Chapter 19: The War

1.4K 51 3
                                    

"WHAT WAS THAT ANNE!? NGAYON MO PA LANG SIYA NAGING BOYFRIEND AND YOU'RE LETTING HIM DO THAT TO YOU!??" sigaw ni Karylle sa kapatid.

"Hmp.. buti pa ako, cute mag-selos, 'di tulad mo para kang monster." bulong ni Anne.

"ANO? ANONG BINUBULONG-BULONG MO DYAN?"

"Ate K, 'wag ka na kasi magselos" paglalambing ni Anne at biglang niyakap si Karylle. "Ikaw lang kaya love ko.."

"Anne, pwede ba? 'Di mo ako madadaan sa ganyan mo ha."

"Ihh.. sorry na~" paglalambing na naman ni Anne kaya nga lang ay biglang tumunog ang phone ni Karylle. Syempre't agad naman itong sinagot ng huli.

"Hello? Ay oo nga, sorry.. oo si JM? ahh oo siya nga sorry sanay kasi ako na JM ang tawag sa kanya.. uhmm yeah, where are you ba? Anong oras na ba? Okay sige, I'll be there in 30 minutes.... sige sige.. thank you" pagdadaldal ni Karylle sa telepono at akmang lalabas na ng kwarto ngunit pinigilan siya ni Anne.

"Dito ka lang..." paglalambing na naman ni Anne na ngayong nakahawak sa braso ni Karylle.

"Anne, pwede ba!?"

"SIGE! GANYAN NAMAN E! 'PAG IKAW PWEDE KA DYAN SA JM NA 'YAN PERO 'PAG AKO, BAWAL!" sigaw ni Anne.

"BAWAL TALAGA!"

"Bakit? Dahil ikaw ang ate??"

"Pwede ba Anne!? Mamaya na 'yan. May pupuntahan ako. Mag-aral ka and tell your boyfriend na may paguusapan pa kami ha."

"Hmp.. so okay lang pala sa'yo na may boyfriend ako?" bulong ulit ni Anne pero sa pagkakataong ito ay nadinig na ni Karylle.

"Actually hindi nga e. Ang bilis naman!? Ni hindi ko nga nakitang nanliligaw 'yan sa'yo eh. At 'di ba sabi ko, dadaan muna sa'kin lahat ng manliligaw sa'yo? Mamaya paguwi ko maguusap tayo ha." sabi ni Karylle na akmang aalis na ngunit nadinig na naman ni Karylle ang bulong ni Anne

"Psh.. ayaw pa kasing aminin na nagseselos siya"

"Ano?"

"Wala sabi ko ikaw lang love ko.. sungit parang monster..."

"ANO??"

"Monster na, bingi pa.. hmp wala.. sabi ko I love you."

"Anne, sinabi ko na sa'yo, 'di mo ako madadaan sa ganyan. Sige na aalis na ako at mamaya maguusap tayo."

Ang naiwan na si Anne ay napabuntong hininga nalang at nalungkot bigla. Mas gugustuhin niya pa na sermonan siya magdamag ni Karylle kaysa iyong iiwan siya nito para sa JM na manliligaw niya.

Kinabukasan...

"Hindi pa rin kayo nagpapansinan ano?" tanong ni Billy sa kasama niyang si Anne. Kasalukuyan silang nasa lobby at nagaaral-aralan.

"Eh nakakainis naman kasi siya e. Akala mo kung sino kung makapagdikta. Para ba namang tunay ko siyang kapatid"

"Nako, 'pag narinig niya 'yan. I'm sure magtatampo na naman 'yun. 'Di ba sabi mo, nagtatampo siya 'pag sinasabi mong 'di mo siya kapatid?"

"Eh sa hindi naman talaga eh. Kainis!"

"Pasalamat ka nga 'di ikaw ang nasampal e. Ang sakit kaya manampal ng ate mo. Haynako. Basta i-make sure mo 'yung deal natin kuys ah. Lakad mo ko kay Marian" nakangising sabi ni Billy sabay hila sa baywang ni Anne palapit sa kanya.

"Oo na oo na. Ewan ko ba kung ano'ng nagustuhan ko dyan. Kakainis! Ayaw ko na nga sa kanya!"

"Wow.. ayaw mo na talaga? Eh 'di ako nalang." nakangising sambit ni Billy na lalong lumapit kay Anne.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon