Chapter 11: Jealousy

1.6K 62 9
                                    

"J M?" kunot noong tanong ni Anne sa sarili matapos basahin ang card na nakadikit sa ribbon ng tsokolate. Minsan naman na niyang naabutan noon ang padalang bulaklak para kay Karylle mula sa misteryosong manliligaw nito ngunit ngayon lang niyang nadatnan na may pangalan nang nakalagay dito.

"Yaya pakitapon po."

"Ha? Pero para po 'yan kay Ma'am Karel"

"I said, pakitapon. Ayaw ni Ate K ng ganyan, And please lang, tuwing may magpapadala ng ganyan itapon mo na kaagad." masungit na sambit ni Anne.

"Pero sayang naman po itong chocolates" nakangising sambit ni aling Puring.

"Fine. Keep it. Basta 'wag mo nalang ipaalam kay Ate K" sambit ni Anne at naupo nalang sa dining tila malalim ang iniisip.

"J M J M who the hell is that J M?" iritableng bulong ni Anne sa sarili. Naiirita pa siya dahil minsan na niyang pinagsabihan ang manliligaw ni Karylle na 'wag na magpadala ng bulaklak ngunit sinuway lang siya nito.

"Good morning!" biglaang sabi ni Karylle na bumababa ng hagdan. Nilingon naman siya ni Anne. "Good morning Anne. Ang aga mo magising ngayon ah" bati niya sa kapatid at saka bumeso dito.

"Good morning.." walang kaganaganang bati naman ni Anne pabalik.

"Kumain ka na?" masayang tanong ni Karylle nagpailing iling lang naman si Anne bilang sagot. "Wait. Ako nalang magluluto."

Agad na dumiretso si Karylle upang makapaghanda na ng agahan at habang abala siya sa kanyang pagluluto, bigla nalang niyang naramdaman na may yumayakap sa kanya mula sa kanyang likuran.

"Anne? Wait nagugutom ka na ba talaga?" tanong ni Karylle na hindi sinagot ni Anne sa halip ay mas hinigpitan lang nito ang pagyakap sa kanyang kapatid. "Wait lang Anne. Malapit na matapos 'to. Upo ka na muna dun"

"Ihhh dito nalang ako" paglalambing ni Anne habang yumayakap pa rin kay Karylle.

Napangiti nalang si Karylle dahil sa pagiging clingy ng kapatid nito sa kanya.

Matapos magluto ni Karylle ay sabay na silang kumain ng kanilang agahan. Wala ang mga magulang nila dahil maaga silang umalis para sa trabaho.

"Ate K..." malambing na sambit ni Anne sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. "Pwede bang 'wag mo nang ientertain yung nanliligaw sa'yo?"

"Hmm.. si J M ?" tanong ni Karylle na nakapagpakunot noo kay Anne.

"You know him na? Nagpakilala na siya?" nagpailing iling naman si Karylle.

"Nope..but he already gave his name.. tapos sabi niya hindi niya daw ako kaklase sa kahit na anong subject.. which I doubt kasi paano naman niya ako nakilala 'di ba?"

"So you haven't met him pa?"

"Nope. Not yet. Why?" tanong ni Karylle. "Hmm.. baka naman kilala mo 'tong si J M ? Tapos crush mo siya kaya ayaw mo na sa'kin siya nanliligaw?" pangiintriga ni Karylle

Napakunot noo naman si Anne dahil bigla nalang siyang iniintriga ni Karylle sa taong 'di naman niya kilala at nagtaka rin siya dahil ni wala namang basehan ang sinasabi ni Karylle sa kanya ngayon.

"What made you think that way?"

"Nakita ko kasi yung post mo kahapon.. may friend kang nagtatanong kung kanino galing yung chocolates.. tapos sabi mo sa boyfriend mo? Parang ganun.. I don't remember pero parang ganun. Pwede mo namang sabihin na galing sa akin ahh. Nakakatampo"pabirong sambit ni Karylle. "But anyway.. where's the chocolate? Naubos mo na ba?"

"Nah.. it's in the fridge" sagot ni Anne na nagpatuloy sa pagubos ng kanyang pagkain.

"Anne, baka naman gusto mo na pala magkaboyfriend ha. Nako.. 'di pwede. Dapat lahat ng manliligaw sa'yo dadaan muna sa akin. Kikilatisin ko muna." seryosong sabi ni Karylle.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon