Kabanata 12

108 4 0
                                    

Hindi ako pumasok nang tatlong araw dahil nag iisip pa ako nang pweding gawin sa tatlong araw din iyong ay pumasok ako sa trabaho para naman may sweldo ako dagdag oras din ang tatlong araw.

tinulungan din ako nang mag kapatid si bea ang mag babantay kay Ymara pag umaga pag hapon naman ay si Jenny dahil ako mag tatrabaho ako pag galing sa eskwela iyon ang napag usapan namin dahil dalawang buwan nalang tapos na ang pasukan kaya titiisin nalang namin.

"Alice!" napa lingon kami ni bea sa bagong dating na si jenny naka uniform pa siya at halatang may sasabihin.

"Bakit?" tanong ko

"Jusko day apat na araw kanang hinahanap nang parents mo pumunta kanina sa school yung mommy at ate mo pati yong kuya mo sinabi kong pumapasok ka padaw ang  sabi naman ni Ma'am ay tatlong araw kanang hindi pumapasok! kawawa naman ang mama mo umiyak pa sa school dahil sobrang nag aalala na daw kong nasan ka!" mahabang kwento niya natahimik naman ako na mimiss ko nadin sila mama.

"Tatawagan ko sila mamaya para sabihin na okay lang ako." sabi ko tumango nalang si jenny si bea naman ay nag bihis na dahil may pasok pa siya ganon din ang ginawa ko may pasok pa ako tatlong oras ang pasok ko sa restaurant pag tapos ko don tatlong oras din akong janitor sa club na pinag tatrabahuan ni bea tinulungan niya akong maka pasok dahil kulang daw sila sa tao sabay kaming umuuwi nang alas dose nang gabi.



Sabay kaming lumabas ni bea at nag hiwalay din dahil mauuna ang club na pinag tatrabahuan niya sa restaurant na pinapasukan ko.


Pakatapos nang tatlong oras sa restaurant ay sinarado na iyon nang katrabaho kong si kuya fred sinabay din niya ako gamit ang motor niya papunta sa club na pinapasukan ko pag pasok ko dun saktong kunti nalang ang tao kaya nag suot ako nang Apron nakita ko si bea na nag seserve sa ma ngilan ngilang costumer.


"Hi Alice." bati saakin ni ate Vian isang dancer dito sa club ngumiti ako sa kanya at nag patuloy sa pag tatrabaho.


Nang matapos ay hinintay ko lang si bea dahil mag kasama na kaming uuwi ihahatid kami nang may ari nang club na si Ma'am Georgi.



***

Nasa bahay na kami nag bihis ako at kinuha ang cellphone ko pinalitan kona kasi ang Sim ko para hindi na ako ma contact nila mama.


Kinuha ko ang no. niya at tinawagan ilang ring lang ay sumagot na ito.

[Hellow sino ito?]

"M-ma si Alice ito." umiiyak na sabi ko na mimiss kona sila mama.

[Jusko nak asan ka maayos kaba kamusta ka si Ymara kamusta kayo asan kayo nak sabihin mo] sunod sunod na tanong ni mama.


"Ma okay po kami nasa maayos po kaming lagay wag napo kayong mag alala wag niyo napo kami alalahanin mama tataposin kopo ang school ko para sa anak ko salamat sa lahat ma mahal kopo kayo." pag kasabi ay pinatay kona ang cellphone at umiiyak na tumabi sa anak ko.

Im A Mother At The Age Of FourteenWhere stories live. Discover now