Chapter 6: Naked Truth

2.1K 61 6
                                    

Papasok na sana si Anne ng banyo ng kanyang sariling kwarto nang bigla siyang makarinig ng pagkatok. Agad naman niyang pinagbuksan ang taong kumakatok at bumungad sa kanya si Karylle, si Karylle na nakatapis lang at may twalya rin sa ulo para naman sa kanyang buhok. 

"What are you--What the!?" gulat na sambit ni Anne nang makita si Karylle.

Basa pa ang katawan ni Karylle at halatang naudlot ang kanyang pagligo. Hawak niya rin ang bra't panty niya kaya napakunot noo si Anne.

"What do you need?" tanong niya. Napangisi naman si Karylle at nahihiyang sinagot si Anne.

"Wala na palang shampoo sa banyo ko.. baka naman pwedeng makihingi muna? Hehe" 

Tiningnan muna ni Anne si Karylle mula ulo hanggang pa at napabuntong hininga nalang bago  pinapasok si Karylle sa kanyang kwarto. 

"How come na wala ka nang shampoo? Ang bilis naman eh sabay lang naman na binili yun ah!"

"Eh kasi- uhmm pwede bang makihingi?"

"Use my CR instead." sagot ni Anne na ikinapagtaka ni Karylle.

"Are you.. are you sure?"

"Yes. Pakibilisan lang kasi maliligo na rin ako."

"Sabay na tayo!" biro ni Karylle

"What!?' gulat na tanong naman ni Anne kaya pinagtawanan siya ni Karylle.

"Hey! Chill!" sabi ni Karylle at naglakad na papasok ng banyo ni Anne. "I was just kidding Anne, and besides, what so wrong about that? You don't have to be conscious of your body naman ehh well.. unless you have a guy thing down there" biro ulit ni Karylle at pumasok na sa see through na shower.

Naiwang nakabukas ang pinto ng CR kaya natatanaw pa rin ni Anne si Karylle mula sa kanyang kama. Pero hindi naman din tanaw na tanaw dahil medyo blurred naman yung shower glass.

"By the way Anne.. yung project mo pala sa English I already-" sabi ni Karylle sabay bukas ng shower kaya hindi na nadinig ni Anne ang sunod na sinabi niya.

Pumasok naman si Anne sa banyo at sumandal nalang sa pader sabay sindi ng yosi niya habang pinanonood na maligo si Karylle. 

"Ano ulit yun?" tanong ni Anne.

"Woah! What are you doing there?" aligagang tanong ni Karylle at pinatay ang shower. 

Hindi naman talaga siya nakikita ni Anne dahil malabo nga naman ang glass ngunit na conscious siya sa kanyang katawan kaya tinakpan niya ang kanyang sarili.

"Duh! As if I'm seeing you!" sabi ni Anne habang umiirap at sabay buga ng usok. "Ano na nga ulit yung sinasabi mo?"

"I said..." sabi ni Karylle sabay bukas ulit ng shower. Naririnig naman na siya ni Anne dahil nasa loob na ito ng banyo. "Yung project mo sa English, ako na ang nagsubmit at gumawa. Kasi-"

"Project sa English? Anong project?"

"See? Hindi mo alam? Yung instructor mo sa English 4, siya rin yung instructor ko sa English 1 kaya sa akin niya pinaalala. Yung pinagpapapasa kayo ng short story?"

Saglit naman na napakunot ng noo si Anne na tila ba inaalala niya ang tinutukoy ni Karylle.

"When did you sumbit it?"

"Remember nung nag-bar ka last last night? I did it for you na tapos 'di ka naman pumasok kinabukasan sa klase niya kasi nga hang over kaya ako na rin ang nagsubmit.. and don't worry.. I'm not asking you to thank me" sabi ni Karylle na patuloy pa rin sa kanyang pagligo.

"Thank you" seryosong sabi ni Anne.

"No. Seriously Anne. I'm not being sarcastic or so.. 'di mo talaga kailangang magpasalamat"

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon