Chapter 21: Addicted

1.5K 51 21
                                    

"Goodmorniiiiing!" sambit ni Anne habang naguunat-unat.

"Good morning pero tingnan mo nga ang oras, tanghali na kaya. Bumaba ka na dun. Kumain ka na ng lunch"

Agad siyang napalingon sa gilid niya at nadatnan si Karylle na kasalukuyang nagbibihis. Napatingin din naman si Karylle sa kanya nang mapansin niyang tinititigan siya nito.

"Huy Anne, titig ka na naman. Ikaw talaga, gustong gusto mo 'kong nakikitang nagbibihis."

"Naahhh of course I like the other way around." sagot ni Anne at saka ngumiti nang nakakaloko. Tiningnan tuloy siya ni Karylle nang masama.

"Ihh Anne ang manyak mo!" sambit ni Karylle at hinampas si Anne sa pamamagitan ng unan.

"Hehe. Anyway, saan ang punta mo?"

"Ewan ko rin. Basta nagyaya kasing lumabas si Marian e."

Napakunot noo naman si Anne sa nadinig habang si Karylle naman ay kasalukuyan na ngang nakaharap sa salamin at nagme-makeup na.

"'Wag ka na magpaganda. Maganda ka na" sambit ni Anne.

"Eh syempre dapat presentable."

"Teka nga, don't tell me you're starting to like her na?"

Natigilan naman si Karylle sa sinabi ni Anne kaya nilingon niya na ito.

"Nagme-makeup lang naman ako tapos may gusto agad ako sa kanya? Ano ba 'yang sinasabi mo Anne?"

"Eh kasi naman, simula nung nakasama natin siya nung birthday celebration ni Vice a week ago, parang 'di na kayo mapaghiwalay ni Marian. Lagi na kayong lumalabas nang magkasama"

"Bakit? 'Di ba ikaw rin naman simula nung bakasyon lagi lagi ka rin naman naglalalabas with your friends."

"Friends. Yes, friends nga. Eh ikaw?"

"Magkaibigan din naman kami ni Marian ah."

"Iba kasi 'yun! Alam mo namang may gusto siya sa'yo 'di ba?"

"Hayy... ang kapatid ko nagseselos na naman" sambit ni Karylle at nilapitan na si Anne. "Magkaibigan lang kami ni Marian. And don't worry, hindi lang naman kasi kaming dalawa ang magkasama e. Kasama namin yung mga team mates niya sa volleyball. Okay? Kaya para 'di ka mabore, lumabas ka nalang din with Vice and Vhong. Okay?"

"Psh. Whatever"

"By the way, lumabas na yung grades natin online ahh. Nacheck mo na?"

"Yeah.. Saw it already. Pero 'di ko pa nakita 'yung breakdown kaya I don't know pa kung sino sa atin ang nanalo sa pustahan"

"Baka naman talo ka kasi kaya kunwari 'di mo pa nakikita."

"Psh. Yabang mo naman! If ever man na talo ako, ready naman ako sa mga ipapagawa mo ano! Ikaw ready ka ba?"

"Sige na nga. Oo na po." nakangiting sabi ni Karylle at napatingin sa phone niya. "Ay, osige aalis na ako ha."

"No! Dito ka na maglunch. Samahan mo ako" paglalambing ni Anne.

"Eh kaya lang kasi...sabi ni Marian ano ehh.."

"Psh naman eh! Dito ka lang naman magla-lunch eh and then you may go. Please?"

"Hayy sige na nga. Fine, tara na." sambit ni Karylle at hinila ang braso ni Anne para alalayang tumayo habang ang huli naman ay tila ba nagpapabigat at ayaw magpahila. "Anne, tara na nga."

"Ihh katamad kasi. Karga mo ako."

"'Wag ka nga magpa-baby dyan."

"Akala ko ba, baby Anne mo ako? Hihi" sambit ni Anne at saka humiga ulit sa kama.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon