tingin ni papa na miss ko si papa sana mapatawad na niya ako at matangap na niya si Ymara yun lang naman ang nag papabigat saakin bawat araw pag na iisip ko na hindi pa kami okay ni papa pag na iisip ko na kina mumuhian na niya ako at ang anak ko pag na iisip kong hindi na niya ako mahal pag na iisip kong na sasaktan siya sa mga pinag gagawa ko sa buhay at nasasayang lang ang pinag hihirapan niya sa ibang bansa Para ma tustusan lang ako.

"P-papa sorry po patawadin niyo na ako papa patawadin niyo po ako sorry.....sorry papa sorry hindi ko alam ang nagawa ko sorry papa sorry.....mahal na mahal ko po kayo mahal kopo kayo pati napo si Ymara sorry po..." umiiyak na sabi ko lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit kaya mas lalo akong napa iyak.

"Shhh.....okay na sorry din anak sorry patawadin mo si papa okay na sorry na anak ang prinsesa ko hindi ko hahayaan na mag hirap kayo nang apo ko sorry anak bumalik na kayo nang apo ko tahan na hash..."

Im A Mother At The Age Of FourteenWhere stories live. Discover now